Achi Enchang is logging in.
"Sawang sawa na akong pinapagalitan.
Pinagtatawanan.
Pinagiinitin.
Kinukutyang salot sa lipunan.
Oo na. Sige na.
Kayo na ang magaling! Ang matalino!
Balang araw hahangaan niyo rin ako.
Balang araw!" punong puno ng galit ang bawat sambit ko ng mga panahong iyon.
Alam kong impossible ngunit hindi ko akalaing dadating nga ang araw na iyon dahil sa isang email mula sa isang unknown address.
From: -------
Dec. 21, 2015
To: Me
Tinuturing ka ba nilang basahan? Walang kwenta? Bobo o mangmang? Gusto mo ba na maging kahanga-hanga sa paningin ng iba? Pwes, babaguhin ko ang buhay mo. Ngunit sa isang kondisyon..."
---O---
"Uy Larry, may project ka na ba?" tanong sa akin ng kaklase kong si Gaby.
"Wala pa." tipid kong sagot sa kanya.
"Naku! Hindi ka na naman magpapasa?! Tsk! Tsk! Tsk!" napapalatak pang ani niya.
Hindi ako sumagot bagkus ay nginisihan ko pa ang loko.
'kung alam mo lang hindi pa naibibigay yung project eh mayroon na akong nagawa. Ha! Ha! Ha!' sa isip-isip ko.
Tumunog na ang buzzer, hudyat na magsisimula na ang susunod na klase.
Prenteng nakaupo lamang ako sa aking kinauupuan habang tinatawag ng aming professor na si Prof. Guevarra ang aking mga kaklase. Isa-isa namang nagsilapitan ang mga kaklase ko para iaabot kay Sir ang folder na naglalaman ng kani-kanilang mga proyekto.
"Soriano." tawag ni Prof. sa apelyedo ko.
Nakita ko nang tumingin sa akin si Gaby nang hindi pa rin ako kumikilos sa kinakaupuan ko. At kitang-kita ko rin ang pagkagulat na bumalot sa kanyang mukha ng makita niyang tumayo ako at may hawak-hawak na puting folder.
"Mukhang nagsisipag ka yata ngayon Soriano?" kantiyaw ni Prof. sa akin.
Nagsitawanan ang mga kaklase ko.
"Kailangan Sir eh." nakangising sagot ko.
"Sige nga, matignan ko nga ang gawa mo." Sabay buklat ng folder ko.
"Aba! Aba! Mr. Soriano, mukhang may itinatago ka naman palang talento at talino sa katawan eh." nasisiyahang sinara niya ang folder na binuklat kanina at pinatuloy na ang pagtawag sa iba ko pang mga kaklase.
Nang matapos ang huling subject kay Prof. Guevarra, agad-agad akong nilapitan ni Gaby at inakbayan.
Kasalukuyan akong nag-lalagay nun ng gamit sa bag.
"Naks pare, ginulat mo ko dun ah. May sakit ka ba?" akmang sasalatin niya 'yung leeg ko kaya agad kong tinabig ang kamay niya.
"Sinapian ka no? Kung ganun nga, di mo na kailangang ipaalbularyo." kantiyaw pa niya sabay tawa.
Iiling-iling kong iniwan sa classroom si Gaby.
Gaby's POV
Lumipas ang mga araw ay naging maugong sa buong klase ang pagbabagong iyon ni Larry.
Lahat ng assignments at projects ay may naipapasa na siya. On time pa. Maging ang mga quizzes at exams ay halos napeperfect na niya.
Kaya ganoon na lang ang pagbantay sa kanya ng aming mga guro at kaklase na nagtataka sa kaniyang malaking pagbabago.
Lalo na ako.
Ako na matagal nang pinangangalagaan ang rango ko. Ako, na ayaw nauungusan ng iba. Lalo na ng isang katulad ni Larry. Ako, na natatakot na mapalitan ang pwesto bilang Top 1 sa klase!
Kaya isang gabi, naisipang kong sundan si Larry pauwi sa kanilang tahanan. Hindi kasi talaga ako kumbinsido na ang kaklase kong iyon ang gumagawa sa lahat ng kanyang mga projects at assignments.
At matindi ang paniniwala kong mayroong nagbibigay rito ng source kaya naman naipapasa at halos napeperfect nito ang ang mga quizzes at exams namin.
Pagkapasok ni Larry sa bahay ay agad na umakyat ako sa may malaking puno ng mangga na sakto namang natapat sa bintana ng kwarto ng kaklase ko.
Alam kong nasa kwarto na si Larry sapagkat kitang-kita ko ang anino nitong nakatayo nang buksan nito ang ilaw sa loob ng kwarto.
Laking tuwa ko na kahit papaano ay may konting siwang ang bintana nito. Sapat para makita ko ang sekreto sa likod ng pagsisipag ng aking hambog na kaklase.
Wala namang kakaiba sa ginagawa nito na nakatalikod sa akin, maliban sa isang bulto ng anino na papalapit rito na siyang ipinagtaka ko.
Papalapit ito nang papalapit!
Nanlaki ang mata ko nang pamansin ko ang dalawang naglalakihan nitong sungay na kitang kita sa ginawa nitong maglapit sa bintana.
At hindi ko inaasahang dumungaw ang anino sa munting siwang ng bintana. Nahintakutan ako nang makita ko ang nalalapnos nitong mukha at amoy patay nitong katawan. Lalo na nang inilabas nito ang nangingitim na kamay na may naghahabaan mga kuko na akma sana nitong ipanghahaplos sa aking mukha. Sa sobrang takot ko ay dali-dali akong bumaba, huli na para mapansin ang marupok na sangang natapakan at lubid na hindi namamalayang naroroon noong una pa lamang.
"Ahhhhh..." Malakas na sigaw ko.
Tug.
Larry's POV
"O, naibigay ko na ang kabayaran para sa unang linggo ng aking kasikatan." tipa ko sa aking keyboard at nangingising sambit habang nakatunghay sa nakalambiting katawan ng kaklaseng si Gaby.
(PNA: Please support my other stories. Thank you!)Achi Enchang is signing off. 'Til next time.
BINABASA MO ANG
Online Horror Stories
HorrorHello! Mahilig ka ba mag online? Tara maglog-in sa mundo ng horror, misteryo at katatakutan!