- C H A P T E R O N E -
"Cypheer!" tawag ko dun sa aso ko, syeet naman kasi bakit hawak siya ng pulis? Di ko tuloy alam kung lalapit ba ako o hindi! Pag kasi lumapit ako baka hulihin ako ng pulis! Syeet this can't be!
"Cypheeer!" tawag ko ng mas malakas kaya napalingon yung pulis.
"Sa'yo ba 'tong aso?" tanong niya.
"Opo Sir! Nakatakas lang po." kinakabahang sagot ko.
"Halika kunin mo yung aso mo dito."
"'Di mo po ako huhulihin Sir?" tanong ko, maigi ng magtanong baka dakpin lang ako bigla dito suuss ginoo! Mahal ang penalty! Balita ko 20,000 yun ehhhh!
Tumawa siya ng malakas! Take note ang sexy ng tawa ni Sir!
"Hindi kita huhulihin, ano ka ba! Halika dito at kunin mo 'tong alaga mo." sabi niya, kaya unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang sa makaharap ko na siya. Nakita ko pa 'yong ibang mga kasamahan niya, tapos may isang mobile at dalawang motor ang naka-park sa unahan. Kinuha ko naman yung aso sa kanya.
"Salamat po Sir!" sabi ko at aalis na sana ako ----- dahil kinakabahan na talaga ako--- nang biglang pinigilan niya ako sa braso.
"Pangalan?" sabi niya bigla.
"Ho? A-akala ko po ba 'd-di niyo ko huhulihin Sir?" tanong ko, syeet dumoble ang kaba koooo!
"'Di kita huhulihin," sabi niya.
"P-pero bakit niyo po t-tinatanong pangalan ko," sagot ko sa kanya.
Tumawa muna siya ng mahina.
"'Di nga kita huhulihin pero 'di ko sinabing 'di ko tatanongin pangalan mo. Kaya miss sabihin mo na pangalan mo para maka-uwi kana." sabi niya, kaya no choice ako kundi sabihin ang pangalan ko!
"Freja po Sir," maikling sabi ko.
"Freya?" tumango ako sa sinabi niya.
"Freja Cruspero po, Sir!"
"Is that your full name?" tanong ulit niya! Ba't ba ang andaming tanong? Huhuhuhu!
"Freja Zenneth Cruspero po, Sir!" sagot ko, habang nililista niya ang pangalan ko sa papel.
"Tama ba ang spelling ko sa pangalan mo?" tanong niya at ipinakita niya sa akin yung sulat niya........in fairness ang ganda ng sulat kamay niya!
' Freya Zenneth Cruspero '
"Sir! Mali naman po ang spelling ng Freja ko Sir! Instead po na letter 'y' ay letter 'j' po, F-R-E-J-A po, ganun!" sagot ko, tumatango tango naman niyang tinama yung sulat niya.
"Edad?" tanong ulit niya, kailangan ba 'yon? Ewan sasagutin ko nalang nang matapos na itong interview ko.
"20 po, Sir."
"Birthday?" tanong niya, kailangan pa ba 'yun?
"August 17, 2000" sagot ko ulit, tatango-tango ulit siyang nagsulat.
"Okay, you may go now." sabi niya.
Parang teacher lang ah?
"'Di niyo po ako huhulihin Sir?" paninigurong tanong ko.
"Hindi. Gusto mo ba hulihin kita?"
Agad akong umiling sa kanya tapos hinawakan ng maayos ang aso dahil konti nalang mahuhulog na ito.
YOU ARE READING
Pandemic Love (A Covid-19 Series)
No Ficción[ Light Story ] Sa isang barangay ng Davao City nakatira ang 20 years old na babae na si Freja Zenneth Cruspero. At nang dahil sa pandemic ay nakilala niya ang isang pulis na si Frederico Deromol. Paano kaya nabuo ang kanilang pag-iibigan sa gitna...