Sige umiyak ka pa FeapotsBirthday mo na Drake pero di ka parin nagigising sila tita masyadong abala sa pagaayos ng dekorasyon sa kwarto mo sila mama naman umorder ng paborito mong karekare gusto sana kitang ipagluto kaso di ako marunong.
Drake.. please gumising ka na...miss na miss na kita, miss ko na pagbibiro mo, miss ko na pangingiliti mo, miss ko na halik at yakap mo, miss ko ng makatabi ka sa pagtulog miss ko na lahat sayo bumangon ka na Mahal.."Samantha ayos ka lang ba?"
Tanong ng mama ni Drake"Tita...di ko po kakayanin pag iniwan kami ni Drake"
Niyakap niya ko habang hinahaplos ang buhok ko"Di tayo iiwan ni Drake iha, nakapikit man siya pero alam kong naririnig niya tayo. Malakas ang anak ko di yan susuko"
Ngumiti ito sakin at inayos muli ang dekorasyon na isasabit sa dingding"Iha gising na" nagising ako dahil sa yugyog sa balikat di ko man lang namalayan na nakatulog pala ako
"Kain na muna sam" Ang ate naman ni drake ang nagyaya
"Mamaya na po ako ate"
Tiningnan ako nito at tinanguanLumapit ako sa kama ni Drake at hinawakan ang kamay nito tahimik ko itong hinaplos sa mukha, Ang gwapo mo Drake alam mo yon? Sigurado akong kamukhang kamukha mo ang anak natin happy birthday mahal maghihintay ako hangga't magising ka.
"Samantha pagkatapos mo kumain ay umuwi ka muna para magpahinga" agad akong inabutan ni mommy ng makakain habang pinapaalahanang umuwi muna
"Buti pa nga iha, kami na muna ang bahala kay Drake"
Ayoko mang iwan si Drake pero mas makakabuti din para makapag pahinga ako, nahihirapan din ako sa paghiga sa maliit na sofa feeling ko nga maiipit si baby pag ganon ang pwesto ko.
"Sige po"
Nang makapagpaalam na uuwi muna ay hinatid ako nila mom and dad sa condo ni Drake andon naman si manang kaya may makakasama naman ako kahit papano.
"Bukas susunduin ka namin anak, magalmusal ka ha uminom ka din ng mga vitamins para lumakas kayo ni baby" pagpapaalala sakin ni mom
Nang makapagpaalam ay pumasok na ko sa kwarto para makapag pahinga di rin nagtagal ay umalis na rin sila ni dad.
Huminga ako ng malalim at nahiga na sa kama.------------
"Baby wake up....."
Iminulat ko ang mga mata ng marinig ko ang tawag saakin ni Drake. Bigla akong napabangon ng makumpirmang si Drake nga ito."Drake? Bakit?gising ka na?" Tanong ko rito
"Kamusta ka na Sam...kumakain ka ba sa tamang oras?"
"Drake...totoo ka ba talaga?" Hindi ako nito sinagot bagkus ay
"Samantha.... Mangako ka mahal na kahit anong mangyari ay alagaan mo ang sarili mo lalo na ang magiging baby natin palakihin mo siyang mabait at may takot sa diyos...tandaan mong andito lang ako sa tabi mo di ko kayo pababayaan..."
BINABASA MO ANG
My Highschool Love Story (Self Published)
RandomPaano kung isang araw nainlove ka na lang sa taong kahit kailan di mo makasundo? Kaya mo bang pigilan ang nararamdaman mo ? Kaya mo bang mainlove sa lalaking walang kasiguraduhan kung totoo ba o trip ka lng? Tayo na at pasukin ang nakakainlove naka...