PANDEMIC LOVE ❤C H A P T E R - N I N E
Naglalakad na kami pauwi since gabi na rin even if na change na ang curfew time into nine pm.
" Akala ko ba meron kayong binili kaya kayo natagalan? " tanong ni kuya, nasa harapan namin ang magulang namin habang nasa likod nila kami nakasunod.
" Meron nga pero hindi namin binili dahil ginawa namin. " nakangising sabi ni papa tumataas-baba pa yung kilay niya. Hinampas naman siya ni mama.
" A-ano bang pinagsasabi mo sa mga bata!?! " si mama.
" Hindi na kaya sila bata! Diba mga anak? " nakangiti ng nakakaloko si papa sa amin.
" Shhh. Kalimutan niyo na sinabi ng papa niyo. Secret dapat yun eh. " pagrereklamo ni mama.
" Wow may pa secret secret pa! " si kuya.
" Baka sExret HAHAHAHAHA para naman kaming others niyan eh. " sabi ko kaya nakatanggap ako ng masasamang tingin at may pa bonus pang batok ang kuya!
" Nasobrahan ka yata!? " si kuya at hinila ang buhok ko.
" Nasobrahan saan? Sa kagandahan?? " ngumiti ako ng matamis sa kanya.
" Nasobrahan sa kamanyakan tanga!! " sabi niya.
" Ouch! Ang sakit nun ah!? Kung makatanga ka naman parang hindi ka rin tanga diyan!! "
Naghahabulan na kami ng kuya ko sa daan. Sila mama at papa naman ay naglalakad habang nagho-holding hands. Sanaol.
" Sana pala sinama ko na si Ishang, di sana ako naiinggit ngayon. " narinig kong sabi ni Kuya.
" Ang kaso busy, " dugtong ko sa sasabihin niya.
" At least merong kami, eh kayo nung pulis mo? Meron bang kayo? " he mocked me.
" Bakit importante ba ang label? Para maipag-mayabang na merong kayo? " tanong ko sa kanya.
" Of course, Importante ang label dahil diyan mo malalaman kung saan ang lugar mo sa buhay niya. " sagot niya.
" Bakit lahat ba ng may label nagtatagal? Hindi naman ah? Ang label ay for assurance lang sa mga takot maiwan at mapalitan, " pairap kong sagot.
" Nasasabi mo 'yan dahil bitter ka lang, "
" Nasasabi mo rin 'yan dahil natakot ka sa sinabi ko, at saka kuya hindi naman ako nagmamadali. We're getting to know each other para sureball na. " sabi ko, inambaan niya lang ako na babatukan.
Hinintay nalang namin ang lovebirds na makalapit sa aming kinatatayuan. Para pa naman sila sa isang music video o kaya ay nasa isang photoshoot sa kasal nila dahil sa sobrang bagal nilang naglalakad at may pa holding hands pa. Sanaol.
" Ito ang school ko nung elementary palang ako, " sabi ni papa sa amin sabay turo sa eskwelahan na nasa likuran namin ni kuya.
" Ah, oo naalala ko nung i-kin-wento mo sa amin 'to noon pa, " sabi ni kuya.
Nakatigil kaming apat sa siradong paaralan ni papa noon. Sobrang andami na ng nabago sa Bolton Elementary School.
" Sobrang nabago na 'to ngayon, " tumingin ako kay papa habang sinasabi niya ito. Makikita ko sa mata niya na naging masaya siya sa panahon niya noong nag-aaral palang siya dito.
YOU ARE READING
Pandemic Love (A Covid-19 Series)
Literatura faktu[ Light Story ] Sa isang barangay ng Davao City nakatira ang 20 years old na babae na si Freja Zenneth Cruspero. At nang dahil sa pandemic ay nakilala niya ang isang pulis na si Frederico Deromol. Paano kaya nabuo ang kanilang pag-iibigan sa gitna...