"Why did you and your girlfriend broke up?" She said in front of me."No, we didn't broke up," I replied.
"Then what?"
I smiled bitterly when I remembered that time. The day when she was mine.
I was walking alone in the hallway of our school when suddenly, a girl appeared in front of me. Alam kong transferee ito dahil ngayon ko lang nakita ang mukha nito.
I look at her with a cold expression.
“Kuya, pwede magtanong?” She asked. ”Saan dito ‘yong section xenon?” Dagdag pa nito.
“Follow me.” Tanging sabi ko.
Nauna akong maglakad at ramdam kong sumusunod siya sa ‘kin. Pagdating namin sa classroom ay dire-diretso lang ang lakad ko papunta sa upuan ko nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Yeah, iisang section lang kami.
Naramdaman kong umupo siya sa harapan ko. Pag-upo niya ay kaagad siyang humarap sa 'kin.
"Iisang section lang pala tayo?" Tanong niya. Tiningnan ko lang ito at hindi sinagot.
"Ako nga pala si Heyri." Agad niyang inabot ang kamay niya sa 'kin.
Nagdadalawang isip ako kung aabutin ko ba ito o hindi. Napansin niya siguro na wala akong planong abutin 'yong kamay niya kaya kaagad niya itong binawi.
"So, your name is Sebastian?" Tanong niya habang diretsong nakatingin sa ID ko na nakasabit sa uniform ko.
"Yeah," I said.
"Buti nagsalita ka rin." Tumawa ito.
Hindi niya na ako kinausap dahil dumating na 'yong teacher namin sa calculus. Buong klase ay tulala lang akong nakatingin sa teacher sa harapan. Wala akong gana makinig ngayon.
Matapos ang lahat ng subject namin sa umaga ay kaagad akong lumabas sa classroom para mag lunch. Narinig ko pang tinawag ako ni Heyri pero 'di ko siya nilingon.
Ba't kasi panay buntot 'to sa 'kin? Amp.
"Sama ako sa'yo, wala pa akong ka-close dito eh," sambit niya.
So sa tingin niya close kami?
"Okay."
Pagdating namin sa canteen ay kaagad akong pumila para bumili ng makakain. Nasa likod ko lang siya habang pumipila din.
After I bought I immediately went out of the canteen to go to our school garden. Doon kasi ako laging kumakain dahil walang masyadong estudyanteng pumupunta doon.
"Hoy, hintayin mo naman ako!" Naiiratang boses ni Heyri.
"Whatever." Tanging sagot ko.
As the day passed, lagi pa ring nakabuntot sa 'kin si Heyri. Minsan nga naiinis siya sa 'kin dahil 'di man lang daw ako nagsasalita. Nagsasalita nga minsan pero maikli naman. Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino lalo na sa kaniya.
"Hoy, kilala mo ba 'yon?" Tanong niya sa 'kin at tinuro 'yong lalaking nakaupo sa 'di kalayuan.
"Hindi, bakit?"
"Crush ko 'yon," sagot niya habang kinikilig.
"Oh tapos?" Nawala ang ngiti sa mga mukha niya at napalitan ng inis.
"Ewan ko sa'yo! Wala ka talagang kwentang kausap!" Inis na sagot niya sa 'kin at padabog na naglakad paalis.
Then, I just found myself smiling.
Mas lalo kaming napapalapit ni Heyri sa isa't-isa. Nasanay na rin ako na lagi niya akong kinakausap kaya wala akong magawa kundi kausapin din siya.