Habang naglalakad kami patungo sa canteen ay hindi ko maiwasang tumingin sa aking telepono para tignan kung nagmessage ba siya.
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa phone mo ha" biglang sabi ni Cha, napatingin naman ako sa kanya at saka pasimpleng inilagay sa bulsa ang telepono ko
"Aahh..hinihintay ko lang message ng shopee. Ngayon daw kasi dadating order ko" pagrarason ko, tumango tango naman siya.
Hindi namin kasama ngayon si Nicole dahil may klase pa siya.
Habang naglalakad kami sa hall ay bigla kaming may nabangga.
"Ow!" Maarteng sabi nang nakabangga ko
"Sorry" sabi ko at pinulot ang panyo kong nahulog, nang tumingala ako ay nabigla ako nang makita ko si Sapphire.
Ang sikat na babae ng Department of Civil Engineering. May kasama naman siyang 2 babae na kapareho ng year niya
3rd year
"Minsan nga tignan mo dinadaanan mo" malditang sabi niya, tinaasan ko naman siya ng kilay.
Bago pa ako makapagsalita ay lumakad na siya palagpas sa amin ni Cha.
Napairap naman ako habang si Cha ay narinig kong suminghal.
"Kapal ng mukha" sabi ni Cha nang nagsimula na kami lumakad.
"Di pa rin nagbabago" umiling iling si Cha. "Di niya ata matanggap na ikaw panalo sa science contest nung Grade 5 tapos siya 2nd place lang" sabi niya
Si Sapphire kasi ay kaschool mate namin dati nung elementary. Isa beses ko siya nakalaban at yun ay nung science contest nung Grade 5.
Simula nung makalaban at matalo ko siya ay naging masungit na siya sa batch namin.
"Wag mo na pansinin"sabi ko sa kanya at tumuloy na sa paglalakad.
Nang makalabas na kami ng campus ay bigla akong napatigil sa lalaking nakatalikod sa gawi namin ni Cha.
Likod palang alam mo nang si Sancho
"Sancho" pagtawag ni Cha sa kanya, lumingon naman sa amin si Sancho
Nang mamataan niya ako ay agad siyang napangiti, pagkatapos ay lumakad siya palapit sa amin.
"Tapos na klase niyo?" tanong ni Sancho habang nakatingin pa rin sa akin.
Tumango naman si Cha
"Bakit ka nakajacket?" Sabi ni Cha nang mapansing may suot na Letran na varsity jacket si, Sancho.
"Trip ko bakit ba" nang-aasar niyang sabi
Init init naka-jacket
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko nang magsimula na kaming lumakad.
"Treat ko sana kayo ni Cha" sabi niya, bago pa ako magsalita ay sumingit agad si Cha.
"Weh! Ulol originally si Jan lang itretreat mo"sabi ni Cha, natawa naman si Sancho habang ako ay napailing iling nalang
Habang abala sila sa pagaasaran ay nakatuon lang ang atensyon ko sa harap hanggang sa may dumaan pahalang sa harap ko.
Napatigil naman ako nang makita kong sila CJ at Caius iyon. Nagtatawanan.
Hindi ko alam kung bakit ngunit may naramdaman akong kirot sa puso ko nang makita ko siyang tumawa.
Ilang araw na kaming hindi nag-uusap. Pakiramdam ko kasalanan ko rin dahil siya nalang lagi ang unang nagchachat.
Siguradong abala rin siya lalo na't narinig kong exam week rin at marami daw nakatambak na works sa kanila.
Hindi nila ako napapansin ngunit nang biglang tawagin ako ni Sancho ay napatingin sa gawi ko si Caius.
BINABASA MO ANG
I Met You During Paskuhan
RomanceThe joy you feel. The happiness we felt. The pain we got. The end we were given. Janea De Liano never liked going to gatherings and parties, and that includes her university's annual paskuhan. They say paskuhan is one of the most anticipated program...