The next day was hectic. Sa paglalapit ng midterms, mas nararamihan na ang oras ng pag pupuyat ko kakaaral.
Hell week kung sabihin nila.
"Hoy! Pahinga rin Janea." Sabi ni Cha sa akin habang pinapanood ako mag-aral
Tumango ako habang nakatuon pa rin ang atensyon ko sa librong pinag-aaralan ko.
"Jan oh, kain rin" sabi ni Nicole pagkatapos mag lapag ng bananacue sa lamesa ko.
Napatingin naman ako roon, pagkatapos ay tumingin sa kaniya.
"Thanks" ngiting sabi ko at kinain iyon habang nakatuon pa rin ang atensyon sa libro.
Naramdaman ko naman ang pag-upo nila sa tabi ko.
"Sya nga pala, kila mama ako magstastay ngayong hell week" sabi ni Cha, napatigil naman ako sa pag-aaral at saka itinuon ang atensyon sa kanila.
"Ah sige, mag-iingat ka. Send my regards to tita" sabi ko habang pinupunasan ang sipon ko gamit ang tissue.
"Ako rin Jan, pinapastay ako nila Mama sa bahay muna. Aalis kasi kami next week rin eh" sabi ni Nicole, ngiting tumango nama ako.
"Basta mag-iingat kayo" pahintulot ko sa kanila, ngumiti naman sila
"Habang wala kami dito, please lang alagaan mo sarili mo ha!" Sabi nila, natawa naman ako at sunod sunod na tumango
"I can handle" sabi ko
⋆✧★⋆★✧⋆
Nung sumunod na araw ang alis nilang dalawa pauwi sa bahay nila.
Sa mga sumunod na araw naman ay naging busy ako sa kakaaral. Inoff ko lahat ng messages ko maliban lang sa call para hindi ako madistract.
"Uy okay ka lang?" Tanong sa akin ni Marga habang nakaupo sa aming upuan; hinihintay ang prof namin
Tumango naman ako
"Syempre" sabi ko, napakunot naman ang noo niya
"Namumutla ka at.."kinapa ang noo ko. "ANG INIT MO PA!" sabi niya
Nanghihinang ngumiti naman ako at saka sinenyasan siyang manahimik.
"Last day naman na ngayon ng exam. Iinom ako ng gamot at para na rin sayo. Lumayo ka kaunti sa akin para hindi ka mahawa" sabi ko
Napanguso naman siya
"Natutulog ka pa ba?" Tanong niya, nanghihinang tumawa naman ako
Natutulog naman ako pero hindi kumpleto dahil binubuhos ko lahat ng oras ko kakaaral.
"Oo naman" sabi ko at ngumiti.
Hindi na namin naituloy ang pinag-uusapan namin nang dumating ang professor namin.
Last day naman na ngayon ng exam week.
I promise myself that I would recover some time to sleep.
After class ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Naglagay rin ako ng kaunting tint sa pisngi at labi ko para hindi ako magmukhang may sakit.
It was Friday at gabi na natapos ang klase namin.
Dahil weekend na naman bukas ay may-oras na ako ulit matulog ng matagal.
I was holding onto my nape when suddenly I saw Caius.
It's been a week since I saw him. I already gave him a heads up about my schedule because he asked what I would be doing during this week.
BINABASA MO ANG
I Met You During Paskuhan
RomanceThe joy you feel. The happiness we felt. The pain we got. The end we were given. Janea De Liano never liked going to gatherings and parties, and that includes her university's annual paskuhan. They say paskuhan is one of the most anticipated program...