Groupie sa Salamin (Addt'l Story)

641 29 0
                                    

Achi Enchang is logging in.

Selfie dito, groupie doon. Lahat na yata ng puntahan ng barkada may picture-ang kasama. Bago kumain selfie, after maligo selfie, kung minsan naman magsa-status at magpo-post ng feeling lonely, feeling in love or feeling crazy. Kung minsan pa nga meron isa sa barkadang magco-comment sa pinost mo, kahit magkakasama naman kayo. Pero anong gagawin mo kung sa pag-selfie o groupie niyo e biglang may nakisali sa inyo?

Alas tres ng hapon, habang naghihintay kami ng barkada ko para sa next subject na Law ay nagkayayaang lumabas muna sa library dahil sa pagkabagot.

"Ivo! Tara na?" yaya sa akin ng barkada kong si Feldin nang hindi pa rin ako tumatayo sa upuan.

"Sige, sige. Sandali lang." Medyo mahinang tugon ko dahil nasa loob pa nga ako ng library nung time na iyon habang silang mga barkada ko, nasa labas na at naghihintay.

Kung mananatili pa kasi kami doon, malamang na palabasin din kami sa ingay na ipinuproduce naming anim. At dahil nga sa mga mababait naman kami, kung "minsan", sumusunod naman kami sa patakaran ng school. Nga lang, kung may susundin namang isa, may isa din namang gagawing kalokohan.

Sa pagkakataong ito ay naviolate pa rin namin ang salitang "Silent Please! Classes are going on." Kahit pa nga nasa labas na kami, dahil sa lakas ng halakhakan ng bawat isa.

Selfie doon, groupie dito. Iyan lang ginawa namin buong bakanteng oras namin na dapat sana ay nagbabasa kami ng libro, nag-aaral ng mga kwaderno, naghahanap ng solusyon sa mga problemang malupit na kasama naman talaga sa pagiging estudyante at pagiging accountancy student namin. Pero hindi namin ginawa.

Kung alam lang ba naming hindi lang "normal" ang maaabala namin sa ingay naming magbabarkada e? Hinding-hindi na sana kami mag-iingay. Hinding-hindi na sana kami maggugroupie sa salamin na iyon. Hindi na sana kami nagpunta sa cr na iyon.

After kasi ng vacant period, papunta na sana kami sa room nang makakita kami sa third floor ng isang maliit na banyo at sa labas nito ay may katatamang laking salamin. Nung una nag-alangan pa kami ng makita namin yung "Out of order" na sign. Pero dahil makukulit kami, di na namin iyon pinansin. Nung mga oras ding iyon ay naisipan naming mag-groupie sa salamin.

Hindi naman naming akalain na 'di na "siya" nakatiis at nakisali na "siya" sa amin. Hindi ko alam kung talagang nacucurious lang din "siya" sa ginagawa namin o gusto "niya" lang iparating na naaabala na namin siya kaya dapat na kaming umalis sa tambayan "niya". Pero dahil nga nakagawian na ng barkada na pagtapos lumabas o pumasok sa klase e, nagbabanyo muna para mag-ayos sa sarili. Lalo pa at mukhang solong-solo namin ito .

Nung nasa harap na kami ng salamin ay nagumpisa agad ang pictorial session namin. Kahit sa maliit na espayo ng cr na iyo'y pilit pa rin kaming nagsiksikan para lang magkasya sa picture-an. Alam kong nakakarelate kayo dahil malamang gawain niyo rin ito. Matapos ang ilang kuha ng litrato, ay nagpasya na kaming bumaba para pumasok na sa aming next subject.

Habang naghihintay kay Sir ay iniscan ni Evonne lahat ng mga pictures namin. Nagtaka kami ng bigla itong magtanong.

"Guys ano 'to oh?" sabay pakita sa amin.

Pagkapakita niya ng pictures ay laking gulat namin na mukhang hindi ano, kundi sino ang dapat na itanong. Ano nga ba siya? o Sino nga ba ang kasama namin sa litrato?

Ang nakakapagtaka kasi sa litrato ay may nakaharang na isang itim na bagay sa bandang ibaba ng litrato na animo isang dry na buhok ng isang babae. Nung una ay nagbibiruan pa kami na baka isa lamang ito sa mga buhok ng barkada naming sumingit bigla o isang itim na walis tambo na nakasandal lang malapit sa lababo. Pero imposibleng isa ito sa kaklase namin. Una, isang maliit na espasyo lang iyon at kami lang anim ang naroroon. Pangalawa, imposibleng buhok iyon ng isa sa amin dahil napakalayo ng itsura naming kumpara sa buhok ng humarang. Imposible rin namang camera trick o baka nadistort lang na bagay, dahil malinaw ang pagkuha sa litrato.

Binalot kami ng takot ng mapansin na sa mga unang litrato ay 'di ito mapapansin. Pero pagdating sa mga huling litrato ay makikita ang unti-unti nitong 'pagsali'. Bigla kaming kinabahan. Lalo pang nakadagdag sa takot namin nang sumabad ang isa naming kaklase na hindi ito nakaharap sa salamin kundi nakaharap ito sa amin habang kumukuha kami ng litrato.

Nagsimula nang magtakutan ang bawat isa sa amin. Pero pilit namin inaanalyze kung totoo ba ang lahat ng ito. Sa huli ay nagpasya ang barkada na bumalik na lang roon para kumpirmahin ang mga assumption na nagsisipasok sa utak namin.

Pagpasok sa cr, wala kaming nakita ni isang indikasyon ng kakaibang bagay sa loob nito.

"Oh di ba guys wala naman eh. Tara na. Hayaan na natin yan. Kung totoo man yaaa-" hindi na naituloy ng isa kong barkada ang pagsasalita nang bigla na lang sumara ang pintuan.

(A/N: Hi guys! This story is based on true experience, may konting dagdag lang. Thank you sa pagread. Please click the cute little star at the right top corner of your library... Maraming THANK YOU :) :*)

See the picture attached to this story.

Achi Enchang is signing off. 'Til next time.

Online Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon