26

13 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito? Ang kapal ng mukha mo magpakita dito!" Galit niyang sabi. Napabuntong hininga ito dahil marami na rin ang nakakakita sakanila pero wala siyang pakialam dahil ang nararamdaman niya ngayon ay galit sa taong nasa harapan niya ngayon

"Nandito ako para dalawin ang mama mo" sabi nito. Natawa na lang siya at napapalakpak dahil sa sinabi nito, "wow, ang galing mo naman! Matapos mo kamimg iwan. Magpapakita ka dito na parang walang nangyari?! Ang galing mong hayop ka!" At lalapitan niya sana ito nung pumagitna si Arch

"Aries, stop making scene! Sa loob na tayo magusap at marami na ang nakatingin" bulong nito. Kaya wala siyang nagawa kundi pumasok sa kwarto kung saan himbing pa rin natutulog ang mama niya. "Malaki ang binagsak ng katawan ni Madam kumpara nung huli mo siya makita. Kaya nagpasya siyang hanapin ang papa mo dahil gusto niya magka-ayos kayo. Kaya nandito ang papa mo" Paliwanag nito

Napailing siya, "malabo ang gusto ni mama dahil hindi ko mapatatawad ang taong nang iwan saamin" seryoso niyang sabi. Habang nakatingin sa mama niyang natutulog. "Naiintindihan kita, anak. Alam kong marami akong pagkukulang sayo bilang ama mo. Kaya nga nandito ako para humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko sainyo" naiiyak nitong sabi. Sinubukan pa siya nito hawakan pero agad niyang nilayo ang kamay niya

"Hindi mo alam ang naging hirap ni mama nung iniwan mo kami. Halos binuhos niya ang lahat sa trabaho para nabigay niya ang lahat ng pangangailangan. Kaya pano kita mapatatawad doon" sabi niya. Habang pilit niya pinapakalma ang sarili dahil baka kung ano magawa niya. Napatigil naman sila sa paguusap nung magising ang nanay niya

"Aries, hijo?"

"Hi, ma. Okay lang po ba kayo?"

"Yea, panong..."

"Tinawagan ko siya, madam. I think kailangan niyang malaman ang totoo" seryoso sabi ni Arch at nagpaalam ito para mabigyan sila ng oras na magkausap. "Kaya pala ayaw mo akong pauwiin dahil dito sa taong ito"

"Anak, papa mo pa rin siya" suway nito. Umiling siya at dahan-dahan siyang lumapit dito. "Eto, tatay ko? Kailangan siya naging tatay saakin? Eh, wala nga siya nung panahon na kailangan natin siya eh!" Sagot niya. Kaya napasapo na lang ng noo ang nanay niya dahil sa pinapakita niyang asal.

"Aries, please...respetuhin mo ang papa mo. Alam kong galit ka sakanya at naiintindihan ko yon, pero kalagayan ko ngayon gusto kong magka-ayos tayo...kayo ng papa mo" naiiyak nitong sabi. Habang hawak nito ang kamay niya kaya napatingin siya sa tatay niya.

"I'm sorry, ma pero hindi ko pa siya kayang patawarin" huling sinabi niya bago siya lumabas ng kwarto kung saan nakita niya si Arch. "Ikaw na muna bahala kay mama may pupuntahan lang ako" seryoso niyang sabi at pinaharurot niya ang sasakyan niya papunta sa sementeryo kung saan nakalibing si Ava

TULALA naglalakad ngayon si Yna pauwi sakanilang bahay. Hindi niya akalain na ganun na lang matatapos ang storya nila dalawa ni Aries. Napabuntong hininga siya at dumeretso sa bahay kung saan nakita niya ang mama niya na sumasayaw kahit wala naman tugtog

"Ma, anong meron at sumasayaw ka diyan? Nasaan po si Ysabella?" Tanong niya pero wala siyang nakuhang sagot mula dito at pina ikot pa siya nito. "Kasama ng mga kaklase niya at gagawa daw sila ng report. Alam mo kung bakit ako masaya ngayon? dahil natanggap ko na ang bonus ko ngayon!" Sabi nito. Habang patuloy pa rin ito sa pagsasayaw

Napailing na lang siya at naghanda na lang ng pagkain dahil kanina pa siya gutom. "Nga pala, nakausap mo na ba si Aries? Ang balita ko umuwi na siya ng Maynila" tumango siya

"Yes, kanina sa coffee shop?"

"Eh, ano? Nagkabati na ba kayo?" Umiling siya at naupo na lang siya sa paborito niyang pwesto, "eh, paano yun? Ganun na lang...matapos na agad ang love story nyo? Walang happy ending!" Dagdag nito. Ngumiti na lang siya at kumain

"Ma, may tanong ako,"

"Sige, ano yun?"

"Napatawad nyo na po ba si papa?" Kaya napatigil ito sa pagsubo ng kanin at napa inom pa ito ng tubig, "ano bang klaseng tanong yan, Yna? Ang hard naman ng question mo?!" Bulyaw nito sakanya. Natawa na lang siya sa naging reaksyon ng mama niya

"Yung totoo, ma. Napatawad nyo na si Papa?"

"Oo, matagal na. Well, nung una galit na galit ako sa ginawa ng papa mo dahil sa ginawa niyang pag-iwan niya saatin. Imagine, buntis ako sa kapatid mo nung malaman ko may ibang pamilya na pala siya Maynila" kwento nito. Habang patuloy pa rin ito sa pagkain

"Halos magwala ako dahil sa ginawa niyang panloloko saakin. Kaya kinausap ako nung babae niya...hays, sa tuwing naiisip ko yun naiinis pa rin ako sa tatay mo dahil sakanya muntik nang mamatay ang kapatid mo!" Inis na sabi nito. Habang mahigpit ang pagkakapit nito sa manok, "ma, yung manok..."

"Ay, pero nakita ko sa mga mata ng tatay mo na mahal niya talaga yung bago niyang pamilya nagpasya na lang ako umuwi dito. After 3 years ago may nagpunta babae dito dala ang lumang typewriter ng papa mo...siya na pala yung anak ng papa mo...si Ava" dagdag pa nito. Habang nakatingin sakanya dahil alam nito ang naging sanhi kung bakit sila nag-away ni Aries...dahil kay Ava

"Half sister mo si Ava, anak. Nakuha niya ang ilan features ng papa mo kaya may pagkakahawig kayong dalawa" paliwanag nito. Kaya halos hindi siya makagalaw dahil sa sinabi ng nanay niya. "Dahil doon, napatawad ko ang tatay mo dahil hindi niya pa rin tayo nakalimutan. Kaya naiintindihan ko ang galit mo kay Aries pero may dahilan siya kung bakit hindi niya sinabi ang tunkol kay Ava" sabi nito at pinagpatuloy nito ang pagkain

"HI, AVA, NAMISS MO BA AKO?" Sabi ni Aries. Habang nakatingin sa pangalan na nakaukit sa bato. "Sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sayo. Marami kasing nangyari pero hayaan mo...babawi ako sayo" dagdag niya. Sabay lapag ng bulaklak at teddy bear

"May ikukwento pala ako sayo, alam mo ba may nakilala akong babae sa Batangas. Nung una ko siya makita...kala ko ikaw" panimula niya. Habang nakaupo sa tabi nito at inaalala ang una niyang kita kay Yna sa tabing dagat

"Natutulala talaga ako kapag nakikita ko siya dahil nakikita ko siya...sayo. Pagkakaiba nyo lang, she's a writer, boyish at mahilig sa tragic stories...wag kang magselos ha! Pero sobrang mahal ko si Yna. Siya ang dahilan kung bakit ako nakapagsulat ulit, siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay pa ako" sabi niya. Habang inaalala niya ang muling pagpatibok ng puso niya...si Yna

"Approved naman si Yna sayo diba? Wag kang mag-alala, Ava. Mananatili ka pa rin sa puso ko. Ilove you so much...alam mo yan" sabi pa niya at nag-alay pa siya ng dasal bago siya umalis ng sementeryo

A Perfect Disaster | ✓Where stories live. Discover now