Chapter 6
First day of tokhang. Char. It will be the first day of my horrible no falling challenge para kay Fontabella. Fontabella ako nang Fontabella, ni hindi ko man lang nalaman kung ano buong pangalan niya but mamaya tatanungin ko na siya.
"Bihis na bihis ka ata?" tanong ni papa sa akin nang makita niya ako sa harapan ng salamin habang nag-aayos ng buhok ko.
"Manliligaw ako, pa." tugon ko sa kaniya at nang matapos akong mag-ayos ng buhok ko ay nag-spray ako ng mamahalin na pabango ni mama.
"Aba," umakbay si papa sa akin. "Binata na ata ang anak ko?" nginitian pa niya ako sa salamin.
"Pa, manliligaw ako ng lalaki." kaagad siyang napabitaw sa akin at pinatay ako gamit ng mga tingin niya.
"Akala ko namang, bata ka." naglakad na siya papalayo habang umiiling ang kaniyang ulo. Well, masanay na siyang binabae ang kaniyang nag-iisang anak na lalaki.
"Ma! Pengeng fifty pamasahe lang." pumasok ako sa kwarto at humilig sa hamba ng pintuan habang nakalahad ang kamay ko. Sinamaan muna niya ako ng tingin at inirapan saka dumukot ng pera sa kaniyang bulsa at inabot ito sa akin.
"Thank you! Mukha ka pa ring bulbol!" sigaw ko at patalon-talong lumabas ng bahay at naghanap ng masasakyang tricycle.
"Para po!" sigaw ko nang may malapit na akong tricycle na nakita. Pumasok ako at sinabing sa presinto ang punta. Hindi naman ako nag bihis ng bonggang bongga dahil ang pakay ko ngayon ay ang pagsilbihan muna si Pulis. Actually, wala pa akong naiisip kung ano ang gagawin ko sa kaniya pero may mga idea naman ako. Hopes it work for him.
Masiyado kasing mukhang isnabero na ewan mo, mukhang mapaglaro na ewan. Minsan seryoso siya, minsan mukhang galit pero madalas nakakalibog. Ang hawt ng lolo niyo sa true lang.
"Salamat po." sabi ko nang nasa tapat na kami ng presinto at bumaba na. Okay, Lincoln, hingang malalim.
*Inhale *Exhale
Naglakad na ako paakyat ng hagdan at nang may nakasalubong akong pulis ay binati ko ito.
"Good morning." I greeted and flashed a smile.
"Oh, magandang umaga. Naisipan mo na bang umamin at ipakulong sarili mo?" nang mapatingin ako ng diretso sa mukha niya ay saka ko pa lang nakilala ang mukha niya dahil siya ang Pulis chief. Mabilis akong umiling.
"Naku hehe hindi naman po ako magnanakaw." totoo namang hindi pero mukhang hindi siya kumbinsido, wala na akong pake. Ang sabi nga nila huwag mong piliting maniwala ang ibang tao sa 'yo kaya mamatay sila riyan.
"Nandiyan po ba si Fontabella?" tanong ko, baka kasi wala at mag-aksaya pa ako ng panahon eh.
"Wala siya-" gumunaw ang mundo ko ng ilang sandali pero may narinig akong motor na huminto sa likod ko. Guess what?!! Hindi si Fontabella.
"Eh nasaan po ba? May ginagawa ba siya ngayon?" kuryusong tanong ko. Kapag may ginagawa siya at hindi ko siya maistorbo, uuwi na lang ako sa bahay para maitulog ko na lang 'to. Kung wala rin naman siya, wala akong tratrabahuhin dito.
"May ibang ginagawa si Police Chief Fontabella kaya wala siya rito-" may ibang sasabihin ang Pulis na nasa harapan ko nang may nakakaririnding tinig akong narinig. It's no other than the Fontabella! Napalingon ang pulis na nasa harap ko sa isang hallway kung saan nanggaling ang sigaw pero nang bumalik ang tingin niya sa akin ay inirapan ko siya.
Ilang sandali pa ay dumating na si Fontabella na tumatakbo na may ngiti sa labi. Nawala kaagad ang ngiti niya nang makita ako at napalitan ito ng nakakatakot na ngisi.
BINABASA MO ANG
Fontabella 4: Taking The Risks
RomanceTaking The Risks Aljon Kaizer is chasing the criminal until it vanished from his sight. Running after that man in the narrow road in market until he bump into a one guy he thought the criminal. It's no other Lincoln Santillian. Bumping into each oth...