Last Chapter

263 16 3
                                    


"Gusto mo bang mag mall mamaya Denise?" Tanong ko sa anak ko tutal ay sabado naman ngayon

"Sige po mama"

Napagdesisyunan kong ayain din si Michelle dahil alam kong boring din yun sa bahay nila agad naman itong pumayag at sinabing dito ulit makikitulog.
Nang mag alas tres ay agad ko namang binihisan ang anak ko at ng matapos ay ako naman ang nagayos di nagtagal ay dumating na rin si Michelle.

"Ninang, you know what..I have a crush" muntik na kaming masubsob dahil sa biglang pag preno ko, ako din yung nag drive ng sasakyan ni Michelle kesyo gusto daw niyang kakulitan si Denise.

"Ang bata mo pa Denise! 8 years old ka palang my ghad" nag hehesterical kong sabi

"Oo nga naman denise you're to young for that crush thingy"pagsangayon naman ni Chelle

"But ninang told me that crush is just normal" giit pa niya

"Not normal at your age!" Bwiset talagang Michelle to

"Anu ba yan Chelle! Kahit ano na lang talaga!"

"Eh kala ko kasi bes di na maaalala ni Denise yong mga sinabi ko eh sorry naman" sabay peace sign

"Ewan ko sayo!"

Naghagikhigakan naman ang dalawa sa likod habang nakabusangot naman ang mukha ko.

Narating namin ang mall at inuna naming maglaro sa WOF bilang request ng anak ko pagkatapos ay kumain at nagikot ikot at namili na rin ng damit.

Di rin nag tagal ay napagpasyahan na naming umuwi dahil nakatulog na din si Denise habang karga ko.

"Nakakapagod mag mall" ani Michelle

"Hayst! Sobra sinabi mo pa" habang nilalapag si Denise sa higaan

"I'm happy for you sam" aniya

"Bakit?"

"Kasi nalagpasan mo lahat ng masasakit na nagyari sa buhay mo"

"Oo nga ee, siguro dahil anjan ang anak ko"

"Malapit na anniversary ninyo ni Drake diba?"

Oo nga noh di ko man lang namalayang April na

"Pupuntahan ko ang puntod niya" simpleng sagot ko

"Isasama mo ba si Denise?"

"Iiwan ko muna siya sa mama ni Drake"


Andito ako ngayon sa harap ng puntod ni Drake bitbit ang isang lobo na may nakaprint na happy anniversary mahal nilapag ko din sa baba ang isang cake na parehas ng nakasulat sa lobo.

Ngayon ang anniversary namin ni Drake simula ng mawala si Drake ako lang ang magcecelebrate magisa ng anniversary namin nakakatampo nga dahil di ko man lang naranasang mag celebrate kasama siya.

Siguro kung nabubuhay pa si Drake lagi ako non isusopresa napangiti na lang ako sa lahat ng iniisip, Alam mo mahal sobrang kulit ng anak natin may crush na raw siya hahahaha ayon tinuturuan ng kahit ano ng ninang niya...

Ngumiti ako dahil sa nagbabadyang luha na inipon ko ng ilang taon, ngayon lang kasi akong nakadalaw ng magisa kaya naman sobra akong nasasaktan kahit ilang taon na rin ang nakalipas.

Mahal na mahal kita Drake alam kong rinding rindi ka na sa paulit ulit na pagsasabing mahal kita pero totoo naman yon. Araw araw kitang namimiss walang gabing di kita iinisip pero tatatagan ko dahil may Denise pa tayo alam kong masaya ka na jan sana gabayan mo kami palagi.


Sabi mo noon malawak ang langit sa sobrang lawak ay mahihirapan tayo sa paghahanap sa isa't isa pero wag kang magaalala dahil sa oras na makapunta ako jan ay hahanapin kita kahit saang lupalop ka pa.

Mahal sa susunod na buhay ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko..




Pangako yan..




Masaya ang takbo ng buhay ko highschool na din si Denise at may boyfriend na din, di ko naman pinagbawalan dahil ok naman ang grades at mabait ang boyfriend niya spoil naman siya ng kanyang mga Lolo at Lola. Ang ate naman ni Drake ay nasa amerika dahil sa bakasyon, si Michelle ay nag stay na sa pilipinas dahil mas maganda daw pag nasa sarili kang lugar. Nagkita din kami ng nakaraan ni Troy at nalaman kong ikakasal na siya inabutan din ako nito ng inbitasyon at buong puso ko naman itong tinaggap at nangakong dadalo.


Masaya na ang lahat alam ko ding masaya na si Drake kung nasaan man siya. Minsan ay may araw na malungkot pero agad din napapawi tuwing nakikita ang mukha ng anak ko.


Kailan lang baby pa to nakangiti ko itong niyakap at nagpasalamat sa diyos na kahit wala na si Drake ay may isang anghel na iniwan siya at lubos akong minahal sa loob ng ilang taong lungkot na nararamdaman.


THE END.

My Highschool Love Story (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon