Chapter 3

368 26 11
                                    

Chapter 3

I just slept the whole day today because I don't have any plans. Papasok lang naman ulit ako sa hospital at ganoon lang. I still have no ideas that I can divert my attention for now.

For sure makakahanap din naman ako ng isang bagay na makakaagaw talaga ng atensyon ko pero ngayon sadyang wala pa talaga.

"Pa, pahatid ako." nandito kami sa bakuran dahil nandito siya nakitambay para alagaan ang mga manok na hilig niyang nilalaro kasama ng mga tito kong sabungero rin.

"Pare, hawakan mo muna. Hatid ko lang ito." inabot ni papa ang manok kay tito Relly at nginitian naman ako ni tito nang makita niya ako. One of my Tito, not my favourite but he's fine.

Guwapo sana mga anak kaso sa ibang lugar nag-aaral at halos hindi ko naman nakakasama. Madalas sa pamilya namin na hiwalay kaming lahat na magpipinsan. Tipong tuwing bakasyon ay uuwi kami sa probinsiya.

Sa mga kamag-anak nila mama to be exact kasi ang pagkakaalam ko sa pamahiin ay lalaki ang magdadala sa mapapangasawa niyang babae kaya nandito kami sa father side ko.

Kapag bakasyon naman uuwi kami sa probinsya nila mama para mga pinsan ko naman doon ang makakasama ko. Ewan ko nakakasawa na rin pagmumukha ng mga pamangkin ni papa.

"Linnette, tara na." tawag sa akin ni papa kaya napasunod ako sa kaniya sa loob. Masiyado na palang malalim ang iniisip ko.

Hindi ko alam kay papa hilig na hilig niya akong tawagin na Linnette na kesyo Lincoln daw ang pangalan ko. I admit it. Bakla naman talaga ako pero I don't want to be called in a girls name.

I don't want to wear girl dresses. In front of them.

Mas nahihiya pa akong mag suot ng damit sa harapan ng pamilya ko kesa sa harap ng ibang tao. Mas kumportable lang ako na sa harapan ko ang ibang tao na magsasabog. Minsan kasi, no, madalas pala na over powering na ang suporta sa akin nila mama at papa.

Maging mga pinsan basta lahat ng kamag-anak ko sobra na.

Gusto ko 'yung alam mo 'yung tipo ng bakla na ipinagtatabuyan, sinasaktan tsaka minamaltrato! Hahaha! Ewan ko ba. Marami kasi akong nabasa na ganyang mga istorya kaya hindi ko mapigilang isipin na sana ganon din ako tapos may isang CEO na sikat ang magliligtas sa akin.

Kukunin niya ako kay mama at papa tapos papakasal kami tapos magkakaanak kasi nga may matres ako pero ang lahat ng ito ay ilusyon lang.

"Nag-iilusyunada ka na naman." puna sa akin ni mama.

"Mama, naman minsan na lang ako mangarap na magka-asawa ng CEO hahadlangan mo pa ba?" dinuro niya lang ang sentido ko.

"Ang taas naku naku, Lincoln Ricardo Amalindo Cesar Cruz Santillan!" binuo pa talaga ni mama ang pangalan ko. Kinabog pa pangalan ni Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.

"Lin, tara na." tawag pa ulit ni papa.

"Ayan na ang Reyna!"

Umangkas na ako kay papa at nang marating na namin ang hospital ay ibinaba niya na ako at inabutan pa ako ng 500 pang miryenda ko raw.

"Magandang hapon, kuya Da." bati ko sa kaniya.

Pinanliitan muna niya ako ng tingin. "Magandang hapon. Kamusta ka?" tanong niya.

"Ayos lang naman po. Kayo po ba?" tanong ko pabalik sa kaniya. Bumuntong hininga siya ng malalim at sinenyasan akong maupo sa gilid niya.

"Maupo ka muna rito..." sumunod na agad ako sa gusto niya at naupo sa isang bench na kinauupuan niya. "Ayos ka lang ba? Wala bang nangyaring masama sa 'yo."

Fontabella 4: Taking The RisksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon