Napansin ni Aries ang pagiging tahimik ni Yna mga nakaraan linggo. Hindi niya alam kung bakit naging ganun ang timpla ni Yna.
"Nanay Mila, may nasasabi ba sainyo si Yna?" Tanong niya. Habang nag-aayos siya ng mga upuan, "katulad ng...wala naman siya nasasabi problema. Bakit nag-away ba kayo?" Umiling siya habang nakatingin kay Yna na busy sa pag-aayos sa counter. "Hindi nga po alam kung bakit nag-iba yung pakikitungo niya saakin. Okay naman po kami nung nakaraan sabado"
Kaya tinapik nito ang balikad niya, "ganyan talaga ang mga babae. Baka nagtatampo lang siya o ano. Hayaan mo, kakausapin ko siya mamaya" sabi nito. Napangiti na lang siya at tumingin ulit siya sa gawi ni Yna at nagulat siya nung nakatingin din pala ito sakanya
Kaya sinubukan niya itong kausapin pero parang nakikipagusap siya sa hangin at hindi siya nito pinapansin. Kaya kahit blangko siya sa dahilan, pinipilit niya pa rin itong suyuin.
"Yna, akin na...ako na magbubuhat yan" sabi niya pero nilagpasan lang siya nito at diretso lang ito sa storage room kung nakalagay ang supplies ng coffee shop. "Yna, please, kausapin mo naman ako" kaya napatigil ito sa paglalagay ng box at seryoso itong tumingin sakanya. "Kesa kulitin mo ako, tulungan mo na lang si Nanay Mila. Maraming customer sa labas"
"Ano ba ginawa kong mali para hindi mo ako pansinin. Okay naman tayo nung nagsulat tayo ng remaining chapter ng faded memories" sabi niya. Kaya napabuntong hininga ito at inayos ang mga nakakalat na box, "wala tayong problema, Aries. Marami lang ako iniisip"
"Talaga? Wala talaga?"
Tumango ito, "bumalik ka na doon at tulungan mo si Nanay Mila" sabi nito. Kaya wala siyang nagawa kundi bumalik sa pwesto kung saan nagseserve pa rin si Nanay Mila. "Nay, ako na po diyan. Doon na lang po kayo sa loob"
"Nako, salamat. Nagusap na ba kayo ni Yna?" Tumango siya at ngumiti, "mukhang kailangan ko pa rin siyang suyuin pero okay lang po yun. Mahal ko po eh" sabi niya. Habang nagseserve sa ilan nila mga customer
"Lalambot din ang puso nun. Nga pala nakausap ko pala lola mo, sabi niya, uuwi ka na raw sa Manila sa makalawa" tumango siya at napakamot siya ng ulo, "oo nga po, kailangan ko po kasing bisitahin si mama... nag-aalala po kasi ako sakanya" sabi niya. Ngumiti ito
"Siya, i kamusta mo na lang ako sa nanay mo. Nga pala, bukas na pala ang birthday ng lola mo. May regalo ka na ba?" Kaya napatigil siya sa pag-aayos ng pinagkainan at tinignan niya ang phone niya kung saan nakalagay ang birthday ng lola niya. "Shocks, nakalimutan ko!"
"Hayaan mo, tutulungan kita...kakausapin ko yung mga kumare namin. After natin magsara pumunta kayo ni Yna sa tindahan ng cake at bumili ka na rin ng regalo mo" sabi nito. Ngumiti siya at tinapos ang ginagawa niyang pag-aayos ng upuan. Sakto naman kakatapos lang ni Yna sa pag-aayos ng supplies sa storange room. "Yna, may gagawin ka ba mamaya?"
"Wala, bakit?"
"Pwede mo ba akong samahan bumili ng cake? Birthday kasi ni lola bukas" sabi niya. Tumango ito at bumalik sa counter para mag-ayos din dahil ilan oras na lang magsasara na sila.
RAMDAM niya ang kakaibang tensyon sakanilang dalawa habang naglalakad papuntang bilihan ng cake. Napabuntong hininga na lang siya at pumasok sa store. "Sa tingin mo, anong mas masarap na flavor?"
"Mocha, ayan ang favorite ng lola mo"
"Okay, isang mocha"
Pagkatapos pumunta sila sa bookstore para bumili ng regalo dahil katulad niya, mahilig din magbasa ang lola niya. "Our story? Diba libro mo ito?" Sabi nito. Habang sinusuri nito ang pambalat ng libro. "Yes, release pala nila ulit" habang nakatingin siya sa stante kung saan nakalagay ang sinulat niya
"Balang araw, makikita din ang faded memories sa stanteng yan" sabi pa niya. Kaya napatingin sakanya si yna, "sa tingin mo?" Tumango siya, "oo naman, galing kaya ng sumulat nun. Hayaan mo kapag natapos natin yun...ipapasa agad natin kina Charlotte. I'm sure magugustuhan nila yun" ngumiti ito
"Excited na ako matapos natin yun"
"Me too, excited na rin ako"
KINABUKASAN, maaga nilang inayos ang kanilang suprise party sa lola telma niya. Syempre present mga kaibigan nito at trabahador sa planta. "Okay na po ba ang lahat? Gigisingin ko na po si lola"
"Oo, hijo. Pababain mo na ang lola mo para makapagsimula na tayo" kaya agad niyang pinuntahan sa kwarto ang lola niya kumg saan nakita niya itong nag-aayos ng buhok. "La, bumaba po na tayo"
"Okay na ba ang buhok ko?" Tumango siya at inalalayan niya ito pababa ng hagdanan kung saan naghihintay sakanila ang trabahador at kaibigan nito. "Happy birthday! Lola Telma"
"Omg! Thankyou, akala ko nakalimutan mo na ang birthday ko" naiiyak nitong sabi. Napangiti siya at pinunasan niya ang luha nito sa pisngi, "makakalimutan ko ba ang birthday ng paborito kong lola. Happy birthday, la!"
"Manang-mana ka sa mama mo, bolero!"
"Ilove you po, la. Wish ka na po"
"Ang wish ko, maging masaya ka, Aries at salamat dahil kasama kita sa birthday ko. Ilove you more, hijo" sabi nito. Sabay halik sa pisngi niya, "happy birthday ulit, Lola Telma"
"Salamat, salamat. Siya, kumain na tayo" at nagsimula na ang masayang party. Dumating rin ang ilan relatives nila kaya parang naging mini-reunion. "Omg! Aries, mabuti naman at nandito ka! Namiss ka namin" sabi ni Tita Ester kasama ang dalawa niyang pinsan
"Mabuti na lang at sumama ako dahil nakilala ko na si SimounIbarra" singit ng kaibigan niyang si Agnes, "shems, Agnes! Hindi kita nakilala...mas lalo kang gumanda!"
"Tama si nay Telma, bolero ka pa rin! Kamusta ka na, balita ko ikakasal ka na!" Sabi nito. Kaya bigla siyang napatigil habang puso niya ay walang tigil sa pagtibok ng mabilis. "H-Hindi n-natuloy...ano k-kasi si Ava...ano"
"Ano?"
"Agnes, hija. Nakwento ko na sayo diba" bulong ni Tita Ester. Kaya agad itong humingi ng tawad, "nako, sorry, Aries. Nakalimutan ko. Alam mo kasi ang dami kong iniisip ngayon. Sorry talaga" ngumiti lang siya
"It's okay, Agnes. By the way may ipapakilala ako" sabi niya at agad niyang hinila si Yna na busy kumain ng shanghai, "Tita, Agnes. Si Yna my girlfriend" at nakita niya ang pagkagulat ng mga ito nung makita si Yna. "Akala ko ba..."
"N-Nice to m-meet you po"
"Kapatid ka ba ni Ava?"
"P-Po?"
"Lola, Tita, Agnes. Excuse me" seryoso niyang sabi at hinila niya papalabas si Yna, "ano yung sinasabi nila? Sino si Ava?" Tanong nito. Kaya napabuntong hininga siya at tinanggal niya ang ilan butones ng polo niya dahil sa kabang nararamdaman. "Aries, sumagot ka! Sino si Ava? Bakit ganun na lang ang reaksyon nila nung makita ako?"
"She's my ex-girlfriend, ikakasal na sana kami pero namatay siya sa plane crash nung last September 9. Siya ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa Batangas" paliwanag niya. Habang hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil alam niyang masasaktan niya ito. "So, tama pala ako. Girlfriend mo yung babaeng nakita ko sa laptop mo...sa files mo. Yun ba ang dahilan kung bakit mo ako minahal dahil nakikita mo siya saakin"
"Dahil kamukha ko ang namatay mong girlfriend?" Naiiyak nitong sabi. Habang unting-unti bumubuhos ang ulan na mas nakakadagdag ng bigat nang kanilang damdamin. "Talaga ngang hindi pa kita lubos na kilala, Aries. sana pala hindi ako nagpa-uto sayo!"
"Yna, mahal kita at totoo yon!"
"No, Aries, hindi mo ako mahal dahil nakikita mo si Ava saakin...nakikita mo ang girlfriend mo saakin" sabi pa nito. Umiling siya at sinubukan pa niyang hawakan ang kamay nito pero nakatanggap siya ng sampal. "I hate you, Aries! Pinuputol ko na ang ugnayan natin dalawa... I'm breaking up with you"
YOU ARE READING
A Perfect Disaster | ✓
De TodoAries Enrile is suddenly a famous author. He is happy because he has fulfilled his long-time dream but... his life changed because of a tragedy. and he went in Batangas. Where he meets Yna Chekhov who is a wanna be writer. And even more surprising...