PANDEMIC LOVE❤C H A P T E R - S E V E N
"Teka, mag jowa ba kayong dalawa?"
"Hoy ano na?" 'di parin nila ako sinagot. Matagal-tagal na akong nagmamasid sa kanila at naghihinala pero kailangan ko ng confirmation ngayon. Pag umuuwi kasi dito si kuya palagi siyang may kausap sa phone niya, at yun ay si Bashang-----wait.
"Ahh. Alam ko na kung bakit 'Bashang' dahil baby Ishang!" napatango-tango pa ako, nakatanga parin silang dalawa sa akin.
"Hoy! Wala ba kayong sasabihin? Di naman ako galit eh, nagtatampo lang dahil nakuha niyong i-sikreto ang relasyon niyo."
"Bes, sorry. Di ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo. Naghahanap din ako ng timing." pagpapaliwanag ni Inday.
" Sus! Oks lang uyy! Pero kailan pa naging kayo? "
" February. " sagot ni kuya, binilang ko ito simula February up to this month.
" The heck?? Seven months? Seven months niyo akong ginawang tanga! " pagdadrama ko pa.
" Wag ka ngang drama queen diyan! " binatukan pa ako ni kuya, " Bakit ikaw? Di ka rin nagsasabi na may manliligaw ka na ngayon. " sabi niya kaya napasimangot ako.
" Di ko sinabi agad dahil gusto ko personal kong sasabihin at ipapakilala sayo. " nakasimangot ko paring sabi, " Wag mo akong i-chi-chika kuya! Iniiba mo yung topic natin eh. "
Napakamot naman siya sa batok niya, akala niya ata matatakasan niya ang pag-iinterrogate ko sa kanya or should I say sa kanila?
" Wala kayong kawala sa akin. Actually, matagal na akong naghihinala na mag-on kayo. " nagulat naman sila sa sinabi ko, " Pero ang kailangan ko lang ay ang confirmation. Hinihintay ko lang talaga kung kailan niyo sasabihin sa akin pero dahil mukhang wala kayong balak na umamin sa akin ako nalang ang gumawa ng paraan para mapaamin kayo. "
Napanga-nga nalang silang dalawa kaya Napabuntong-hininga nalang ako.
" Ano ba yan!? Wala naba kayong ibang reaksyon diyan? "
" B-bakit mo naman kami pinaghihinalaan no'n " tanong ni beshy Inday,
" Duh!? Your so obvious! Akala niyo di ko nahahalata ang panakaw-nakaw tingin ninyo? At kung magkakatagpo ang paningin niyo ay ngingiti kayo na parang baliw! Di niyo ma lang inisip na may isang magandang single sa gilid lang na nakamasid sa inyo! "
Niyakap naman nila akong dalawa at humingi ng pasensya. Bibilhan nalang daw nila ako ng Mcdo pang peace offering daw nila syempre pumayag na ako aside sa favorite ko yun, boto din ako sa kanila.
Duh!? Shiniship ko kaya sila noong mga bata pa kami. Di ko lang alam na pwede palang magkakatotoo yun.
Nako kung alam ko lang! Sana shinip ko na din ang sarili ko noon sa crush ko para magkatuluyan din kami ngayon.
Pero pag ginawa ko yun, wala akong Bico ngayon. Bico stands for Bibi Rico. Kung si kuya ay Bashang dahil baby Ishang sa akin naman ay Bico dahil Bibi Rico. Shucks! Di talaga ikakaila na magkapatid kami ng kuya ko. Parehong-pareho eh.
" Anyways, pa'no mo nalaman kuya na may nanliligaw dito sa akin? "
" Syempre may source ako noh! " nginusuan naman niya si Inday na nagpapacute sa akin.
YOU ARE READING
Pandemic Love (A Covid-19 Series)
Non-Fiction[ Light Story ] Sa isang barangay ng Davao City nakatira ang 20 years old na babae na si Freja Zenneth Cruspero. At nang dahil sa pandemic ay nakilala niya ang isang pulis na si Frederico Deromol. Paano kaya nabuo ang kanilang pag-iibigan sa gitna...