- C H A P T E R F O U R -

34 4 0
                                    

Pandemic Love



CHAPTER FOUR


I just got stunned about what he said.

"A-ano?" halos pabulong ko ng sabi sa kanya. Di ko alam kung narinig niya ang sinabi ko kaya binaba ko muna ang face mask ko para maging klaro yung sasabihin ko sa kanya. Binaba din naman niya ang black mask niya bago nagsalita.

"Nag-aalala ako sayo these past few days." sabi niya.

Hindi agad ako nakasagot kaya nagsalita ulit siya.

"Sana naman kahit nag message ka sa akin na hindi ka pala lalabas para naman hindi ako masyadong nag-alala sayo."

I just blinked my eyes. Can't find any words to say.

"Huy! Magsalita ka naman." sabi niya at umiwas ng tingin.

"Sorry. I just got speechless." sabi ko at umiwas din ng tingin, napapa-english pa tuloy ako putek.

I heard him chuckle so I look at him again.

"Ganyan ka pala ma-speechless, napapa-english hmm." nangingiting sabi niya. Nahiya naman ako kaya umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"Nakaka-speechless naman kasi talaga yung sinabi mo. H-hindi naman kasi tayo ganoon ka-close para ipaalam ko sayo kung...nasaan ako..." Pahina na pahina ang boses ko nang sinabi ko yun.

Naramdaman ko siyang nakatitig sa akin. Mahabang katahimikan ang namutawi sa amin bago siya nagsalita.

"Hindi naman kailangan maging close tayo para mag-alala ako sayo ng todo." mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya kasabay ng pag-awang ng bibig dahil sa sinabi niya.

"Ayieeeeee!" narinig kong sigaw ng mga nasa likod ko.

'Di ko alam kung kikiligin ba ako o ano. Nahihiya kasi akong kiligin dahil kinikilig din yung nakikinig sa amin.

Hinila ko nalang si Rico palayo sa mga chismoso.

"Pasensya ka na sa kanila." mahinang sabi ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng mahina bago sumagot.

"Okay lang. Nagiging sanay nadin ako sa kanila." sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Sorry, dahil 'di ako nagsabi na 'di ako lalabas that week." sabi ko

"Okay lang. Sorry din dahil naging O.A yung reaction ko kanina. 'Di lang siguro ako sanay na hindi ka makita dito." sabi niya at nag ngitian kaming dalawa. Doon ko lang napansin na magkahawak kamay parin kami gawa ng paghila ko sa kanya kanina.

Nag-usap lang kaming dalawa hanggang sa naluto na yung pinaluto niya at inutos nalang kay Kulot na ibigay sa kasamahan niya ang kalahating barbeque na pinaluto niya, at ang kalahati naman ay kinain namin.

"Bakit ka nga pala 'di lumabas last week?" tanong niya

Uminom muna ako ng royal bago sumagot sa kanya.

"Family bonding." sagot ko sa kanya at tumango naman siya.

Nag usap-usap lang kami kahit random things lang.

Ilang araw ulit akong di lumabas pero di katulad noong una na di nag-message kay Rico. Ngayon ay parating madaling araw kaming nag-uusap sa messenger.

- 2:35 a.m.-

Freya : Ang gwapo mo diyan sa Profile picture mo ah.

Sabi ko ng maubusan ako ng sasabihin. Kahit nakakahiya yung sinabi ko ay sinabi ko parin sa kanya for the sake of our conversation. Totoo din naman kasi na sobrang gwapo niya sa picture niya. Nakasandal siya sa police car at suot ang uniform niyang color blue tapos naka shades pa siya. Naka side-view siya sa picture kaya na define yung matangos niyang ilong at ang jaw line niya.

Pandemic Love (A Covid-19 Series)Where stories live. Discover now