Prologue
"Ma, I need to get a new haircut. Look, my hair looks so messy, yet I'm still beautiful as fuck!" I explained to mama, sitting in the middle of the sofa.
Humarap siya sa 'kin mula sa panonood ng pabalas sa tv, 'yong mga kilay niyang tumitilantik at sobrang ganda. Sa'n pa ba siya nagmana? Syempre sa 'kin!
"Mukha ka na ngang baluga, magpagupit ka na." aniya na may pa 'tse' pa sa dulo. Kung ibalibag ko kaya sa kaniya 'tong suklay na hawak ko? Pasalamat siya at mama ko siya.
"Ma, jusq wala naman akong pera eh!" arte ko sa kaniya nang ibinalik ko ang tingin ko sa magandang dilag na nasa harap ko. Ay ako lang pala 'yon hahahah!
"Kakabigay lang sa 'yo ng ama mo ng 5 thousand noong isang araw ah? At saka nakita ko iyong wallet mo, may pera, mukhang mas marami pa pera mo sa 'min ng papa mo ah?" sabi niya.
I rolled my eyes at her and continued brushing my gorgeous hair.
"Ma, kapag gumala kami n'ong mga bruhang 'yon kulang na lang ako na lang hingan nila ng pera. Akala nila bangko ako jusq!" sabi ko sa kaniya na may halong padabog-dabog pa. I'm pertaining to my bitch/slut/madafaker friends. Lahat nasa kanila na ata.
Na sa 'yo na ang lahat.
Ay wait, Daniel, kinikilig ako ehe.
"Mommy pa nga tawag nila sa 'yo para ka na nilang nanay don!" sabat naman ni mama.
"Ma, paano ko sila magiging anak? Sa'n sila lalabas sa 'kin? Wala naman akong pekpek!" Narinig kong bumuhaglit ng tawa si mama.
"Alam na alam mo talaga ako pasayahin anak."
"Ako pa? :Yong 500 ko pangpagupit?" I got up from my chair and lended my hands in front of her.
"500? At saan ka naman magpapagupit?"
"1000 ko na lang, ayaw mo ba 500?" paliwanag ko sa kaniya.
Napabuntong hininga na lang siya at dumukot sa wallet niya. Nakita kong dinukot niya ang manilaw-nilaw na limang daan kaya naman kumikinang ang mga mata ko.
"Sa salon ako magpapagupit, ma. Ang ganda-ganda ng buhok ko oh." I finger comb my shiny shimmering splendid hair.
"Nandiyan naman pinsan mo ah?"
"Ma! Ayaw ko ro'n, ang cheap niya."
"Oh siya sabi mo eh," aniya at bumalik na sa panonood kaya naman tumakbo na ako sa kwarto ko at nagbihis ng disenteng damit. A red shirt and a short would fit me. Kinuha ko na rin 'yong Islander ko na tsinelas na ipinapang bahay ko lang madalas.
Lumabas na ako ng kwarto at naglakad papalabas ng bahay nang makasalubong ko si papa.
"Oh sa'n punta mo? Bihis na bihis ah?" bati niya sa akin.
"Papagupit ako, pa. Wala na nga akong pera eh," sabi ko naman. I know my papa, walang pag-aatubiling dinukot niya ang wallet sa bulsa at inabutan ako ng tumataginting na isang libo!
"Salamat pa," sabi ko sa kaniya.
"Saan ka ba magpapagupit at napakalaki ng kailangan mo?" papa asked me.
"Sa mamahalin siyempre at sa sanay. Ayaw ko sa mga cheap, baka sa salon ako, pa. Sige, bye na muah muah chup chup!" Tumakbo na ako papunta sa paradahan ng tricycle ilang lakad ang layo sa amin.
"Mamsi!" tawag ko sa isang tindahan. Kaibigan ko ang nakatira rito.
"Oh, saan punta mo?"
"Self time ako ngayon, papagupit ako sa 'salon'," ani ko sa kaniya na ikinatawa naman niya. Alam na alam na niya talaga ibig kong sabihin. Siya 'yong tao sa buhay ko na ayaw kong mawala. Siya lang nasasandalan ko sa mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Fontabella 4: Taking The Risks
RomanceTaking The Risks Aljon Kaizer is chasing the criminal until it vanished from his sight. Running after that man in the narrow road in market until he bump into a one guy he thought the criminal. It's no other Lincoln Santillian. Bumping into each oth...