14

12 2 0
                                    

Nagising si Aries dahil sa ingay na nagmumula sa baba kaya agad siyang bumaba para malaman kung sino kung sino ang kausap ng lola niya, "seryoso ka ba sa sinabi mo? Hija" tanong nito sa babaeng busy sa paghihiwa ng hotdog, "opo, seryoso po ako, Tita"

Napangiti na lang siya ng marinig niya boses ng babaeng kausap ng Lola Telma niya. Kaya sumandal muna siya sa pader habang pinapanood niya ang dalawa nagluto.

"Hija, salamat nga pala sa pagtulong mo saakin ah" sabi nito. Kaya napangiti ito, "wala pong anuman, Tita. Matanong ko lang po, anong oras po ba gumising si Aries?"

"Ah, si Aries. Nako mukhang mamaya pa yun gigising dahil mukhang napagod ata yun sa paglilibot kahapon" sagot nito. Habang nagluluto ng fried rice, "ah, ganun po ba mukhang mamaya ko na lang ibibigay ito"

"Ano ba yan?"

"Ah, y-yung polo shirt niya po ito. Natapunan ko po kasi siya ng iced coffee kahapon" paliwanag nito. Tumango lang ito, "kaya pala, iba ang suot niya" bulong ng Lola Telma niya

"Ehem, mukhang ako ang pinaguusapan nyo" singit niya. Kaya agad napaiwas ito ng tingin at bumalik sa pagluluto, "mabuti naman at gising ka na maraming gagawin sa planta" sabi pa nito. Napangiti siya at lumapit sa gawi ni Yna, "Anong niluto mo?"

"Ahm, fried rice, hotdogs and eggs. Saka e-eto na rin pala yung polo shirt mo" sabi nito. Sabay bigay ng paper bag sakanya, "salamat, aalis ka na ba agad pagkatapos mong magluto at kumain ng agahan?" 

"Hindi, apo. Tutulungan tayo ni Yna sa planta dahil hindi daw makakapasok ang nanay niya kaya siya muna ang gagawa ng naiwan na trabaho ng nanay niya" paliwanag nito. Habang hinahanda ang mesa, kaya lihim siyang napangiti si Aries dahil makakasama niya ng matagal ang babae.

"ARIES, YNA. Kayo na bahala sa pagha harvest ah. Magkita na lang tayo mamayang lunch" paalala ni Lola Telma. Bago tuluyan umalis kaya sila na lang naiwan dalawa, "ano ready ka na ba magbuhat ng sako?"

"Alright, let's go!"

Akala niya magiging madali ang kanyang trabaho pero kagaya ng iba niyang mga naging trabaho sa planta, hindi rin madali ang trabaho niya lalo na at nakatoka siya sa pagbubuhat ng mga sako ng mga na ani na coffee fruit. "Ayos ka lang ba? Aries"

"A-Ah, ayos pa naman ako. Ikaw?"

"Sus, ako pa ba! Sanay na sanay na ako sa mga ganitong trabaho" mayabang nitong sabi. Kaya napangiti siya dahil naalala nanaman niya ang yumao niyang girlfriend na si Ava dahil katulad nito, masipag at maasahan din ito.

"Oy! Natahimik ka na diyan" sabi nito. Kaya napailing na lang siya, hindi niya dapat pagkumparahin sila Ava at Yna dahil magkaiba ang ugali at kwento nila. "Gusto mo ba talaga maging published author"

Tumango ito, "honestly, yes. Simula palang pagkabata ko pangarap ko na talaga maging author pero si mama pinipigilan ako dahil wala naman daw ako mapapala sa pagsusulat" panimula nito. Habang tinatapos nito ang ginagawang harvest ng mga coffee fruit

"Hmm, just like me. I know your feeling, Yna pero pinatunayan ko sakanya na mali siya. Tinuloy ko pa rin ang pagiging manunulat ko" kwento niya. Kaya napatigil ito sa ginagawa, "and now natupad ang pangarap mo, diba? Naging published author ka na"

Ngumiti na lang siya, "yes, I fulfill my dream. Naging published author ako pero kailangan kong itigil ang pagsusulat ko" sabi pa niya. Kaya napakunot ito ng noo, "so, hindi ka na nagsusulat ngayon? Bakit ka naman tumigil"

Napabuntong hininga siya at umiling, "n-nagkasakit ang mama ko, kaya ako ang pinapapunta niya dito sa Batangas para may makatulong si Lola dito sa planta" paliwanag niya. Tumango na lang ito, "ganun pala,"

"Pero, pwede kitang tulungan sa pagsusulat mo...tutupadin natin ang pangarap mo maging author" kaya napatigil si Yna sa pag-uwi at tumingin ito sakanya, "talaga, paano?"

"Naalala mo yung pinabasa mo saakin yung kwento mo? Pwede natin siya ayusin at pagandahin! Kailangan niya ng make over" masayang sabi niya. Kaya napangiti ito dahil sa naisip ni Aries, "okay, tutal ikaw yung may experience sa pagsusulat. Pinapaubaya ko na sayo ang aking storya" sagot nito. Kaya abot langit ang ngiti ni Yna ngayon

"Thank you! So kailan natin sisimulan ang pagsusulat" masaya nitong sabi. Habang lumalakad sila papuntang kubo dahil maglulunch na, "wala ka bang work sa sabado?"

Umiling ito, "Wala naman, ikaw? Baka may other plans ka sa sabado" sabi nito. Habang nilalagay ang gamit nila sa mesa, "mukhang wala naman akong gagawin sa sabado. So, g na tayo sa weekends" sabi pa nito. Napangiti siya

KINAGABIHAN, habang tulog na ang lahat bumaba si Aries dahil hindi siya makatulog dahil inaalala niya ang magiging writing sessions ni Yna sa sabado. Kaya grabe ang kaba at excitement na nararamdaman niya ngayon, napabuntong hininga siya habang nakaupo sa hagdanan at may dalang mainit na kape. "Ava, I know masaya ka na and I know nandito ka palagi sa tabi ko...to guide me, kaya Ava, please give a sign kung kaya ko na bang magsulat kahit wala ka na sa tabi ko"

Napatigil naman siya nang may naramdaman na malamig na hangin na bumabalot sa kanyang katawan. Kaya nakaramdam siya ng matinding takot, "Ava naman, ang sabi ko sign hindi manakot!" Bulong niya. Habang niyayakap niya ang sarili nang nakakita ng isang pigura ng babae na nakatayo. Kaya naiwasan hindi sumigaw, "Ava naman eh!"

"Sino bang Ava ang sinasabi mo diyan?!"

"L-Lola T-Telma?"

"Sino pa ba? Tabi nga diyan" sabi nito at umupo sa tabi niya. Kagaya niya, meron din itong dalang mainit na kape, "may problema ka ba? Hijo at gabing-gabi ay nakatambay ka dito" tanong nito. Napabuntong hininga siya, "Opo, meron po"

"Ano ba yun? Hijo"

"Sa tingin nyo po ba kaya ko na pong magsulat ulit?" Tanong niya. Kaya hinawakan nito ang kamay niya, "hmm, sa tingin ko kaya mo nang magsulat ulit. Lalo na nakikita ko na nagkakasundo na kayo ngayon ni Yna" sabi nito. Kaya napangiti siya at inubos ang kape niya, "alam kong gagawin mo ang lahat para matupad ang pangarap ni Yna na maging na isang writer"

"Nakikita ko po ang sarili ko sakanya nung mga panahon na nagsisimula pa po ako bilang manunulat. Super relate po ako sa kwento niya. Kaya nagisipan ko na tulungan siya" paliwanag niya. Kaya napangiti ito at inakbayan siya ulit, "wag kang matakot sumubok ulit. I'm sure masaya ngayon ang nobya mo dahil sinusubukan mong ulit yung mga bagay na talagang mahal mo kahit wala na siya sa tabi mo" sabi pa nito. Sabay pisil ng pisngi niya

"S-Salamat po ulit, la"

"You're always welcome, hijo. Basta kapag need mo ng kausap at advise nandito lang ako hmm" sabi nito. Sabay tapik sa balikad niya, "siya, magpahinga ka na at maaga pa kayo ni Yna pupunta sa planta bukas" sabi pa nito at tuluyan na itong umalis

"Mukang binigyan mo na akong nang go signal para subukan ulit magsulat ulit" bulong niya. Habang nakatingin sa kawalan at pinapakinggan ang hampas ng alon

A Perfect Disaster | ✓Where stories live. Discover now