PANDEMIC LOVE❤
C H A P T E R T E N
Ganoon na ba ako kadaling paglaruan? Hindi ba talaga ako ka mahal mahal? Sobrang pangit ko na ba?
'Yan ang nasa utak ko habang tumatakbo palayo sa mga taong sinasaktan ang puso ko.
Alam kong hinahabol narin ako nila kuya pero wala na akong ibang iniisip kundi ang tumakbo palayo sa kanila at umuwi na.
Sayang pa naman yung ice cream na nabitawan ko.
Pagdating sa bahay ay agad na akong nagkulong sa kwarto at umiyak ng umiyak sa kama.
Nagpapasalamat ako at hindi muna pumasok sila kuya at Ishang. 'Cause I need time for myself, I need time to think. Iniisip ko 'yong mga araw na masaya kaming mag kasama at magkausap ni Rico tapos nauwi lang sa ganito.
Sayang naman yung oras na nilaan niya sa akin. Sa pangliligaw niya. May pa harana-harana pa siyang nalalaman. May pa-flowers and foods pa siyang pinapadala tapos makikita ko lang siyang may kahalikang babae? Ang sakit naman niyang gumante humahalik ng ibang babae!?
Kung kailan nasanay na ako sa kanya. Kung kailan nahulog na ako sa kanya. Kung kailan siya na yung nagpapasaya.
Tapos...... mauuwi lang sa wala?
Sana pala hindi na niya ako sinanay di'ba? Sana 'di nalang siya dumating sa buhay ko. Sana 'di rin siya na assign dito!
Ang sakit lang na ang taong pinagkatiwalaan mo...... Ang taong natutunang mong mahalin ay siya pa yung mananakit sa'yo.
Asan ang hustisya dun?
Kaya ba hindi na niya ako nire-replyan dahil nakahanap na siya ng kapalit ko?
Mas maganda ba siya? Mas matalino? Mas ka mahal-mahal?
Sana pala pinigilan ko ang sarili kong mahulog at mahalin siya!
Kung hindi lang siya gwapo eh!
Ba't ba sobrang gwapo niya? Tapos nanghaharana pa siya sa'kin tapos sobrang gwapo niya talaga, pinagluluto pa niya ako tapos yung kagwapuhan niya no one can resist it even me!
Minahal ko naman siya, 'di nga niya lang alam. I feel unworthy tuloy.
Nagising ako dahil sa naalimpungatan ako. Tinignan ko yung orasan at nakita kong 1:35 am na. Ang haba pala ng tinulog ko, dahil siguro sa kakaiyak kanina.
Bumangon na ako sa higaan ko at sinilip ang higaan ni kuya na humihilik pa na natutulog.
Hinanap ko yung phone para mag online at nahanap ko ito sa labas ng kwarto namin.
Agad akong lumabas ng bahay for the better signal. Pinatay yata ng kapit-bahay namin yung WiFi nila dahil hindi na ako maka-connect.
Dahil sobrang hina talaga ng signal ay umakyat pa ako sa gate namin at dun na naupo. Kaagad kong binuksan ang chrome ko dahil hanggang ngayon ay full storage pa'rin phone ko.
I-cha-chat ko lang si Rico for the confrontation and confirmation. Alam kong masakit malalaman ang katotohanan pero bakit ko pa patatagalin kong sa huli ay masasaktan lang din?
Nasaktan naman ako kanina mas mabuting masaktan na rin ako ngayon para isang bagsakan lang ng sakit.
Tinignan ko 'yong pangalan niya pero hindi siya online. Kaya nag-mesaage nalang ako sa kanya.
YOU ARE READING
Pandemic Love (A Covid-19 Series)
Sachbücher[ Light Story ] Sa isang barangay ng Davao City nakatira ang 20 years old na babae na si Freja Zenneth Cruspero. At nang dahil sa pandemic ay nakilala niya ang isang pulis na si Frederico Deromol. Paano kaya nabuo ang kanilang pag-iibigan sa gitna...