www.facebook.com (Friend Request)

746 26 2
                                    

Achi Enchang is logging in.

Malamang ikaw na nagbabasa, may facebook account di ba?

Minsan ginagawa mo pa nga itong isang online diary hindi ba?

Kabilang ka ba sa mga taong mahilig mag-status, mag-selfie o groupie with barkada at mag-post online? 

O isa ka sa mga taong mahilig mag-accept sa friend request ng hindi mo kilala?

Friend Request.

Alas-tres ng madaling araw nang magising ako dahil sa lamig ng hangin na nagmumula sa aking bintana. Naiwan ko pala itong bukas kanina pag-uwi ko. Ni hindi na nga ako nakapaghapunan sa sobrang pagod galing sa practice para sa nalalapit na PElympics (PE Olympics) namin next week. 

Ang PElympics ay isang sports event na ginaganap sa aming school. At isa sa requirements ng guro namin ay ang maglaro kahit isang sports lamang. Kaya eto player ako ng volleyball.

Pagkasara ko ng bintana agad akong bumalik sa higaan. Hindi para muling bumalik sa pagtulog bagkus ay para i-on ang laptop na nasa bedside study table ko. Salamat sa libreng wifi ng apartment ko at makakafb na naman ako.

Pagkatapos kong i-open ang account ko ay saglit akong nagpunta sa kusina para kumuha ng makakain sa pridyider.

Habang papunta sa kusina ay nakarinig ako ng isang mahinang kaluskos. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Naulit muli ang kaluskos pero mas malakas na ito kaysa sa una. Ang dali ko yatang nerbiyosin ngayon. Swear! Di na ako iinom ng maraming kape.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nang marating ko ang kusina ay laking gulat ko nang bigla na lamang may tumalong itim na pusa sa aking harapan.

Kinilabutan ako.

Wala naman kasing pusa dito sa apartment. Sa katunayan pa nga'y isa sa mga rules and regulation nitong apartment ang pagbabawal sa pagdadala ng alagang hayop sa loob ng premises.

Lalo pa akong kinabahan nang makipagtitigan lang ito sa akin. Nang makabawi sa pagkagulat ay initaboy ko ito gamit ang walis tambo na nakapa kong nakakalat lang sa may sahig.

Umalis lang ito nang buksan ko ang kumikindap-kindap na ilaw. Nakalimutan ko palang tumawag ng electrician kanina para ipaayos ito. Dahil sa masakit sa mata ang pagkindap-kindap nito ay nagpasya na lamang akong i-off ito.

Dumiretso na lang ako sa may pridyeder para kumuha muna ng maiinom. Feeling ko ay nanuyot ang lalamunan ko sa encounter kong iyon kanina sa pusang iyon.

Pero natigilan ako sa pag-inom nang maramdaman kong 'di ako nag-iisa. Para bang kanina pa may nakamasid sa akin.

Nagsitayuan lahat ng balahibo ko.

At dahil sa konting liwanag na nagmumula sa pridyeder ay napansin kong may itim na pigura ng isang lalaki sa bandang madilim na parte ng kusina. Sa takot ko ay dali-dali akong bumalik sa kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag.

Kinumbinsi ko ang sariling namamalik-mata lamang ako, at wala naman sigurong nakapasok na masamang loob sa apartment. Tutal may harang namang grills 'yung naiwan kong bintana kanina.

Pagbalik ko ay may ilang notifications at isang friend request na akong natanggap. Una kong tinignan lahat ng notifications ko para lang mayamot nang halos puro shares lang ng chibi pictures ang lumabas sa wall ko at mga invites ng mga laro tulad ng clash of clans at candy crush saga. Kaya sunod ko na lang tinignan ang nag-iisang friend request na natanggap ko ngayong araw mula sa isang lalaki.

"Hindi ko siya kilala", sa isip-isip ko nang mabasa ang pangalan ng requester.

Pero tulad ng dati ay ini-accept ko agad ito ng walang pag-aalinlangan. Ni hindi nga muna ako nagbackground check sa profile niya. Para sakin ok na saking makita ang profile picture nito na parang 'di nga matatawag na profile pic dahil natatakpan naman ng mga kamay nito ang mukha nito. Nagulat ako nang agad-agad ay may nagpop up na message mula rito.

"Hi!" bati nito sa chat box. Ika-cancel ko na sana yung chatbox nang muli na naman itong nagsent ng message.

"Salamat sa pag-accept sakin. Pwede ba kitang maging kaibigan?" tanong nito.

"Di pa ba tayo friends?" sarkastikong sambit ko sa sarili. Pero di ko pa rin nirereplyan ang ka-chat.

"Uy..."

"Busy kba?"

"Pwd ka bang maging friend? ---"

"---At makakwentuhan? Kahit sandali lng? Plsss... I just need some1 2 talk 2? Nalulungkot kc aq..." Sunod-sunod na pagme-message nito sa akin.

Patuloy ko pa rin sana itong iignorahin nang magmessage muli ito sa akin.

"Ang galing mo palang maglaro ng volleyball. Pero alam mo di ka dapat umuuwi ng mag-isa. Ang dami pa namang masasamang loob sa panahon ngayon." Ilang minute yata akong di nakagalaw dahil sa nabasa ko.

Nang makabawi ako sa pagkabigla nagtype na ako.

"Hey! What's ur problem man? Are you stalking me? Do I know you?" di na nakatiis na reply ko rito. Pero parang nananadya ito at siya naman ang hindi nagreply.

"Who are u creep & how did you know all of that?" inis na type ko sa keyboard.

Mag-iisang oras na yata pero di pa rin nito sinasagot ang mensahe ko. Sa sobrang inip sa kahihintay ay naglog out na lang ako.

"Tss! Sino kayang loko-loko yun? Lakas ding mang-trip ha!?" asar na sambit ko. Mayamaya ay muli akong nakaramdam ng antok.

Tanghali na nang magising ako dahil sa isang tawag na nagmumula sa isang unregistered number sa celphone ko.

Calling... +639309455666

"Tss! Istorbo naman sa tulog ko!" reklamo ko. In-end call ko lang ito. Nagtakip ako ng kumot at pilit na muling natulog. Pero nasira na talaga ng malakas na ringtone ko ang pagtulog ko kanina.

Nagpasya na lang akong maglog in muli sa facebook account ko. Pero parang gusto ko yatang magsisisi nang makumpleto ang pagload ng apps at nag-aappear ang isang message notification.

Muli akong nakaramdam nang pagkagimbal nang mabasa ko ang reply nito sa message box ko kagabi:

"Nothing, I was just following you and observing you at the gym yesterday. I also followed you until you get into your apartment and I watched you all night while you're sleeping... Sinamahan pa nga kita sa kusina mo eh. Umalis ka naman agad. Di bale, nandito lang naman ako, nasa tabi mo, nagbabantay sayo..."

Labis ang takot ko nang kasunod ng mensahe nito ay ang dalawang litrato ng isang babae.

Ang isa ay litrato nito sa kusina na nakatalikod habang kumukuha ng bottled water sa pridyeder. Habang ang isang litratong kuha nito ay ang mahimbing nitong pagtulog.

At ang babaeng nasa litrato ay ako mismo!

Takot na takot ako. Tatawag na sana ako sa guard ng apartment nang muli itong nagmensahe.

At lalo akong nahintakutan ng kasabay ng pagtunog ng phone ko ay ang pagkabasa ko sa bagong message na nagmumula rito na nagsasabing "And pls... can you answer your phone? Di ba sabi mo naman friends na tayo?"

Napasigaw ako.

Author's Note: Mag-aaccept ka pa ba ng hindi mo kilala sa facebook? Actually I experienced this but not in a creepy way. I don't know kung paano ko naging friend yung foreigner na 'yun. Specifically, isang Nigerian pagkakatanda ko. Pero malamang di ba inaccept ko? I mean, wala kasi akong naremember na may inaccept akong foreigner. Nagcomment ba naman kasi siya sa profile pic ko ng "I can't wait to taste your sexy lips". Maybe sa iba, you will find it flattering, but for me? Hindi. Feeling ko nakakabastos. Hindi naman po masagwa 'yung pic eh. Kaya LESSON LEARNED mga kafacebook. Simula nun di na ako agad-agad nag-aaccept ng mga friend request.

Achi Enchang is signing off. 'Til next time.

Online Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon