Achi Enchang is logging in.
Kilala si Hanna sa isang bayan sa Olongapo bilang isang mangangalaga ng mga batang paslit. Pagdating kasi sa pag-aalaga ng mga bata'y walang dudang magaling talaga ito. Makikita rin kasi ang hilig nito sa mga bata.
Dahil sa may sarili itong baby center, halos lahat ng magulang ay dumadagsa roon para ipaiwan ang mga anak na hindi na maasikaso dahil sa kanya-kanya nilang mga trabaho. Karamihan sa kanyang kliyente ay may mga kaya sa buhay.
Bukod sa angking kasipagan ay napakaganda rin ni Hanna na siya namang hinahangaan ng karamihan. Kahanga-hanga naman kasi talaga na nakakaya niyang alagaan ang mga bata kahit na nag-iisa lamang siyang nagpapatakbo ng kanyang negosyo.
Pero sadyang lahat pala talaga ng tao ay may kanya-kanyang sekreto.
Sekretong unti-unting nabunyag nang mapansin ng mga magulang na naging matamlay ang kani-kanilang mga anak.
Naging sakitin.
Nangayayat.
At namumutla.
Ang ibang bata naman ay inireport na nawawala.
Kaya isang araw, nang malaman nilang mangingibang bayan na ang baby sitter ay napagpasyahan na ng mga magulang na kumprontahin ito sa mga nangyayaring kakaiba sa kanilang mga anak.
Ngunit hindi nila inaasahan ang masasaksihan pagdating nila roon.
Maraming katawan ng bata ang nakakalat sa buong center.
At si Hanna!
Huling-huli nila sa aktong pagsipsip ng dugo mula sa leeg ng isang pobreng bata.
"Mangkukulam!" sigaw ng isa sa kanila.
"Halimaw!" sabay dumog ng iba pa nilang kasamahan.
Dahil sa galit ng mga magulang ay walang awa nilang pinagbubugbog ang mangangalaga. Pinahirapan nila ito hanggang sa ito ay malagutan ng hininga.
Huli na para malaman na si Hanna ay may mental disorder at may kakaibang sakit na kung tawagin ay "Vampire Syndrome or Renfield Syndrome*". Isang kakaibang uri ng sakit na kung saan ang isang tao ay nakakaramdam ng pagkatakam o pagkauhaw sa dugo.
Natakot ang mga magulang sa nangyaring krimen kaya naman naisipan nilang itago si Hanna at linisin ang crime scene.
Wala namang iba maaaring pagtaguan kundi ang isang lumang aparador na may katamtamang laki.
Pinagtulungan nilang dalhin ang baby sitter papunta sa aparador.
Ngunit ganoon na lang ang takot nila nang mabuksan nila ito. Nadiskubre nila na sa loob nito ay may isang kahon na naglalaman ng mga bangkay ng mga naireport na nawawalang mga bata.
Labis ang hinagpis ng mga magulang na nawalan ng anak. Dahil sa matinding pagkasuklam ay pinagtatadyakan pa ng iba ang wala na ring buhay na mangangalaga. Isinilid nila ang bangkay sa loob ng lumang kahon at sinimula itong isemento.
Iniwan nila ang bangkay sa loob ng baby center. Kasabay ng pagkalock ng pinto ay naitago din nila ang malagim na krimen ng nakaraan. Dahil sa may mga kaya sa buhay ay ginamit nila ang kanilang kapangyarihan at salapi para pagtakpan ang nagawang karumaldumal na krimen.
Lumipas ang taon. Nabaon sa limot ang masalimuot na pangyayari. Pero isang araw ay napag-alaman na nawawala ang aparador. Naungkat muli ang nakaraang pilit nilang kinakalimutan. Nagsimula ang mga haka-haka tungkol sa pagkawala nito. Ayon sa sabi-sabi'y kinuha daw ng isang mayamang negosyante ang aparador. Mayroon namang kinuha ng isang antique collector. Mayroon naman nakapagsabi ninakaw ang nasabing aparador at kung anu-ano pa. Walang makapagsabi ng totoong nangyayari.
Simula noon ay napabalita na rin ang iba't ibang kakila-kilabot na kakatwang bagay sa bayan ng Olongapo. May mga nakapagsabi na kung kanino raw mapunta ang lumang aparador ay mamalasin habang buhay, na magkakaroon ng isang rare case disease ang kanilang pamilya. Meron naman daw na pagpapakitaan lamang ng isang itim na anino na korteng tao. Sisit-sitan ka nito ng sisit-sitan hangga't sa hindi mo nililingon ang nasabing itim na anino. Ang mas malala na version ay ipapalapa ka ng itim na anino sa mga maliliit na alaga nito na hindi raw nakikita ng isang ordinaryong mga mata.
Ang nakakapagtaka lang ay puros may mga may kaya sa buhay at may kapangyarihan ang mga nagiging biktima ng ganitong pangyayari.
Hanggang ngayon ay pagala-gala pa rin ang aparador para humanap ng hustisya. Ang aparador na nagsisilbing tahanan na ng mga kaluluwang hindi matahimik tulad sa kaluluwa ng baby sitter na si Hanna.
A/N: Hello guys, sorry for waiting. May inuumpisahan kasi akong bagong story, 5 Senses yung title. Soon na po yan, kaya abangan niyo rin po ^_^
Well, ito na po pala yung side story ng Sekreto ng Aparador. More on kwento lang siya. Ha! Ha! Ha! Pagpasensyahan niyo na po kung may mga typo-errors or wrong grammar. :)
*Anyways, According to Wikipedia, Renfield syndrome is an obsession with drinking blood. It was called Renfield Syndrome because it is named after Dracula's human zoophagous follower. It is also known as Clinical Vampirism.
So thank you guys for reading my stories. God Bless us all.
P.S. Ang pagpatay ay hindi kailanman magiging tama. Hindi ito sagot sa pagkamit ng hustisya. Ang Diyos lamang ang huhusga sa ating mga anak niya. Tandaan na ang pagpatay ay isa sa pinakamatinding kasalanan. Kahit sa isip pwede tayong pumatay. Huwag gagayahin ang mga mararahas na salita o maling gawaing naisulat sa aking kwento.
Honestly, I hesistated to continue the story, that's why hindi ako nakapag-update agad.
Achi Enchang is signing off. 'Til next time.
BINABASA MO ANG
Online Horror Stories
HorrorHello! Mahilig ka ba mag online? Tara maglog-in sa mundo ng horror, misteryo at katatakutan!