Achi Enchang is logging in.
Nakakabagot na ba ang mga larong Counter Strike, Left 4 Dead, at DOTA kaya gusto mo ng bago?
Naghahanap ka ba ng mas exciting at may thrill na mga laro?
Itype na ang www.y8.com, kung saan ang mundo mo'y biglang magbabago.
Hanapin lang ang larong Escape the House of Terror at tiyak na mag-eenjoy ka ng husto.
Pero bago ko makalimutan, may isa lang akong munting paalala...
Sumunod sa Instructions at huwag mandadaya!
"Oh Kim, paano ba yan? Talo ka na naman sa pustahan", nakakalokong ngisi ni June habang nakalahad ang palad sa akin.
"Tss.. Bad trip!" Padabog kong ibinigay sa kanya ang perang pusta ko.
"Aba't pikon to ah!" Angil ni June. Na akmang uumbagan ako.
Kung hindi pa ito naawat ng kaibigan niya, tiyak na may rambol na namang magaganap.
Ganito kami sa aming lugar.
Maingay!
Magulo!
Ganito ang gusto ko.
Dahil sa amin, puro katulong ang kasama ko.
Bawal lumabas.
Bawal lahat.
Dapat nasa bahay lang.
Pero anong point?
Lagi namang wala si mama at si papa.
Nakakalungkot.
Nakakabagot.
Kaya tumatakas ako.
At kapag nakakapaglaro ako ng mga online games, napapawi nito ang lahat ng iyon.
It makes me feel so alive!
Kinagabihan.
Nalaman pala ni mama at papa ang nangyari sa computer shop.
At dahil dun at sa pagtakas kong muli sa bahay. Grounded ako. Isang linggo.
Isang linggo akong hindi makakalabas ng kwarto.
Noong mga unang araw ay nagwala ako. Pero naisip kong wala rin namang ipinagkaiba kung nasa labas man ako o nandito.
Hindi pa rin naman ako malaya.
Wala rin naman sila.
Tutal makakapagonline games pa rin naman ako.
Inilabas ko ang laptop na matagal tagal ko na rin itinatago sa kanila.
Naglog-in ako sa y8.com.
Tutal mag-isa lang rin naman akong maglalaro kaya naisipan kong maglaro sa site na ito.
Nakakasawa rin naman kasi yung mga larong DOTA, GTA at Left 4 Dead ngayon.
Tumingin ako kung may latest games at nasiyahan nang makakita ng isa.
'Escape the House of Terror', basa ko.
Mukhang exciting to ah.
Sabay pindot sa start button.
Nagulat pa ako ng biglang may lumabas na text box.
"Are you ready to enter the House of Terror?"
'Astig', sa isip-isip ko.
I click the button YES.
"WARNING: YOU MUST ESCAPE IMMEDIATELY AFTER ENTERING. No wasting of time, if you do you'll regret it."
Pagkatapos iclick ang OK button, nakaramdam ako na parang unti-unting hinigop ang aking katawan.
At matapos yun ay nagdilim ang aking paningin.
Nagising ako.
Nakatulog pala ako.
Luminga-linga ako sa paligid.
Madilim.
Teka, bakit ang dilim.
Brown-out ba sa amin?
Kumapa-kapa ako sa dilim.
Hinanap ang switch ng ilaw.
Pero pagbukas ko ay tumambad sa aking mata ang kakila-kilabot na itsura ng silid.
Maraming nakahilatang bata sa sahig.
Duguan!
Nagsimulang kumalat ang nakakasulasok na amoy na nagmumula sa mga bangkay.
Puno ng agiw ang mga kagamitan.
Hindi!
Hindi ito ang kwarto ko!
Nasaan ako?
Naalala ko ang laro.
Parte ba ako ng laro?
Pero paano?
Narinig ko ang malakas na pag tik tak ng orasan.
Kailangan kong magmadali!
Mauubos na ang oras ko.
Napatakbo ako sa pintuan.
Pero hindi ko ito mabuksan.
May nakita akong papel sa pinto na nagsasabing kailangan kong masolve ang isang bugtong para mabuksan ito. At kapag alam ko na ang sagot, kailangan kong dalhin ang hinihinging sagot nito.
Ang bugtong:
"Ako'y mas matalas kaysa sa patalim. Hindi nakakamatay ngunit tagos sa puso kung makasakit. Sa ilalim ng kasagutan, makikita ang iyong kinakailangan. "
Naguluhan ako.
Nalito.
Hindi ko maisip ang sagot!
Pero tumatakbo ang oras.
Napapilig ako.
Nag-isip.
Matalas.
Hindi nakamamatay.
Tagos sa puso.
Tama!
Dila.
Susubukan ko!
Dali-dali akong lumapit sa mga batang nakahandusay sa sahig.
Lahat sila may tahi sa bibig.
Kahit nandidiri ay agad kong ibinuka ang mga bibig nila gamit ang patalim na hawak ko at hinanap ang kailangan.
Tama ang bugtong, makikita ko nga ang kailangan ko.
"Sorry. Pero kailangan ko lang nito." ani ko.
Nagulat ako nang biglang tumayo ang isa sa mga bata.
Tila parang zombie na papalapit ito sa akin. Kaya nagmadali akong tumayo.
Matapos iyon ay sunod-sunod nang nagsitayuan ang mga bangkay.
Nagmamadali kong sinusian ang pinto para lang magulantang sa makikita.
Napaiyak ako.
Wala na akong pag-asang makabalik pa!
Dead End.
Notice from the Y8 Games Manager:Kung sino po ang nakakaalam ng whereabouts ni Kim.
Shhhh...
Please keep it a secret.
Atin-atin na lang pwede?;)
(PNA: Hello KaWattpatid! Update2x din pag may time. Naiinspire kasi ako. Thanks po sa pagsubaybay. Please read, vote & comment sa story for suggestions or corrections.Newbies lang naman po akong manunulat. ^_^ Thank you at God Bless.)
Inspired by games 100 Doors & Escape the Mansion. :)
Achi Enchang is signing off. 'Til next time.
BINABASA MO ANG
Online Horror Stories
TerrorHello! Mahilig ka ba mag online? Tara maglog-in sa mundo ng horror, misteryo at katatakutan!