Dedicated to geanjengDalawang linggo na nung huling bisita ni Drake sakin, nagpaalam kasi itong may tatapusin sa kompanya nila sa ibang bansa.
Gabi Gabi din ang tawag niya para makamusta ang buong araw ko. Nung isang araw ay dumating ang mommy ni Drake sa opisina ko na may dalang pagkain niluto niya raw ito at naisipan dalhan ako para naman raw matikman ko, sinabi din nito sakin na uuwi na si Drake sa katapusan ng buwan.
"Namumutla ka sam"
Etong bestfriend ko lahat na lang pansin"Pagod lang"
"Magpahinga ka kasi, syka parang tumataba ka"
"Huh?"
Nanlalaking mata ako nitong tingnan na para bang may nadiskubreng kakaiba. Andito kami sa loob ng condo kumakain sabado ngayon at nakapagrelax dahil walang trabaho
"Bakit ganyan ka makatingin?"tanong ko rito
"Diba dapat nung 14 ka pa dinatnan?27 ngayon!"
"Anu naman ngayon, baka delay lang!"
"May PT ako jan gamitin mo! Parang may nararamdaman akong kakaiba"
"Alam mo oa ka lang!"
"Try mo lang Gaga!"
Inikot ko ang mga mata ko sa ka oa ni Michelle, so what she mean? I'm pregnant?
Pero agad din along kinabahan ng maalalang never pa kong pumalya sa pag reregla. Omg!
"Where's your pt?"
"Kala ko ba oa ako?"
"Akin na kasi!?"
"Ayan oh ang sungit sungit para ka talagang buntis"
Inabot neto sakin ang pt at agad ko itong ginamit binasa ko muna ang instructions bago gamitin..
Nanginginig ang kamay ko habang hinihintay ang resulta paano kung positive, paano kung hindi pa ready si Drake sa ganitong bagay. Lumabas ako ng cr at tinawag si Michelle para siya ang sumilip at ako ay parang hihimatayin sa sobrang kabog ng dibdib!"Omg!! samantha!!!mommy ka na!!!!! I'm so happy for you!"maluha luha ako nitong niyakap samantalang ako ay shock pa din sobrang saya ko dahil magkakaroon na ko ng anak pero si Drake baka di pa sya ready
"Bat ka umiiyak! Gaga!"
"Masaya lang ako Michelle pero si Drake baka di pa siya ready"
"Haynako bruha ka!!wag ka ngang magisip ng ganyan alam kong matutuwa si drake pag nalaman niya ito. Pasalamat ka buntis ka baka hampasin kita puro na lang negative sam! Bukas ay pupunta tayo ng OB GYNE para matingnan ka"
"Sige, sobrang saya ko dahil magkakababy na ko"
Isusupresa ko si Drake paguwi niya, sana lang ay maging masaya siya sa magiging anak namin.
BINABASA MO ANG
My Highschool Love Story (Self Published)
RandomPaano kung isang araw nainlove ka na lang sa taong kahit kailan di mo makasundo? Kaya mo bang pigilan ang nararamdaman mo ? Kaya mo bang mainlove sa lalaking walang kasiguraduhan kung totoo ba o trip ka lng? Tayo na at pasukin ang nakakainlove naka...