Tahimik ang buong silid ni Aries nung umagang yun dahil ngayon lang ulit niya mahahawakan ang kanyang laptop. Kaya maghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya ngayon
Kaba, dahil sa tagal niyang tumigil sa pagsusulat dahil sa nangyari trahedya at issue kinasangkutan niya bago siya pumunta sa Batangas at excitement dahil magkakasama sila ni Yna nang mahabang oras. "Woah, kalma! Aries everything is gonna be alright. Magiging masaya ang writing process nyo ni Yna" bulong niya sa sarili.
Napatigil naman siya ng makarinig ng katok sa pinto, "Aries, hijo! Nandito na si Yna, hinahanap ka na niya" kaya huminga muna siya ng malalim. Bago siya nagpasya bumaba kung saan nakita niya si Yna na kausap ang Lola Telma niya, "oh, heto na pala si Aries! Maiwan ko na kayo" sabi ng lola niya. Sabay tapik sa balikad niya
"So, ready ka na bang magsulat?"
"Ahm, kinakabahan ako eh!" Sabi nito. Kaya napangiti siya at inakbayan niya ito, "normal lang yan, Yna. Don't worry ako bahala sayo hmm...dala mo ba yung notebook mo?" Sabi niya. Habang papunta sa likod bahay dahil tahimik at wala mashadong tao doon... perfect para makapagsulat, "ah, yes. Dala ko"
"Good, akin na... Alam mo kasi may naisip akong bagong plot para sa story mo! Mahilig ka ba sa relationship goals na story?" Sabi nito. Habang binubuksan niya ang laptop na gagamitin nila, "ah, medyo? Sa tingin mo ba talaga papatok itong story na ito?"
"Yes, syempre sa umpisa mahirap pero kapag nagustuhan ng mga readers ang story mo. Sigurado akong may chance kang makilala and besides, hindi tayo nagsusulat just for fame...nagsusulat tayo dahil yun ang gusto natin at yun ang binigay na talent ni Lord" paliwanag nito. Sabay kindat kaya napailing ito
"Infairness, may word of wisdom ka palang tinatago ah" pang-aasar nito. Kaya napakamot na lang siya ng noo, "naman, anyway here's the outline na ginawa ko yan last night. Eto yung magsisilbing guide natin habang nagsusulat tayo" sabi nito. Habang pinapakita ang detailed outline na naisip nitong plot na nakapaskil sa screen niya ng laptop, "wow, hindi ko alam na ganito ka pala kabongga gumawa ng outline"
"Well, ever since ganito na talaga akong gumawa ng outline dahil gusto ko ready na ang lahat bago ako magsulat para kapag nawala yung flow ng story titignan ko na lang siya" paliwanag niya. Tumango na lang ito habang nakatingin sa screen ng laptop niya
"At sa tingin ko, mukhang marami tayong paiiyakan na mga readers" tamad nitong sabi. Napangiti siya at tumingin rin sa screen ng laptop, "yes, your right. Light pa nga yan eh! Kumpara sa mga sinusulat kong mga story"
"Wow, LIGHT?!"
"Oh, magsimula na tayo. Makinig ka na" pang-iiba niya. Kaya napasimangot ito at tumingin na lang ulit sa screen at nagsimula na siyang i-discuss ang detailed plot na naisip niya. "Diba, pwede akong pumili ng name ng character ko?" tanong nito. Tumango siya
"Ofcourse! This is your story, ang trabaho ko lang naman ay ayusin at i-guide ka" paliwanag pa niya. Kaya abot langit ang ngiti nito, "so, kailan natin sisimulan ito?" Tanong pa nito
"I think by next week? Or pwede din ngayon kung gusto mo" sagot nito. Kaya napabuntong hininga ito, "hmm, next week na lang. Babasahin ko muna itong detailed plot mo para sa susunod na writing schedule natin marami na akong ideas" sabi pa nito. Habang nakalumbaba sa mesa at binabasa nang maigi ang plot na sinulat niya
Napatigil naman sila nang marinig nila ang tawag ni Lola Telma nila habang may dala itong pagkain para sakanila, "oh, kumain muna kayo para marami kayong energy para magsulat" masayang nitong sabi. Sabay lapag ng tray ng mesa
"Salamat po, Lola Telma"
"Walang anuman, siya ubusin nyo na yan" huling sinabi nito. Bago tuluyan umalis, "ang bait talaga ng lola mo no" sabi pa nito. Habang nilalantakan nito ang champorado na binigay ng Lola Telma niya, "sinabi mo pa! Eversince siya ang naniniwala saakin na kaya kong umangat bilang isang sikat na writer. Si lola din ang isa sa mga taong sumusuporta saakin"
"Hmm, matanong ko lang...bakit ka nandito? I mean kung okay naman pala ang writing career mo sa Manila?" Sabi nito. Kaya napatigil siya ng pagkain, "okay ka lang ba? Kung ayaw mo naman mapagusapan ok—"
"May nangyari kasing hindi maganda sa Manila. Naakusahan akong nangopya ng gawa ng iba. Nasira ang pangalan na pinaghirapan ko. That's why I'm here" kwento nito. Habang inuubos ang champorado, "sayang naman, so ibig sabihin pati yung story na sinulat mo naepektuhan dahil sa issue mong yun"
Tumango siya, "pero, mabuti na lang. Hindi ako pinabayaan nung publishing house na humawak saakin at nilaban nila ang kaso ko at sa awa naman ng diyos. Kami ang nanalo sa kaso pero pinili ko pa rin pumunta dito para magpahinga sandali. Alam mo naman hindi madali bumalik ulit sa pagsusulat lalo na't hindi biro yung pinagdaanan ko" paliwanag pa niya. Napatango na lang ito at ngumiti
"Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ganito ka-light yung gusto mong gawin dahil naiisip mo yung mga pinagdaanan mo from the past month nung nandoon ka pa sa Maynila" sabi pa nito. Kaya napatingin siya sa babae, hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang lungkot. Sigurado nga hanggang ngayon naiisip pa rin niya si Ava
"Oh, anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Pero wala ito nakuhang sagot mula sakanya at nagulat ito ng bigla na lang niya niyakap ang babae, "hey, Aries. Okay ka lang ba? May nasabi ba akong hindi mali" dagdag pa nito. Habang tinatapik nito ang likod niya
Kaya mas lalo siyang napaiyak, "sorry, nalulungkot lang kasi ako everytime na naalala ko yung nangyari saakin nung mga nakaraan mga buwan" naiiyak niyang sabi. Habang nakayakap pa rin siya sa babae
"Hindi ko alam na ganito ka pala kaiyakan" pang-aasar nito sakanya. Kaya natawa na lang siya ng kaunti at kumalas na siya sa pagkakayakap, "sorry talaga, Yna. Nakita mo pa akong umiyak...nakakahiya" sabi pa niya. Habang pinupunasan niya ang luha niya sa pisngi nang marinig niya ang tawa nito
"Saakin ka pa talaga, nahiya ah"
YOU ARE READING
A Perfect Disaster | ✓
De TodoAries Enrile is suddenly a famous author. He is happy because he has fulfilled his long-time dream but... his life changed because of a tragedy. and he went in Batangas. Where he meets Yna Chekhov who is a wanna be writer. And even more surprising...