www.ayosdito.com (Ang Sekreto ng Aparador)

424 12 0
                                    

Achi Enchang is logging in.

Nasubukan mo na ba magbuy and sell online?

Kung oo, paalala lang...

mag-ingat sa bibilhin,

baka ika'y malasin...

15th day na. Araw ng swelduhan.

Kakawithdraw ko lang sa banko.

Napakasaya ko dahil ito ang kauna unahang sweldo ko sa una kong trabaho.

Kaya nama't naisipan kong ibili ng isang regalo ang aking ina para sa nalalapit nitong kaarawan.

Pero dahil busy ako sa trabaho bilang isang call center agent ay hindi ko na magawang makapag-ikot-ikot sa ibang store para maibili ito.

Kaya naisipan kong maghanap na lang online, na siyang nirekomenda rin ng aking matalik na kaibigang si Liza.

Habang naghahanap sa ayosdito.com, napaisip ako sandali.

Ano nga ba ang regalong tiyak na ikatutuwa ni nanay?

Gadget?

Nah!

Wala namang hilig iyon doon.

Kung damit kaya?

Masyado namang common.

Nagscroll down pa akong muli para makahanap pa ng iba.

At hindi nga ako nagkamali.

Presto!

Alam ko na!

Naalala kong wala pa siyang aparador sa kwarto.

'Ito na lang ang bibilhin ko', mahinang sambit ko habang nakatingin sa mga mapagpipiliiang items.

Pero pagtingin ko sa mga price, halos lahat ay hindi sumakto sa budget ko.

Medyo nanghinayang ako. Bet ko pa naman yung isa doon.

Nagbrowse akong muli.

Dahil sa determinasyong makakita ng mas mura,

Sa wakas!

Nakakita rin ako.

Yun nga lang parang mula pa sa kapanahunan ng hapon ang style ng aparador. Pero dahil sa mukhang maganda naman ito kahit may kalumaan ay nagorder na rin ako. Naniniwala din kasi akong mas maganda ang quality ng mga materyales na ginamit noon.

Ang totoo nga niya'y habang tumatagal ay lalo itong gumaganda sa aking paningin.

Nagbayad ako through my credit card.

Dumating ang birthday ni Nanay.

Nagleave ako ng isang araw na ikinatuwa ni niya.

Nasa kusina kami, nagluluto para sa darating na bisita ni Nanay ngayong gabi nang may magdoorbell.

"Ako na lang nak.." sabi ni Nanay. Pero agad din akong kumontra nang tangkang iiwan na sana niya ang pagluluto. Mukhang alam ko na kasi kung ano iyon.

"Hindi Nay, ako na lang." saad ko na agad nagtatatakbo para di na kami magtalo.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang mukha ng delivery boy na akma pa sanang magdodoorbell muli.

"G-Good Afternoon, Ma'am! K-Kayo po ba si Ms. Flower Gonzales?."

Tumango ako.

"P-pakisign na lang po ito." nauutal na sabi ng delivery boy na animo'y nakakita ng multo.

Online Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon