3 times. That's the number of times I saw Caius and his friends passing by our classroom. During the 1st period. During the 2nd period, and next during the 4th period.
May pagkalayo building nila sa room namin kaya nagtataka ako kung bakit kanina pa sila palakad lakad
Baka trip lang
Nasa canteen ako ngayon dahil break namin. Kasama ko nga si Marga, na ngayon ay nagiiscroll lang sa twitter.
Habang kumakain kami ay biglang binasag ni Marga ang katahimikan.
"may twitter ka ba Jan?" tanong niya sa akin, tumango naman ako
May twitter ako pero hindi ako nagtwetweet. Ginagamit ko lang iyon pang update sa mga iniidolo ko o kaya sa mga autors ng mga librong binabasa ko.
"Ay, finofollow mo si CJ?" tanong niya, napakunot naman ang noo ko
"Sinong CJ?" tanong ko sa kanya at sumubo sa kinakain na takoyaki.
"Si CJ Zamora, yung magaling na point guard" sabi niya
"May picture ka ba? Hindi ako nanonood ng basketball eh" sabi ko sa kanya
"Ay oonga pala" sabi niya at tinignan muli ang telepono para maghanap ng picture nung CJ Zamora na iyon.
Maski Pep Rally ay hindi ako sumasama. Tuwing pep rally tumatambay lang ako sa library.
Pag may laro naman sa UAAP ang UST, hindi ako nanonood. Napanood ko ang ibang games ngunit nakikita ko lang sa twitter iyon.
"Eto oh" sabi niya at ipinakita sa akin ang picture ng lalaking nakasama at ipinakilala ni Nicole sa akin nung mga nakaraang araw.
"ahh oo, 3rd year yan diba?" tanong ko sakanya, tumango naman siya
"Architecture kinukuha" sabi niya at inilapit na sa sarili ang telepono
"ano meron sa kanya?" tanong ko sa kanya
"Ahh, natatawa kasi ako sa tweet niya. Diba kahapon dumadaan sila ng barkada niya sa room natin?" sabi niya, tumango naman ako. " Nagtweet kasi siya tungkol doon" sabi niya.
"Ano bang username niya?" tanong ko sa kanya para mabasa ko ang tweets nung lalaki
"Ahh eto, @cjzams" sabi niya, tumango naman ako at saka itinype sa search box ang username niya
Pagkasearch ko ay doon nagsilabasan ang tweets niya.
Ibinaba ko naman ang hawak kong kutsara para maigi kong basahin ang tweets niya
@cjzams:
Ilang beses na kami umikot sa buil. hindi pa rin sinasabi kung sino sinisilayan amp."Sino kaya tinutukoy ni CJ dito?" tanong ni Marga sa akin, tumingin naman ako sakanya
"Baka nagpapansin lang" sabi ko sa kanya
She then continued scrolling through Twitter until she suddenly shouted.
"O MG !" bulyaw niya
"Bakit?" tanong niya sa akin
"Look at this!" sabi niya at may ipinakitang tweet.
@cjzams:
to all girl students taking Actuarial Science as their course, can you go to the court if you're free? We bout to find Ms. Cinderella"Papansin-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mangibabaw ang pagtakbo ng iilang estudyante palabas ng canteen.
The majority of them were my block mates. Nang tignan ko si Marga para sabihin na wag siya magpauto sa tweet na iyon nakita kong nawala na siya bigla.
BINABASA MO ANG
I Met You During Paskuhan
RomanceThe joy you feel. The happiness we felt. The pain we got. The end we were given. Janea De Liano never liked going to gatherings and parties, and that includes her university's annual paskuhan. They say paskuhan is one of the most anticipated program...