Achi Enchang is logging in.
Mahilig ka ba manood ng mga viral videos sa youtube?
Hindi ba nakokompleto ang pagi-internet mo kung hindi ka nakakapanood ng videos mula sa site na ito?
Eh paano kung isang araw, video ng kamatayan mo ang makikita mo?
Ikatutuwa mo pa rin ba ang mga malalaman mo?
"Ano ba naman yan! Wala na bang mas itatagal tong internet niyo Manong Obet? Laggers!" naiinis na bulaslas ko nang maglag yung niloload kong video sa youtube.
"Ay Chino, lipat ka na lang dun sa VIP room. Bakante na rin naman doon.
"Sure ka Nong Obet? Walang extra bayad ha? Ha! Ha!" panigurado ko sa kanya.
"Oo naman, basta ikaw. Lakas ka sakin eh." Sagot niya na agad ding nakapagpabago sa mood ko. Kung sabagay, matagal tagal na rin akong suki ng comp shop niyang ito.
Infairness din sa net shop ni Manong Obet, halatang may class pero siguradong affordable naman. Di tulad ng ibang comp shop na, laggers na nga, ang mahal pa maningil para sa isang oras na paggamit ng internet. Tapos bawal pang magdownload kasi baka daw mavirusan. Nagcompshop pa sila?
Kaya di mo masisisi yung mga taong dadayo pa talaga para lang dito maginternet. Lalo na ngayong gabi na, may promo sila.
Anyway, dahil nga sa madaming tao sa regular room kung saan halo ang customer na makikita, medyo bumagal ang speed ng net niya at medyo umingay dahil sa mga naglalaro ng dota. Kaya heto ako ngayon palipat na sa VIP room.
Pagdating ko ay bumungad sakin ang kinse pirasong unit ng PC na nakahilera ng tiglilima.
Medyo nagtaka ako kasi sabi kanina ni Manong na bakante na yung VIP room. Pero nakita ko sa bandang dulo na may babaeng nakaupo doon. Maghe-hello sana ako pero napansin kong tutok na tutok siya sa may screen at mukhang busy. Kaya di ko nlng siya inistorbo.Tingin ko din kasi hindi siya tagarito. at isa pa hindi kasi pamilyar ang mukha niya.
'Baka dayo nga.' naisip ko na lang.
Pinili kong magbukas ng PC sa #9. Bale sa pangalawang hilera ako nakapwesto at nasa bandang dulo din tulad niya.
"Ah sa #5 pala siya nakapwesto", bulong ko bago nagumpisang tumipa.
Una ko munang ginawa ay nagfacebook. Nang magsawa, naisipan kong manood na lang ulit sa youtube.
Sinearch ko yung scare cam compilation na nirecommend ng friend ko kaya ayon, tawa ako ng tawa.
Mukhang di ko naman naistorbo yung babae kaya sumige pa rin ako. Pero mga ilang minuto lang ang itinagal ko at dahil na rin halos parepareho halos yung mga short clips ay nagsawa na rin ako.
Mayamaya lang ay nahigip ng mata ko ang isang video na may title na, "Want to know how you die?" Nacurious ako bigla kaya agad kong pinindot yung play button. Pero bago magstart yung clip ay may lumabas muna na isang warning.
"Do you really want to know how you die? You have 5 seconds to change your mind. If you don't, there's no turning back. Finished it until the end, and no matter what happens, DO NOT CLICK THE CANCEL BUTTON OF THIS VIDEO. Wishing you luck!" Basa ko ng malakas. Di alam kung maeexcite ba o kikilabutan sa warning na ito. Pero nangibabaw pa rin ang excitement.
5...
Curiousity might kill you!
4...
Please if you want to live longer, just click cancel.
3...
I'm begging you...
2...
Here comes the video...
1...
Prepare yourself to die!
Biglang nagblack yung screen.
"Psh.. Ano ba yan! Ayos to ah! Paasa!" Medyo disappointed at naiinip na reklamo ko.
Mayamaya ay muli akong napatingin sa babaeng nakapwesto sa #5. Wala pa rin siyang imik. Ni parang wala ngang ginagawa. Nakatulala lang siya sa may screen. Na parang walang pakialam sa mundo. Di ko naman masyadong makita kung may pinapanood ba siya, nagbabasa, o kung naglalaro ba.
Naputol ng isang nakakarinding tili ang pagtingin ko sa babaeng nasa PC #5. Bumalot ang kilabot sa aking katawan sa narinig.
Hindi ko napigilang mapasigaw sa gulat nang pagbalik ng tingin ko sa screen ay nakita ko ang isang babaeng nakayuko habang mahinang umiiyak.
Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa madilim rin ang spot ng kinuhaang video.
Pero napansin kong kahawig niya yung babae sa PC #5. Kaya balik-tingin ulit ako sa gawi ng babaeng iyon.
Nakaramdam ako ng kaba. Tulad sa video ay nakayuko na rin ang babae na nasa PC #5.
Pinagpawisan ako ng malagkit. Ramdam ko ang biglaang pagiba ng aura ng paligid.
Kaya napagpasyahan kong umuwi na lang at icancel ang panonood.
Icacancel ko na sana pero napatulala ako at hindi makagalaw sa kinauupuan nang bigla itong nag-angat ng mukha.
Nanliliksik ang mga matang nakatitig sa akin!
Bumalot muli ang kilabot sa aking buong katawan.
Dahil...
Hindi ako maaaring magkakamali!
Siya ang babaeng kasama ko ngayon!
Ang babaeng nakapwesto sa PC #5!
Hindi ko maialis ang tingin ko sa may screen ng PC na gamit ko. Natatakot na sa pagtingin ay makumpirma na ang babae sa video at ang babaeng nasa loob ng VIP room na kasama ko ay iisa.
Ngunit pilit akong naglakas loob.
Pero laking gulat ko nang makitang wala na ang babaeng nakaupo doon.
Nadagdagan muli ng pagkatakot ang nararamdaman ko nang bigla ngumisi sa akin ang babae sa video.
Hindi ko na alam kung saan ako babaling dahil sa biglaang paggalaw ng upuan sa PC #5 kahit wala namang nakaupo doon.
Tumayo ang babae sa video paalis sa kinauupuan nito.
Bigla siyang nawala sa video.
Sinubukan kong icancel ang video. Pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Parang may pumipigil sa aking gawin iyon.
Sigaw ako ng sigaw. Pero wala ring boses na lumalabas. Na para bang may tumatakip sa aking bibig para hindi ako marinig ng sino man.
Nagsitayuan muli ang balahibo ko sa katawan at halos maihi dahil sa takot nang maramdaman ko ang paghawak ng isang nilalang sa aking balikat. Pero hindi ko siya magawang lingunin. Naramdaman ko ang buhok nito sa aking mukha. Ang pagdila ng nilalang na ito sa aking tenga. Nakaramdam ako nasakit sa aking leeg ng tusukin niya ito gamit ang kanyang kuko.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko sa video ang mukha ng nilalang.
Naagnas na mukha!
Namumuting mga mata!
Nangingising mga labi!
At hindi siya nag-iisa dahil sa likod nito ay kitang kita ko ang naninising mukha ni Chino.
;)
(PNA: Sa wakas! Natapos ko po ang story na ito. :) Ilang araw ko na kasi itong sinusulat pero di ko matapos tapos. Why? kasi po kinikilabutan ako eh. Ha! Ha! Anyway please read, vote & comment. Thanks KaWattpatid! :)
Achi Enchang is signing off. 'Til next time.
BINABASA MO ANG
Online Horror Stories
HorrorHello! Mahilig ka ba mag online? Tara maglog-in sa mundo ng horror, misteryo at katatakutan!