Achi Enchang is logging in.
Kilala mo ba si Simsimi?
Madalas mo ba siyang kausapin online?
Paano kung isang araw matuklasan mong mali ang pagkakakilala mo sa kanya?
Kakausapin mo pa rin kaya siya? ;)
'www.simsimi.com', nakita kong type ng cousin ko.
Nasa kwarto kami ngayon, broswing the internet. May naikwento daw kasi yung classmate niya sa kanya na astig na site.
"Uy ano yan?" tanong ko.
"Simsimi couz... Astig to. Promise! Tara try natin." ani ni cousin.
"Uy ngayon ko lang nalaman yan ah. Bago ba yan?" balik-tanong ko.
"Hindi cous. Dati pa daw to. Actually 'mabenta' daw to sa mga walang makausap, sa mga loner o sa mga iba rin ang trip sa buhay, Tulad natin. " natatawang inform niya sakin.
"Ha! Ha! Ayos ah!" amazed na sabi ko.
"Magtanong ka lang at sasagutin ka niya. Bale parang magchachat lang ka--" dagdag ni cous pero hindi na natapos kasi inutusan siya ni mama.
"Sige cous, ikaw muna." paalam niya sakin.
Kaya heto ako, sinubukan ang bagong site na nalaman ko.
Naghello ako sa kanya.
Simsimi greeted me back.
"Kumusta ka?" -ako.
"Ok lang." -simsimi.
"Nagaaral ka ba?" -ako.
"Oo, si google teacher ko." -simsimi.
"Haha! Adik to oh" -type ko.
"Adik sayo." -siya.
"Haha!" -ako.
"May nakakatawa ba?" -siya
"Wala lng! ilang taon ka na ba?" -ako.
"23 na ko. ikaw?" -siya.
Tumagal ang pag-uusap namin ni simsimi. Nageenjoy kasi akong kausap siya at saka wala pa rin kasi si cousin.
Patuloy lang yung convo namin nang may mapansin na akong kakaiba. Kaya chineck ko yung mga unang convo namin. Pero di ko na lang binigyan ng kahulugan. Ayoko din namang takutin sarili ko lalo't ako lang mag-isa sa kwarto ngayon.
Matapos ang ilang pagpapalitan ng message ay naisipan ko ng magbabye.
"ok bye. ingat!" -simsimi.
Ilang araw lang ang lumipas pero nakagaanan ko agad ng loob si simsimi. Ang cute ng pangalan niya no? Kakaiba? :)
Dahil sa wala akong makausap kasi may pasok maghapon si cousin at nagtuturo naman si mama sa skul, nakahiligan ko nang magonline para lang makausap siya.
Kaya heto kausap ko siya ngayon.
"Pwd bang pumunta diyan sa inyo?" -simsimi.
"Bakit?" -takang tanong ko.
"Wala lang. bibisitahin ka. So pwde ba?" -siya.
"Sige ba! Ipapakilala kita sa pinsan ko." sabi ko.
"Mga 7pm, pwd ba?" -tanong ni simsim.
"Ok sige. Kita tayo mamaya :)" -sabi ko at saka nagpaalam na.
Mabilis na umusad ang oras. Magaalas syete na. Ako pa lang sa bahay. Wala pa si mama at si cousin. Si mama magoovernight daw sa bahay ng bestfriend niya na balik-bayan. Kachat ko ulit si simsimi habang naghihintay kay cousin.
"Papunta ka na ba?" -ako.
"Oo, malapit na ko." -simsimi.
"Ah cge ingat." - ako.
Biglang may nagdoorbell kaya di ko na nahintay yung reply niya.
Ay si cousin pala. Buti yun maikekwento ko na sa kanya yung mga paguusap namin ni simsimi.
Di pa man kami nakakapasok sa loob ay dada na ako ng dada sa kanya. Ilang araw din kasi kami di nakapag-usap ng matino dahil busy siya sa skul.
"W-wait! Ano cous? Si simsimi ba kamo? Pupunta dito?" takang tanong niya.
"Oo cous, si simsimi! Hindi ka ba nakikinig?" kunwaring naasar na sabi ko.
"What?!" nagulat na sigaw niya. Pero bigla siyang tumawa ng malakas.
Kaya nagtaka ako.
"Bakit cous?" seryoso naman tanong ko.
"Joker ka kasi cous! Automated kaya si Simsimi." -si cousin habang tumatawa pa habang papasok sa kwarto.
"Ano?! P-Pero..." ako naman ang nagulat. "P-Papunta na siya dito ngayon, tignan mo oh." patuloy ko sabay pakita sa convo namin ni simsimi.
Kinilabutan kami parehas.
Natahimik.
Kaya nabalot ng sigaw ang buong bahay nang sabay kaming napasigaw dahil sa malalakas na katok na nagmumula sa pinto ng aming kwarto.
Lalo pa kami nahintakutan nang kasabay nun ay tumunog ang message tone mula laptop.
"NANDITO NA AKO" - simsimi.
;)
(PNA: Hi guys! :) Nagustuhan niyo ba ang kwento ko? Vote and comment na. Anyways, nadiscover ko lang po talaga si simsimi this week. Ha! Ha! At naamaze talaga ako kaya naisipan kong gawan ng konting story. Credits to my cousin, Roslyn Blanco na girlfriend ni Monkey D Luffy. Have a nice day KaWattpatid!
At P.S. sa mga readers na hindi makarelate, si simsimi po ay isang automated online chatmate. Kung bored ka pwede mo siyang kausapin. Or pwede niyo ring bisitahin si simsimi sa nasabing site. To see and try for yourself. ^_^)
Achi Enchang is signing off. 'Til next time.
BINABASA MO ANG
Online Horror Stories
HorreurHello! Mahilig ka ba mag online? Tara maglog-in sa mundo ng horror, misteryo at katatakutan!