Chapter 11
"Nagsisimula na ba 'yung prosisyon, nak? Magdala ka ng pamaypay!!" sigaw ni mama habang nakatingin ako rito sa kalsada.
"Wala pa. Alam ko sa Friday pa naman 'yon, 'yung ngayon naman may oplan linis muna para sa Friday malinis na." saad ko. May ginagawa kasing nakasanayan ang mga tao rito sa amin na tuwing biyernes santo ay aakyat kami ng bundok. Nagsisimula ang prosisyon mula sa simbahan na halos isang kilometro ang layo sa bahay namin na madadaanan papunta sa bundok na aakyatin.
Oo 'te, bundok talaga. Walang kinemerut.
Para siyang sacrifice na gagawin every year lang naman since isang beses sa isang taon lang naman ang holy week. Kadalasan maraming sumasama rito, mga babaylan, mga pari, taga silbi sa simbahan, mga manggagamot at albularyo, mga tao sa bayan at ang mga dayo. Did a mention na naka apak lang kaming naglalakad paakyat ng bundok every year?
Yes nakaapak lang kami habang may kandila na hawak at bawat istasyon na madaraanan namin ay lumuluhod kami sa lupa upang magbigay galang. Ganorn kaya nalilinis din kahit isang beses ang mga kasalanan ko. After naman ng pag-akyat sa bundok ay may misa pa na gaganapin pero maaari nang umalis.
There's two ways pars makababa, may naghihintay na tricycle kaso nakakatakot dahil matarik ang dinadaanan o maglalakad lang ulit pababa. Mas madali naman na kasing bumaba kesa umakyat ng bundok dahil sa pull ng gravity.
Oh 'di ba, nakikinig ako sa teacher namin noon at nalalaman ko pa 'yang mga gravity kineme na 'yan pero ayon nga ang sabi. Dahil matindi ang hila ng gravity kaya mas madaling bumaba sa mataas na lugar kesa umakyat.
I got back to reality when I saw the man I've been waiting for my whole life. Si Aljon na susunduin daw ako hanggang sa paanan ng bundok. Alangan namang simulan ko na ngayon edi inabot ako ng siyam-siyam dito.
"Let's go."
"Ma! Alis na pala ko!" sigaw ko bago umangkas kay Aljon. Matagal na rin 'yung date namin at ilang araw na rin kaming hindi nagkikita kaya medyo na miss ko rin ang isang 'to.
"Sorry nga pala." bungad niya habang nagmamaneho.
My brows furrowed. "Para saan ba?"
"Our date. Sorry umalis ako, kapatid ko kasi muntik nang makulong." mabilis na naglagay ng ngiti sa labi ko ang sinabi niya.
"Ayos lang naman kahit hindi mo ako top priority basta alam kong nasa top three ako. Syempre first is God, second is your family then third one ako. Naiintindihan ko naman."
"Thanks. Uhmm ano pala..."
"What?"
"Is it okay if you stay in my place today? Or even tonight, baka hapunin tayo sa paglilinis eh." my gosh! Alam ko na ang mga susunod na mangyayari.
Kaso hindi pa pwede, alam natin kung paano protektahan ang ating sarili mula sa mga temptasiyon.
"O-oo naman. Why not 'di ba hehe..." nag-aalangan din kasi ako dahil baka magalit sa akin si mama. Maybe sabihin ko na lang kila Fin ako natulog? Ano ba magandang excuse if ever.
"Good. Nagdala na rin ako ng extra money if magutom ka habang-"
"Shh!! Kaya ko sarili ko pagdating sa pera, okay? Keep it with yourself na lang." saad ko. Ayaw kong isipin niya na minahal ko siya nang dahil sa pera. Ay teka nga, alam ko challenge lang lahat ng 'to eh. At saka, naguguluhan na rin ako sa sarili ko kung mahal ko na ba talaga siya, kung infatuation lang ba 'to, obsession or just a pure fun lang.
"Okay sabi mo eh pero if you need me, I'm willing to pay for your bills later."
I answered him with a nod. Akala ko dadaan pa kami sa police station pero mabilis niya itong nilagpasan. Binaybay pa namin ng halos tatlong minuto nakamotor na sigurado akong halos isang oras na lakaran na rin.
BINABASA MO ANG
Fontabella 4: Taking The Risks
RomanceTaking The Risks Aljon Kaizer is chasing the criminal until it vanished from his sight. Running after that man in the narrow road in market until he bump into a one guy he thought the criminal. It's no other Lincoln Santillian. Bumping into each oth...