12

11 3 0
                                    

RING!

Unting-unti niyang minulat ang mata niya dahil sa ingay na nagmumula sa kanyang cellphone kaya agad siyang tumayo para maghanda sa unang araw niya sa palanta. Pagkababa niya nakita niya ang kanyang lola na naghahanda ng kanilang aghan, "good morning, Hijo. Aba mukhang handang-handa ka nang sumabak sa plantasyon ah" sabi pa nito. Kaya napakamot siya ng ulo at umupo sa pwesto niya

"La, madali lang po ba ang trabaho sa planta?"

"Aba'y Oo, mukhang sanay ka naman sa pagbubuhat ng mabbibigat eh" sabi nito. Kaya napalunok siya dahil sa sinabi nito lalo na hindi siya sanay sa mabibigat na gawain pero kung iyon ang nais ng kanyang lola gagawin niya.

"huy! Hijo. Natulala ka na diyan? Biro lang, madali lang ang magiging trabaho mo sa planta. Besides, tutulungan ka ni Dio sa mga trabaho mo eh" sabi pa nito. Ngumiti siya, maya-maya dumating na rin ang trabahador ng lola niya para samahan silang mag-agahan

Pagkatapos nun ay sumama na siya sa mga ito papuntang planta. Hindi niya naiwasan hindi mamangha dahil sa lawak nito na papaligiran ng maraming puno ng coffe fruit, "ano, Sir Aries. Handa ka na bang magtrabaho?" Tanong ni Dio na isa sa mga katiwala ng lola niya

"Yes, ready na ako" sagot niya. Ngumiti ito, "alright, tara na po sa loob" kaya agad siyang sumunod dito papasok ng planta kung saan pino process ang coffee beans into coffee. "Wow, ang laki pala nito" bulong niya. Habang nakatingin sa mga malalaking makinarya

"Dito po tayo, sir" sabi nito. Kaya sumunod siya dito at pumunta sila sa pinakang unang process sa coffee beans, "ahm, sir. Eto po yung first process ng mga coffee beans bago siya maging kape na inimom natin" paliwanag nito at pagkatapos pinakilala siya sa mga babaeng gumagawa dito, "ang sabi saakin ni Madam, dito ka daw muna...since bago ka lang dito. Don't worry, sir. Madali lang po ito"

"Mukha nga, sige. Kaya ko na ito"

"Sige po, maiwan na po kita. Manang Rosie ikaw na po bahalang magturo kay sir Aries kung paano gawin ito" sabi nito. Tumango ito, "sige, ako na bahala kay sir," kaya tuluyan na itong umalis. "Maupo po kayo sa tabi ko, sir" kaya umupo siya sa tabi nito para turuan siya ng mga gagawin. Akala niya madali lang ang trabaho binigay sakanya ng lola niya pero nagkakamali siya dahil mahirap palang magbalat ng coffee fruit, "ayos lang po ba kayo? Sir"

"Ah, yes. Ang hirap po pala nito" ngumiti ito, "nako, sinabi nyo pa pero sanayan lang po ito" sagot nito. Napatango na lang siya at pinagpatuloy ang pagbabalat ng coffee fruit. Napatigil naman yung iba niyang kasamahan ng makita nila si Lola Telma na palapit sa kanilang stasyon, "wow, look at that! Bagay na bagay sayo yang uniform ah. Kamusta? mahirap ba?"

"Hindi naman po, la. Teka ano po pala ginagawa nyo dito?" sabi niya. Ngumiti ito, "syempre, tutulungan kitang magbalat! Baka sabihin ng mama mo pinapahirapan kita dito" sabi nito. Habang nagsusuot guwantes

Kaya napuno ng kwentuhan at tawanan ang kanilang pwesto dahil sa lola telma niya. Masaya siya dahil nakikita niyang close na close ang mga ito. Nawala naman ang ngiti niya ng makita na naman niya ang babaeng nakaputi. "Yna, hija. Kamusta?!"

"Hello po, Lola Telma! Eto, maganda pa rin"

"Ayan, ayan ang gusto ko! Siya nga pala, bakit ka nandito? Hinahanap mo ba mama mo?" tumango ito at ngumiti, "Ah, nasa taniman siguro. Nga pala nakalimutan kong ipakilala sayo ang apo ko si Aries. Hijo, si Yna anak siya ng isa sa mga katiwala dito" pakilala nito. Napatango ang dalaga at nilahad ang kamay nito na...agad naman niyang tinanggap ang kamay nito

"Nice meeting you, sige po puntahan ko lang po si mama" sabi pa nito. Bago ito tuluyan umalis habang ay hindi pa rin maalis ang tingin nito sa dalaga. "huy, Aries. Anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo?!"

A Perfect Disaster | ✓Where stories live. Discover now