Brows X

262 14 2
                                    

Charm is deceitful, and beauty is vain, but a woman who fears the Lord is to be praised

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Charm is deceitful, and beauty is vain, but a woman who fears the Lord is to be praised.
~Proverbs 31:30

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Sampung Kabanata

SINUGOD kaagad namin sa ospital ang batang dala ni Yheacka. Wala itong hinto sa pagtatangis dahil sa iniindang sakit.

Mabilis na inasikaso ng mga nurse ang bata nang makarating kami sa ospital. Pati si Yheacka, walang mayaw sa pag-iyak. Alalang alala siya rito.

Pilit siyang pinapakalma ni Wowa Zon. Hindi ko naman alam ang aking gagawin kaya naman ay naupo na lamang ako sa kaniyang tabi.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng ospital. Pasado alas nuwebe na ng gabi. Dapat ay natutulog na ako ngayon!

Hindi ko naman magawang masisi si Yheacka sa sitwasyon ngayon. May kung anong bagay na pumipigil na gawin ko ito.

"S-si Yzaiah... Wowa si Y-Yzaiah." She cried and I can hear her voice cracking because of worried.

"Tahan na apo. Magiging ayos din ang lahat."

Niyakap siya ng mahigpit ni Wowa at pilit pa ring pinapakalma sa kabila ng nangyari. Tawagin niyo na akong walang kwenta ngunit hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon.

Isang beses pa lamang ako nakasaksi nang ganitong kapighatian. Ito ay noong hiniwalayan siya nang tuluyan ni Daddy. At gaya ngayon, wala rin akong nagawa noon upang maibsan ang nararamdaman niya.

Kalahating oras ang lumipas at nalaman na namin ang kalagayan ng bata. Napag-alamang inatake ito ng hika kaya siya kinumbulsyon.

Sabi ng doktor mabuti at nadala raw namin kaagad ito sa ospital. Kung hindi ay baka mayroon pang mas malalang nangyari rito. Ngunit ngayon ay sinisigurado niyang ayos na ang kalagayan ng bata.

Nang masiguradong nasa mabuting kondisyon na si Yzaiah, umuwi muna si Wowa Zon. Titingnan muna raw niya ang aking mga naiwang kapatid sa bahay.

Sinabihan niya akong manatili sa ospital upang bantayan si Yheacka. Papadalan na lang daw niya ako ng damit. Mabuti na lang at sabado bukas, wala kaming pasok.

"H---Hindi ko na alam ang gagawin ko," nanghihina ay nanginginig na usal ni Yheacka sa tabi.

Nasa loob kami ngayon ng hospital room ni Yzaiah. Mahimbing na itong natutulog, samantalang kaming dalawa ay mulat na mulat pa.

Brows of the Past | Sixth of Ace: Axti ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon