11

14 3 2
                                    

Maagang nagising si Aries dahil ngayon ang alis niya papuntang Batangas for the long month vacation na binigay sakanya ng nanay niya para kalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanyang buhay, "hijo, handa na ba lahat ang gamit mo?" Tanong ng mama niya habang nakasandal ito sa may pinto ng kwarto

"Yes, ma. Okay na po yung gamit ko"

"Mabuti naman kung ganun, sigurado ka bang koste ang gagamitin mo sa papunta sa lola mo?" Tanong pa nito. Tumango siya at sinuot ang salamin niya, "yes, ma. I'm sure" sagot niya. Ngumiti ito at nilapitan siya, "I know na malalampasan mo rin ang lahat ng ito. It's time para ayusin mo ulit ang sarili mo"

"Yes, ma. I will be fine. Basta kapag may problema kayo dito tawagan nyo agad ako" Tumango ito at niyakap siya nito ng mahigpit, "don't worry about me, anak. Malakas ako! Kakayanin ko ito" sabi pa nito. Ngumiti siya dahil malakas talaga ang fighting spirit nito

Paglabas niya ng bahay, nakita naman niya si Arch na inaayos ang mga gamit niya sa kotse para sa magiging roadtrip niya papunta sa Lola Telma niya, "Arch, bro. Ikaw na bahala kay mama" paalala pa niya. Ngumiti ito at tumango, "sure, ako na bahala kay Madame Jewel" Napatango na lang siya

"Okay, tawagan mo ako kapag nagkaproblema ah at ikaw na muna bahala sa resto" tumango ito at sinarado ang likod ng sasakyan, "makakaasa ka, Aries. Enjoy your vacation"

Napangiti na lang siya at pumasok sa kotse para simulan ang kanyang paglalakbay papunta sa Lola Telma niya na ilan taon din niyang hindi nabisita dahil mashado siyang busy sa pagsusulat. Kaya masaya siya na sa wakas makakauwi na din siya sa Batangas.

Hapon na nung makarating sa bayan ng Lian kung saan nakatira ang kanyang lola Telma. Masaya siyang makita ang payak na pamumuhay ng mga tao sa bayan na ito. Marami na din nagbago sa bayan na ito katulad ng dumami ang mga establishments at iba't ibang klaseng kainan. "Hay, welcome home, Aries nasa Lian, Batangas ka na" bulong niya.

Kaya pinagpatuloy niya ang pagdri drive hanggang sa makita na niya ang bahay na bato na pagmamay-ari  ng kanyang Lola Telma. "OMG! Aries, hijo! Namiss kita" masayang bungad sakanya ng Lola Telma niya at agad siyang niyakap nito, "Namiss din po kita, la"

"Kamusta ka na pala, pagpasyensyahan mo kung hindi ako nakarating sa b—"

"A-Ayos lang po, Lola. Ang totoo po yan kaya nandito ako para ayusin ulit ang sarili ko. Siguro na kwento na ni mama yung nangyari sa Maynila" sabi niya. Tumango ito, "Oo, na kwento saakin ng mama mo. T-Tara, pumasok na tayo para makapagpahinga ka at para matikman ang paborito mong ulam!" Pang-iiba nito. Kaya kinuha niya ang mga gamit niya sa kotse at pagkatapos ay sumunod na siya papasok ng bahay. "Wow, wala pa rin kupas ang ganda nitong bahay! walang pinagbago" 

Habang pinagmamasdan niya ang mga lumang kagamitan na hanggang ngayon ay nasa mabuti pa rin kondisyon, "Syempre, baka magalit saakin ang lolo mo kapag pinabayaan ko itong bahay lalo na ang mga koleksyon niyang lumang paintings" sagot nito. Natawa na lang siya. Napatigil siya nang makarinig siya ng ingay na nagmumula sa likod ng bahay, "Lola, ano po yung naririnig kong ingay?"

"Ah, galing sa planta yung naririnig mo, hijo. Sayang kasi kung hindi ko gagamitin ang lupang iniwan ng lolo mo. Hayaan mo mamaya, ipapakilala kita sa mga trabahador" sabi pa nito. Kaya napangiti siya ng makita ang paborito niyang tapang taal na isa sa mga speciality ng lola Telma niya. "Nako, sigurado akong masarap po ito!" Masayang sabi niya.

"Siya, tikman mo na. I'm sure namiss mo ang tapang taal ko" sabi nito. Kaya agad siyang kumuha ng tapa at agad niya itong sinubo, "wow! Lola, ang masarap. wala pa rin pinagbago yung lasa!" komento pa niya

A Perfect Disaster | ✓Where stories live. Discover now