"I love you too, Aries"
Halos mabingi si Aries dahil lakas ng tibok ng puso niya dahil sa sinabi ni Yna. "P-Paki ulit nga y-yung sinabi m-mo?" Nauutal niyang sabi. Napangiti ito at nagulat siya nung biglang itong lumapit sakanya, "ang sabi ko... Ilove you too, Aries. Mah—" hindi na niya ito pinatapos at agad niya itong hinalikan
"Ilove you more, Yna" sabi niya. Habang nasa gitna sila ng mainit nahalikan. Masaya naman siya nung makita niya ang ngiti nito sa labi.
MATAPOS ang araw na yun ay mas lalong naging sweet sa isa't isa sila Aries at Yna. Masaya din sila nung nakabalik na si Nanay Mila mula sa mahaba nitong pahinga. "Mabuti po at nakabalik na po kayo, Nanay Mila"
"Kaya nga, namiss ko kayong dalawa! Pati na rin ang Cafe" sabi nito. Habang umiinom ng iced coffee na ginawa ni Aries. "Namiss din namin kayo, nay. Kamusta na po ba lagay nyo?"
"Sa awa naman ng diyos, umokay na ang pakiramdam ko. Kaya makakatulong na rin ako sainyo" sagot nito. Kaya napangiti si Yna at niyakap niya ito, "matanong ko lang, kayo na bang dalawa?" Kaya nagkatinginan silang dalawa dahil sa biglang tanong ni Nanay Mila
"Hard ba yung question ko at hindi nyo masagot" sabi nito. Habang nakataas ang kilay nito, "yes po, nay, kami na po" sabi ni Aries. Kaya halos lumundag ito sa tuwa sa naging sagot niya. "Wow, mabuti naman! Masaya ako para sainyo. Alam kong hindi mo sasaktan itong si Yna at kung may problema kayo...wag kayong magsabi saakin hmm"
"Opo, nay"
At pinagpatuloy na nila ang kanilang pagbubukas ng cafe dahil dumadami na ang mga tao naka abang sa pagbubukas nila. "Mabuti pala at pinayagan kitang pumalit sandali saakin. Tignan mo ang daming tao!"
"Masarap po kasing gumawa ng kape si Yna" sabi niya. Habang inaayos niya ang apron at sumbrero, "nako, ikaw lang pinupuntahan ng mga yan!" Singit ni Yna. Habang busy ito sa pag prepare ng mga orders
"Selos ka naman" sabi nito. Napairap ito at nagserve na lang sa mga tao. "Ang cute nyong dalawa!" Singit ni Nanay Mila. Habang nakaupo sa harapan ng counter at kumakain ng cake, "ano ba, nay, kami lang ito" pabiro niyang sabi
"Maiba ako, nabalitaan ko na nasa hospital ang mama mo. Ano ba sakit ng mama mo?" Tanong nito. Kaya napabuntong hininga siya dahil matagal na niyang hindi nakakausap ang nanay niya. "C-Cancer, ang totoo po yan hindi ko pa po nakakausap si mama. Ayaw niya po sagutin yung mga tawag ko...nag-aalala na nga po sakanya" lungkot niyang sabi
"Kilala mo naman nanay mo, ayaw ka niyang makitang malungkot. Mukhang ayaw ka rin yang abalahin" sabi nito. Tumango siya at napabuga na lang ng hangin, "Mas lalo po akong nag-aalala sakanya, mabuti na lang talaga kasama niya si Arch doon at kahit paano ina-update niya ako sa kalagayan ni mama" paliwanag niya. Kaya tinapik siya nito sa balikad
"Malakas ang mama mo. Kaya alam kong malalampasan niya yung sakit niya" sabi nito. Napangiti siya at pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.
Kaya nung lunch break agad niyang tinawagan si Arch para kamustahin ang kalagayan ng ina. "Hi, Arch. Sorry kung ngayon lang ako nakatawag...kamusta si mama?"
"it's okay, bro, I understand. Okay naman si Madame" sabi nito. Kaya napabuntong hininga siya dahil parang may tinatago ito sakanya, "Arch, pwede ko bang makausap si mama?"
Kaya narinig niya ang pagtatalo nito sa kabilang linya. "Anak, okay lang si mama. Wag mo na akong intindihin" singit nito. Napabuga na lang siya ng hangin dahil sa nararamdaman niyang bigat sa dibdib. "Sa makalawa uuwi na ako diyan, tatapusin ko lang yung ginagawa ko dito" sabi pa niya. Narinig pa niya ang angal ng nanay niya pero desidido na siyang umuwi dahil alam niyang may tinatago ito.
"Hey, okay ka lang?" Tanong ni Yna. Habang may dala itong buko juice, "yea, okay lang ako. May naiisip lang ako" seryoso niyang sabi at pinagpatuloy niya ang pagkain niyang wala pang bawas. "Pwede ka naman umuwi sa Manila, alam kong namimiss mo na ang mama mo. Ako na bahala sa sinusulat natin"
Umiling siya at hinawakan niya ang kamay nito. "Uuwi ako ng Manila kapag natapos na natin yung faded memories. Ayoko iwan kita ng basta-basta" sabi nito. Sabay halik sa kamay nito, "okay, sabi mo yan. Ilove you!"
"Ilove you more, Yna" sabi niya. Sabay halik sa noo nito. Kaya nakarinig nanaman sila ng reklamo sa tindera ng lomihan.
Kaya pagkatapos nilang kumain bumalik agad sila sa Cafe. Medyo nagulat pa nga si Yna nung marinig niya ang favorite song niyang Lover. "Sinong nagpapatugtog nun? Ikaw ba?"
"Ang alin?"
"Yung kanta ni Taylor...yung lover"
Napangiti ito at tinuro nito ang katabing store. "Doon, doon sa kalapit natin store" sabi nito. Habang sumasayaw ito dahil sa lakas ng tugtog. "Anong ginagawa mo? Tumigil ka nga"
"Bakit? Ang ganda kaya..." Sabi nito at nagulat siya nung hapitin siya nito at pilit siyang sinasayaw. "Aries, tumigil ka! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" Bulong niya pero hindi ito nakinig at patuloy pa rin ito sa pagsasayaw
"Hayaan mo silang tumingin, Yna" kaya wala siyang nagawa kundi sabayan ang trip nito at hinayaan niya itong isayaw siya na para bang silang dalawa ang tao. "Masaya ako at nakilala kita, tinuruan mo ako kung paano mabuhay ulit" bulong nito. Habang patuloy pa rin sila sa pagsayaw
"Thank you rin dahil naniwala ka saakin na kaya kong maging manunulat. Kung hindi dahil sayo baka...ano na nangyari sa writing journey ko" sabi niya. Natawa ito at hinila siya nito papunta sakanya, "ilove you, Yna"
"Ilove you too, Aries"
Napatigil naman sila nung marinig niya ang palakpak ng kapatid niyang si Ysabella na nakakauwi lang galing school. "Talaga naman, hindi ako na inform na meron pala kayong sweet dance number" biro nitong sabi. Kaya natawa na lang sila, "eto kasing kuya mo!"
"Sorry, na carried away lang"
"Ganyan ba talaga kapag inlove, kumokorni" kaya napailing sila at binigyan nila ito ng iced coffee, "medyo, sooner or later mararanasan mo rin ang ma-inlove" sagot ni Aries
Napailing ito, "mukhang ayoko na" natawa na lang sila at pagkatapos ay sinarado na nila ang Cafe. "Hatid ko na kayo, mahirap na maraming loko-loko ngayon" sabi nito. Kaya tinaasan niya ito ng kilay. "Sigurado ka?"
Tumango ito at kinuha agad nito ang bag niya, "since official na tayo, gusto kong makausap si tita about saatin" seryoso nitong sabi. Kaya wala nagawa si Yna kundi payagan si Aries
"PAALALA ko lang, kuya Aries. Masamang magalit si mama, kaya hinay-hinay lang sa pagsasalita at magulat yun" sabi ni Ysabella.
Tumango siya, "salamat"
At wala pang isang oras, narating na nila ang bahay kung saan nag-aabang ang nanay nila Yna at Ysabella. "Good evening po, tita"
"Aries, kayo pala yan. Halika po at pumasok kayo" sabi nito. Kaya pinauna niyang pinapasok sila Yna bago siya pumasok sa bahay kung saan nakita niya ang picture na nakasabig sa ding-ding. "Aries, hijo, kumain na ba kayo?"
"H-Hindi pa po"
"Sakto, luto na yung hapunan. Halika at kumain ka na muna bago ka umalis" kaya wala siyang nagawa kundi sabayan kumain sila Yna, "masaya ako at nakasabay ka namin kumain, hijo...kaya kain ka lang ng marami"
"S-Salamat po, tita"
"Ma, meron pong sasabihin si kuya Aries!" Singit ni Ysabella. Kaya napatigil si Yna sa pagsubo dahil sa sinabi ng kapatid niya, "ano ba yung sasabihin mo saakin, Aries?"
"Ahm, tita..."
"Hmm?"
"K-Kami n-na po ni Y-Yna" nauutal niyang sabi. Bakas sa mga mata nito ang pagkagulat dahil sa sinabi niya. "Seryoso? Kayo na ng anak ko?" Tumango siya at hinawakan niya ang kamay ni Yna. "Hindi naman ako tutol sa relasyon nyo, mukhang naman mahal na mahal mo si Yna. Ang akin lang...wag mo sanang saktan ang anak ko" seryoso nitong sabi. Napangiti siya
"Makaasa kayo sakin, tita. Salamat po!"
"Good, siya, kumain na tayo"
YOU ARE READING
A Perfect Disaster | ✓
De TodoAries Enrile is suddenly a famous author. He is happy because he has fulfilled his long-time dream but... his life changed because of a tragedy. and he went in Batangas. Where he meets Yna Chekhov who is a wanna be writer. And even more surprising...