Walang tigil sa pagtunog ang alarm clock niya pero hindi pa rin tumatayo si Aries at nakatingin lang ito sa kisame ng kwarto nila. Mabigat ang feeling niya ngayon dahil nakailan inom siya ng beer kahapon habang pinanonood ang mga videos na kuha nila tuwing may special occasion silang i-celebrate
Napatingin naman siya sa side ng kama at napangiti siya ng makita niya ang natutulog nitong mukha pero...agad din itong mawala kaya napabuntong hininga siya at tumayo na lang para mag-agahan. Nagulat naman siya ng makita niya ang mga nakakalat na bote sa sahig at mga balat ng sitserya sa mesa
"Aries, linisin mo ang kalat mo! Alam mo naman na ayoko ng madumi!" Sermon nito. Habang pinupulot ang lahat ng balat ng sitserya at nilagay ito sa basurahan at saka ito ngumiti, "there malinis na!" Dagdag pa nito. Kaya kinusot niya ang mga mata niya at tumingin ulit sa basurahan pero wala na ulit ito
"Come on, Aries. Gumising ka sa katotohanan! Wala na siya... she's gone!" Bulong niya. Kaya daling-dali siyang pumunta ng kusina para uminom ng kape. "Aries, love! Look at me!"
Kaya napatigil siya sa pagsasalin ng mainit na tubig at unting-unti siyang tumingin dito at napatulala siya ng makita niya ang suot nitong dress, "hey! Bagay ba saakin yung bagong bili kong dress?" Tanong nito. Kaya unting-unti tumulo ang mga luha niya dahil ang suot nito ay ang binili niyang dress para sa burol nito
"Ava, stop! Wag mo naman akong pahirapan ng ganito! Paano ako makakamove on kung lagi kang magpapakita saakin!" Naiiyak niyang sabi. Habang nakatingin siya sa bulto nito na unting-unti nawawala, "I hate this place!"
Habang patuloy na dumadaloy ang luha niya sa pisngi niya. Napatigil naman siya nang marinig niya ang katok sa pinto kaya inayos niya muna ang kanyang sarili bago niya binuksan ang pinto, "Hi! Good morning" masayang sabi nito. Habang kasama nito ang assistant nitong si Daniel, "o-oh, morning. p-papasok na kayo" sabi niya. Kaya napangiti yung dalawa at pumasok na sa kanyang bahay
"Dinalhan ka n—woah!"
Kaya napakamot siya ng ulo at inayos ang mga nakakalat na bote ng beer sa sahig, "sorry s-sa kalat, nakalimutan ko palang a—" naputol ang sasabihin niya ng makita niya si Daniel na tinutulungan siyang pulutin ang mga bote
"Ako na bahala dito, Aries. Maupo ka na lang sa tabi ni Charlotte" sabi nito. Kaya lihim siyang napangiti at agad nagpasalamat kay Daniel at umupo sa tabi ni Charlotte, "Ang sipag ng boyfriend mo ah" sabi niya. Kaya napangiti ito, "nako, ganyan talaga yan. anyway, Kamusta ka na? Yung last time ka namin nakita nung libing ni Ava" sabi pa nito.
"Hindi pa rin ako okay, Charlotte. Palagi ko siyang nakikita. How can I move on kung kahit saan ako tumingin dito sa loob, eh nakikita ko siya!" sabi niya. Kaya tinapik siya nito sa likod, "I know your pain, Aries. Kaya nga nandito kami para damayan ka" sabi nito. Ngumiti siya
"Tama si Charlotte, Kaya ipagluluto kita ng favorite mong pagkain para kahit papaano gumaan yung pakiramdam mo" singit nito. Habang nagsusuot ito ng apron.
Napangiti siya, "s-salamat sainyo, guys. Sigurado kung wala kayo baka nagmumukmok lang dito" sabi niya. Kaya napangiti yung dalawa, "wala yun, Aries. gusto ka lang namin tulungan kaya wag ka nang umiyak diyan!"
"Yea, bakit kaya hindi mo ikwento kay Charlotte yung love story nyo ni Ava para kahit papaano eh gumagaan yung pakiramdam niya mo" singit nito. Habang naghahanda ito ng mga ingredients kaya napangiti siya at tumingin kay Charlotte, "curious din ako kung paano nagkakilala ni Ava" sabi nito. Napabuntong hininga siya at nilabas ang isang photo album
"I meet her when I was college student. lagi kasi akong tumambay sa coffee shop ni Nanay Stella tuwing hapon dahil doon ako minsan nagbabasa ng mga libro habang siya naman ay waitress siya doon"
YOU ARE READING
A Perfect Disaster | ✓
De TodoAries Enrile is suddenly a famous author. He is happy because he has fulfilled his long-time dream but... his life changed because of a tragedy. and he went in Batangas. Where he meets Yna Chekhov who is a wanna be writer. And even more surprising...