Chapter 9
"Keep in mind that you don't have to ask for assurance. Kasi kung ikaw talaga gusto niya, he won't make and give any mixed signals and would make you feel straightforward. I-a-assure niya agad pakiramdam mo na mahal ka niya." Griffin's voice vibrating on the walls of my mind. That was the last thing he said before I drifted off to sleep.
Pagkababa ko sa bahay ay inulan ako ng mga katanungan ni mama na kung saang lupalop daw ba ako ng universe nagpupupunta. Sinabi kong kila Fin kaya ayos lang.
Normal routine, kumain, naglinis ng katawan bago natulog. Nagising ako kinabukasan at magaan na ulit ang pakiramdam ko na para bang walang nangyari. I'm vibrant and dynamic like I want to dance everybody.
I got to my phone's music app and played Felix's up-beat track "I Know". Such a party banger song with lovely lyrics.
Napansin kong tulog pa rin sila mama kaya bumangon na ako para maghugas ng pinagkainan kagabi. Matapos maghugas ay nagtimpla ako ng kape saka naupo sa isang bangkito sa bakuran namin sa likod para tignan ang mga kahayupan.
Pagkaupong-pagkaupo ko ay sakto namang tilaok ng paboritong manok ni papa sa aking harapan kaya napailing ako. Hindi ko alam kung ganiyan ba talaga ang manok na 'yan o sadiyang papansin lang.
Bumaba ito mula sa pagkakasampa sa isang kawayan at pinuntahan ang isang inahing manok. Eventually, nagbulugan din silang dalawa kaya nag-iwas ako sa kanilang mainit na pagtatagpo.
"Kuya Lin, may naghahanap daw sayo. Kanina ka pa raw tinetext." tawag ni Ligaya sa akin. My 4-year-old cousin.
"Sino na naman daw ba?" tanong ko at binitawan ang tasa na hawak upang ilaan sa kaniya ang atensyon ko.
"Pulis ata-" sa sinabi niyang iyon ay mabilis akong kumaripas ng takbo papunta sa harap ng bahay namin. I saw him there, back facing me, cap on his head and in front of us is a police mobile. Napalinga ako sa mga marites naming kapitbahay na nagbubulungan.
"Magnanakaw ata iyan. May barilang naganap kahapon sa kabilang kanto kaya huhulihin siguro." saan may shoot out?
"There you are!" nagulat ako nang walang pasubaling pumasok sa bakod namin si Aljon saka ako binalot sa mainip na yakap. Akala mo sobrang tagal naming hindi nagkita eh halos isang linggo lang naman.
I inhale the scent of his uniform invading me as his warm embrace warms my body.
"Ginagawa mo ritong dambuhala ka?" tanong ko nang bumitaw siya. "Tara nga sa loob, daming chismosa rito." saad ko at pinauna siyang pumasok.
"Aba ginoong marites! Bakit may bathaluman dito sa ating bahay, Lin!" naghihisteryang sigaw ni mama. May pahawak pa sa dibdib, best actress talaga. Saktong labas ni papa ay napatingin siya sa amin ni Aljon.
"Ma, Pa. Si Aljon ng pala, nililigawan ko." pakilala ko na siyang kinaubo ni mama. "Ma, mahiya ka naman. Aakalain nitong si Aljon may tb ka, baka sa susunod cable na 'yan."
"Pagpaumanhin niyo na ho ser Fontabella at sadyang ilusyunada lamang itong anak kong si Lincoln." nilapitan ako ni mama saka hinila papalayo kay Aljon ngunit bumitaw ako kay mama at nagpumilit na lapitan si Aljon.
"Ma! Mahal namin ang isa't-isa. Alam kong darating ang araw na pipigilan mo akong magmahal kagay niya ngunit mahal ko siya at gagawin ko lahat para hindi niyo kami mapaghiwalay!" sigaw ko kay mama na nanlaki at mata at tumaas ang kilay.
"Anak, you deserve someone better... someone who can give you love that never ends..." ani ni mama at tumingin sa akin at kay Aljon.
"Ma! Alam kong better ako at better si Aljon." lumuhod ako sa harap nila. "Ma, please, I deserve Aljon." bumaba ang tingin sa akin ni mama at umasm ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Fontabella 4: Taking The Risks
RomanceTaking The Risks Aljon Kaizer is chasing the criminal until it vanished from his sight. Running after that man in the narrow road in market until he bump into a one guy he thought the criminal. It's no other Lincoln Santillian. Bumping into each oth...