Pandemic Love❤- C H A P T E R S I X -
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto at nakatanga lang sa kawalan. Paulit-ulit na nagre-replay ang scenario kanina. Hanggang ngayon ay malakas parin ang kabog ng didbdib ko. Dahil hindi ko na mapigilan ay nag online na ako at nag-chat kay Rico.
- 2:35 am -
Freja : Hey.... Still awake?
After several minutes. I'm almost fall asleep, Rico replied.
Rico : Hey..... Why are you still up?
Freja : Di ako makatulog.
Rico : Why? Drink a milk.
Freja : Eh kasi.... May nangyari dito kanina.
Rico : What is it?
Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina na nakita ko. Sabi niya bibigyan niya ako ng updates about what happend that night. Kaya natulog nalang ako dahil dinadalaw na ako ng antok.
Kahit kulang ang tulog ko ay bumangon parin ako, dahil sa bango ng luto na nanggagaling sa labas. Sumilip ako sa pintuan ng bahay at nakita ko si Rico sa labas na nagluluto. Naka-uniform pa siya niyan. Napangiti nalang ako sa nakita, sobrang seryoso niya sa ginagawa niya na lalong nagpa-gwapo sa kanya. Kahit sa kahoy lang siya nagluluto ang lakas parin ng dating niya.
"Good morning." bati ko sa kanya at pumunta ng CR para makapaghilamos.
Paglabas ko ay nakangiti na siya sa akin ng malaki. "Good morning too."
Umupo lang ako sa upuan dun sa labas ng bahay. May mahabang upuan kasi dun na gawa sa kawayan at isang lamesa.
Nang natapos na sa pagluluto si Rico ay napagdesisyonan namin na sa labas nalang kumain. Inilagay na niya ang niluto niya at pagkatapos ay tumabi na sa akin.
Umagang-umaga pero wala sina Mama at Papa, pati ang aso naming si Cypher at Kehati.
"May updates na pala ako tungkol sa nangyari kagabi." sabi niya habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ko.
"Ano yun?"
"Sabi ng Brgy. Captain niyo dito. Hindi niya raw inutusan ang mga tanod na ganun ang gawin sa mga taong nahuli ng curfew. Hindi din niya rin daw alam kung bakit ginawa yun ng mga tauhan niya." mahabang sabi niya.
"Eh? Bakit ginawa yun ng mga tanod?"
He shrug "Naghihintay pa ako for further updates. Pinag-iimbestigahan narin ng mga tauhan ko. Actually pwede silang kasuhan." sabi niya.
"Ang kaso, hindi rin makakasuhan."
"Yup? You got it right." nakangiting sabi niya.
"Naka-helmet kasi sila kaya hindi kita yung mukha." sabi ko, tumango naman siya at masaya kaming nagpatuloy sa pagkain. At nag change topic narin.
Pagka-alis ni Rico ay nagligpit na ako at hinugasan narin at natulog ulit. Nagising ulit ako around 2:35 kaya naligo na ako para makachismis dahil panigurado ang nangyari kagabi yun ang pagchichismisan.
"Anong chismis natin ngayon?" bungad ko sa kanila.
"'Yung nangyari kagabiiii!" excited na sabi ni Kulot.
"Yawa! May tanod kagabi! Buti nakatakbo ako palayo!" si Joy-joy na hanggang ngayon parang kinakabahan parin.
"Tanod yun?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
YOU ARE READING
Pandemic Love (A Covid-19 Series)
Non-Fiction[ Light Story ] Sa isang barangay ng Davao City nakatira ang 20 years old na babae na si Freja Zenneth Cruspero. At nang dahil sa pandemic ay nakilala niya ang isang pulis na si Frederico Deromol. Paano kaya nabuo ang kanilang pag-iibigan sa gitna...