Chapter 8

222 14 11
                                    

Chapter 8

Huhuhuhu tumakbo akong umiiyak kay mama nang matanggal na naman ako sa trabaho. Nakahilat siya sa kwarto nila ni papa kaya naman tumabi ako sa kaniya.

"Mama, huhuhu natanggal ako..." malungkot kong saad habang nakadukmo sa unan niyang katabi.

"Ihhh! Umalis ka nga rito! Napapano ka na naman bang bekla ka?" tinulak pa niya ako papalayo ngunit nagmatigas ako.

"Natanggal ako sa trabaho huhuh." sumigaw ako nang malakas habang nakadukmo sa unan. "Ayaw ko naaaaa!!"

"Ano ba kasing nangyari sa 'yong makire ka?!"

"Ganito kasi 'yon huhuhu."

Isang Matinding Flashback

"Lincoln! May motor daw na naaksidente sa Marcus Highway. Kailangan na kayo roon!" sigaw ng isang nurse sa akin kaya mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko at dumiretso sa loob ng ambulansiya. Nakapasok ako at dalawang araw na rin ako.

"Marcus Highway daw may naaksidente!" sigaw ko at halos lumipad na kami sa pinangyarihan ng sakuna. Karumal-dumal ang nangyaring aksidente dahil pumailalim sa truck ang driver habang ang angkas naman niya ay binuhat namin papunta sa ambulansiya naming dala nang bigla itong magising.

"N-nurse, okay lang po ba ako? A-anong nangyari?" tanong nito sa akin kaya nakaramdam ako ng awa sa kaniya.

"Opo ayos ka lang. Kaunting gasgas lang sa tuhod natamo mo." tugon ko at binuhat namin siya sa loob gamit ang stretcher.

"Pwede ko po bang makita tuhod ko?" tanong nito pero umiling ako.

"Naku hindi pwede. Nasa kabilang ambulansiya tuhod mo."

Tapos na ang Flashback

Nakaramdam ako ng pektus sa mukha kay mama nang matapos ako sa pagkwento.

"Aba'y gago ka pala! Sige kung ikaw sabihan ko ng ganiyan? Matutuwa ka ba?" napairap ako sa sinasabi niya.

"Bakit tumatawa ba ako nong sabihin ko 'yon? Ma, sinabi ko lang naman 'yung totoo, eh. Tambay na naman ako niyan eh malapit na kaming mag-date ni baby." mabilis na kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Baby? May jowa ka? Nasaan? Napaka imposible naman ata niyan? Baka pumuti na ang uwak hindi ka pa rin nadidiligan!" hindi ko alam kung ilang beses akong napairap sa kaniya.

"Bonak! Sa ganda kong 'to walang jowa? Well, magugulat ka na lang kung sino naging jowa ko. Pwe! Makakain na nga. Ano ba ulam natin?" tumayo ako at nagsuklay ng buhok sa harap ng salamin.

"Wala pa. Bumili ka muna ng itlog diyan sa labas." tumango ako at pumunta sa likod ng pinto para kumuha ng pera sa kaniyang pantalon.

Lumabas ako at nagtungo sa isang tindahan para bumili.

Tinuktok ko ang sampung piso ko sa tiles nilang harap. "Pagbilan!"

"Oh, ano ba bibilin mo?"

"Itlog nga." saad ko at inabot sa kaniya ang pera.

"Ilan ba?"

"Isa lang. May sinabi ba akong itlogs? My gosh pisting yawa." padabog na kinuha ng tindera ang bayad ko at binigay ang itlog kasama ang apat na pisong sukli.

Fontabella 4: Taking The RisksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon