Pandemic Love
C H A P T E R F I V E
"Freja..."
"Freja!!"
Huwag mong pansinin self. Nagpapapansin lang yan dahil sobrang ganda mo.
"Zenneth!"
"Cruspero!"
Self tatagal mo ang sarili mong hindi pansinin ang gwapong nilalang na nagpapansin sa'yo.
"Freeejaaa!"
"Freeeyyyhaaa!"
Napatakip nalang ako sa tenga ko dahil sa kakulitan ni Rico. Hindi ko alam na may ganitong side pala siya. Ilang araw na niya akong kinukulit dahil sa tanong niyang: sino si Kuya Drew at bakit sinabihan ko siya ng gwapo. Dapat daw siya lang ang gwapo sa paningin ko. Imbyerna! Pati messenger ko ni-ransack!
"Frejaaaa! Sabihin mo na kasi sa akin!"
"Frejaaaa naman eh!"
Grabeee! Sobrang kulit niya talaga! I can't take this anymore!
"Fine! Ganito nalang. Sabihin mo nalang kung sino ang mas gwapo sa amin nung 'Drew' na yun." sabi niya, he said the Drew with a disgust.
"S'yempre si Drew." maikling sagot ko. S'yempre 'yung kuya ko ang mas gwapo! Kuya ko 'yun eh! Blood is thicker than water ika-nga nila. Tsaka ang daming nagsasabi na magkamukha kaming dalawa. Kaya kung gwapo siya, maganda naman ako.
"What?!" hindi makapaniwalang sabi niya. Napatingin ako sa paligid namin at nakita kong nakatingin sa amin ang ibang tao. Nandito kasi ako ngayon sa labas ng bahay dahil sa kakulitan ni Rico. Kung hindi raw ako lalabas pupuntahan niya ako sa bahay! Syempre natakot si sok. Baka mapatay ako ng magulang ko. Strict parents ko eh.
"Ba't ka ba sumisigaw diyan?" naiinis na sabi ko sa kanya. Dala siguro to ng red days. Tss.
"S'yempre! Sinong hindi sisigaw, kung ang babaeng gusto mo ay may sinasabihan na ibang lalaki na gwapo? Dapat ako lang yun! Ako lang!" sabi pa niya at may pahampas-hampas pa sa dibdib niya. Buang jud! Bawal na bang mag appreciate ng gwapo ngayon?
Tinapik-tapik ko ang balikat niya--yun lang naabot ng cute kong kamay eh---"Sana okay ka lang."
"Okay naman talaga ako. Its just....." then he sighed.
"Its just what?" I ask.
"Nevemind. But anyways, manliligaw parin ako sayo. At magiging akin ka. At sisiguraduhin kong ako lang ang magiging gwapo sa paningin mo. Remember that Langga." sabi niya at umalis sa harapan ko, nakita ko pa siyang sumipa ng bato kaya napailing nalang ako sa kanya. Mukhang nagpalit kami ng ugali. Ako yung nagiging mature siya yung naging isip-bata! Tss 'di mabuti.
Pumasok nalang ulit ako sa bahay dahil sobrang sakit ng puson ko. Four days na akong ganito gawwd! Padapa akong humiga sa kama ko, mukhang itutulog ko 'tong sakit ng puson ko.
'Tiis-tiis lang Frejang magandaaa! Maganda ka kaya kaya mo yan! Padayon sa pag-uswag!'
Ang ganda na sana ng tulog ko kaso nasira 'yun dahil ginising ako ni Mama. Kaasar!
YOU ARE READING
Pandemic Love (A Covid-19 Series)
Non-Fiction[ Light Story ] Sa isang barangay ng Davao City nakatira ang 20 years old na babae na si Freja Zenneth Cruspero. At nang dahil sa pandemic ay nakilala niya ang isang pulis na si Frederico Deromol. Paano kaya nabuo ang kanilang pag-iibigan sa gitna...