HAWAK KO NA, PINAKAWALAN KO PA

8 2 3
                                    


"Lets end this, Mel." Walang emosyon akong humarap sa kaniya.

Para akong sinasakal matapos kong sabihin 'yon. I swear to God, I didn't mean it. I love Melrose more than my own life! But I need to do this.

Ayaw kong may mangyaring masama sa kaniya. Hindi boto sa'min si mommy at daddy sa relasyong meron kami. Binalaan ako ng mga magulang ko na kapag pinagpatuloy naming dalawa ang relasyon namin, masisira ang buhay nila ng kaniyang pamilya. Kilala ko si mommy at daddy, once they say it, they mean it.

"You promise me that know matter what happen you will never leave me. Nangako ka sa 'king ipaglaban mo ako sa parents mo pero bakit ngayon, kinain mo na lahat ng sinabi mo?"

"Mel, I'm sorry..."

Tears started to fall from her eyes. Para akong sinasakal. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.

"Ang galing mo!" Galit na sigaw niya sa 'kin. "May pangako ka pang nalalaman na ipaglaban mo ako sa mga magulang mo pero hindi naman pala matutupad." She wiped her tears.

Gusto kong sabihin sa kaniya na ayaw kong masira ang buhay niya at ang buhay ng pamilya niya. Gusto kong sabihin sa kaniya na ginawa ko 'to para ma-protectionan siya, but I couldn't find the right words to say.

Habang pinapanood ko siyang umiiyak ay 'di ko na rin mapigilan ang luha ko. I love Mel so much to the point na gagawin ko ang lahat para maging masaya lang siya.

But how can I make her happy if I'm the one who hurt her?

"Kung 'yan ang gusto mo, maghiwalay na tayo."

That was how I ended up destroying my life.

Gabi-gabi akong pumupunta sa bar para uminom ng uminom. Labis akong nasaktan sa paghihiwalay naming dalawa. She left me and I fucking deserve it.

I regretted it. I regretted it so much but I need to this in order to protect her even though I know that the substitute for that is pain.

Ilang buwan na rin ang nakalipas pero sobra pa rin akong nasaktan pero alam kong walang-wala ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa sakit na nararamdaman niya.

Minsan iniisip ko na sana hinayaan ko na lang ang mga magulang ko at mag focus na lang sa kaniya pero natatakot ako. Natatakot akong may mangyaring masama sa kaniya. Natatakot ako sa pwedeng gawin ng mga magulang ko sa kaniya at sa nanay niya, lalo na ngayong may sakit ang nanay nito.

Nabalitaan ko na lang na isinugod daw sa hospital ang nanay niya dahil mas lalong lumala ang sakit. Gusto ko siyang yakapin para mapatunayan ko sa kaniya na nandito lang ako kapag kailangan niya ako. Araw-araw akong nagpapadala ng pera sa kaniya ng patago para may pambili siya ng gamot para sa kaniyang nanay.

Makalipas ang dalawang taon, siya pa rin 'yong babaeng minahal ko. Dalawang taon ko na rin siyang hindi nakikita dahil simula noong gumaling ang nanay niya ay doon na ako tuluyang umiwas.

Kahapon lang ay nakauwi ako galing sa Amerika dahil doon ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko. Nilibang ko ang sarili ko doon sa Amerika para lang makalimutan ko siya. But when the evening set, I always see her face everytime I closed my eyes.

I just found myself walking in the park. Napatingin ako kay manong na nagtitinda ng icecream. Bigla kong naalala si Mel. Icecream kasi ang paboritong kainin ni Mel. Sa tuwing nalulungkot siya, bibilhan ko lang siya ng icecream masaya na agad siya.

Lumapit ako doon para bumili nang bigla akong binangga ng isang babae. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang gulat na nakatingin sa kaniya.

"M-Mel?" Nauutal na sabi ko.

"Oh Wyoshi, ikaw pala? Long time no see." She smiled at me.

Yayakapin ko sana siya nang biglang dumating ang isang lalaki na may kargang batang babae.

"Mommy!" The little girl kissed her mother cheeks.

"Hon, who is he?" The man asked.

"Ahh, he's my old friend." Tanging sagot ni Mel. "Wyoshi, this is my husband."

Pinilit kong ngumiti sa harapan nila. Pagkatapos ay kaagad akong nagpa-alam sa kanila.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay kaagad na bumuhos ang mga luha sa mga mata ko.

"Tangina self, bakit ka nasasaktan? Diba ikaw 'yong nang-iwan. You deserved it. Sinaktan mo siya tapos ngayon iiyak-iyak ka? Ikaw 'yong nakipag hiwalay. Hindi mo siya ipinaglaban. Ikaw itong tanga na sunod-sunuran sa mga magulang mo kaya bakit ka nasasaktan?" Napatingala ako sa langit habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko.

Mahal na mahal ko siya pero hindi ko man lang siya nagawang ipaglaban. Kung ipinaglaban ko lang sana siya noon edi sana kami pa rin ngayon. Sana natupad na namin ang pangarap namin na ngayon ay nanatili pa ring alaala.

Hawak ko na, pinakawalan ko pa.

ONE SHOT AND SHORT STORIESWhere stories live. Discover now