I IGNORE MY GIRLFRIEND'S CALL BECAUSE OF JEALOUSY

2 1 0
                                    


"Why are you with him?" I asked her.

"Nag-usap lang kami, mahal ko," she said.

"About what?" I pouted in front of her. She pressed my cheeks.

"Are you jealous?" She asked.

"Yeah," I answered, getting annoyed.

"Don't be jealous, you're the only one I love, okay?" Sagot niya nag pakilig sa 'kin. Alam na alam n'ya talaga kung paano ako pakiligin.

"Fine, just promise me na 'wag ka na ulit sumama sa kaniya understand?"

"Yes master!"

"Uwi na tayo." Yaya ko sa kaniya at inakbayan siya sa balikat.

She's Azyne, I've been in a relationship with her for almost 2 years. We met in our college days. We became friends na kalaunan ay naging mag jowa na rin. 

"Luke, aalis muna ako."

Napalingon ako kay Azyne na halatang nag-mamadali.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko dito.

"Wala, sa bahay lang ng kaibigan ko. Matagal na kasing 'di kami nakapag-usap," sagot niya.

"Sige, umuwi ka kaagad."  Tumango-tango naman ito at mabilis na lumabas ng bahay.

Tumayo ako para sundan siya. Alam kong nagsisinungaling siya sa akin. Kailangan kong maka-sigurado.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip kong nasa labas pa siya. Nang makomperma ko na wala na siya ay mabilis akong lumabas. Nakita ko siyang sumakay sa isang kotse.

Agad akong pumara ng taxi.

"Kuya, pakisundan po ang kotse na 'yan." Utos ko sa driver.

Kahit hindi ko nakikita, alam ko ang kasama niya ay 'yong lalaking nakasama niya noong nakaraang araw. Ayaw na ayaw kong sumama siya sa lalaki 'yon dahil hindi maganda kutob ko sa doon.

Ayaw kong may mangyaring masama kay Azyne, dahil binilin siya sa 'kin ng ina niya bago ito namatay.

Nakita kong bumaba sila sa isang hotel. Biglang sumikip ang dibdib ko nang makita kong inakbayan siya ng lalaking kasama niya. Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha galing sa mga mata ko.

"Bakit mo ginawa sa 'kin to Azyne?" Tanong ko sa isip ko.

"Sir, 'di po ba kayo bababa?" Tanong sa 'kin ng driver.

I wipe my tears and responded to his question.

"Bumalik na lang po tayo manong."

I smiled weakly.

Sa sobrang tagal nang pagsasama namin, 'di ko akalaing magagawa sa 'kin 'to ni Azyne.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong kumuha ng alak sa loob ng refrigerator. Sobra akong nasaktan sa ginawa niya, gusto ko munang makalimot.

Sa kalagitnaan ng pag-iinom ko ay biglang nag ring cellphone ko. Nakita ko sa screen ng cellphone ko na si Azyne 'yong tumatawag. Hindi ko iyon pinansin at patuloy lang sa pag-inom. Nararamdaman ko na ring nahihilo ako dahil sa dami ng na inom ko.

Iniisip ko pa lang 'yong gagawin nila sa loob ng hotel ay para na akong mababaliw.

"Hindi ko akalaing magagawa mo sa 'kin 'to Zyne!" Sigaw ko. "Saan ba ako nag kulang? Araw-araw ko namang pinaramdam sa 'yo kung gaano kita ka-mahal pero bakit nagawa mo pa rin sa 'kin 'to? Bakit mo ako sinaktan ng ganito?"

Binato ko ang hawak kong bote sa pader dahil sa labis na galit at hinanakit.

Patuloy lang ako sa pag-iinom habang walang tigil ang pag ring ng cellphone ko.

ONE SHOT AND SHORT STORIESWhere stories live. Discover now