HE'S A GHOST

2 0 0
                                    

Noong bata ako, sobrang takot na takot talaga ako sa multo.  Kapag tinatakot nila ako, agad-agad akong umiiyak kahit alam kong biro lamang ‘yon. Ayaw na ayaw ko rin kapag hindi nakabukas ang ilaw kapag matutulog ako. May maririnig lang akong kalaskas o ano mang uri ng ingay ay agad akong tatakbo papunta kilala mama.

Nagsimula lamang akong makakita multo simula noong mamatay ang pinsan ko na matalik ko na ring kaibigan dahil ang kaluluwa niya ang kauna-unahang nakita ko. Hanggang sa sunod-sunod na akong nakakakita ng multo. At first, natakot ako pero habang patagal nang patagal ay nasanay na ‘rin ako.

Then I met him. Isa lamang siyang multong pagala-gala sa lugar namin noon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at kinausap ko siya, siguro dahil gwapo siya hahaha. Oo, sobrang gwapo niya. Sa katunayan nga, ngayon lang ako nakakakita ng multo na kasing gwapo niya.

“Hey!” Napabalikwas ako sa kama ko nang gulatin niya ako.

“Ba‘t mo ako ginulat?” Inis na tanong ko.

“Eh, sorry na hahaha.” Nawala inis ko dahil sa tawa niya.

Sayang ang multong ‘to. Hays, bakit kasi ang aga niyang kinuha? Napakasayang talaga, gwapo pa naman.

Naging mag kaibigan kami ni West. Tinulungan ko siyang hanapin ang kung sino siya, kung sino ang mga pamilya niya at ang dahilan ng pagkamatay niya bago niya lisanin ang mundong ‘to.

Aaminin kong hindi naging madali ang pagtulong sa kaniya dahil marami din akong ginagawa pero kinaya ko para sa kaniya dahil nangako ako na tutulungan ko siya.

“Hoy, ba‘t ganiyan mukha mo?” Umupo ako sa tabi niya.

“Iniisip ko kasi ‘yong past life ko. I'm curious about everything. Kung anong klaseng tao ba ako, kung sino ang mga pamilya ko at kung anong dahilan nang pagkamatay ko. Nagkasakit ba ako o pinatay ako? Hays.” He look at me with sad a expression.

“Hey, ‘wag mo munang isipin ‘yan. Malalaman din natin ang totoo kaya tumayo kana diyan at uuwi na tayo.” Nauna akong tumayo at nagsimulang maglakad. Naramdaman ko namang sumunod siya sa ‘kin.

Habang lumilipas ang panahon mas lalo kaming napapalapit ni West sa isa't-isa. Minsan hinihiling ko na sana totoo na lang si West at hindi multo lang. Iniisip ko pa lang na mawawala din siya sa ‘kin at lisanin ang mundong ‘to, feel ko hindi ko kakayanin, siguro dahil nasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko.

Natigilan ako sa ginagawa ko nang biglang kumalabog sa loob ng cr ko. Pumunta ako doon at nakita ko siyang hindi mapakali.

“Ayos ka lang?” I asked.

He moved closer to me and look at me seriously. The way he looked at me, I feel a thousand of butterflies flying on my stomach. This is the first time I encountered this kind of feelings.

Gusto kong umiwas sa mga titig niya pero parang naistatwa ang paningin ko sa mga mata niya. Oh God, I can't breathe.

“Heather,  I like you.”

After he uttered those words, my heart beats become faster. Even myself hate to admit that I like him too. But the day passed by, I know there's something that I can't explain.

One day, pauwi na ako sa bahay nang marinig kong nag-uusap ang mga magulang ko. Napatingin ako sa kanila sa labas ng pintuan at hindi man lang nila napansin ang presensya ko dahil ang seryoso ng pag-uusap nila.

“Hon, oras na ata para malaman ni Heather ang totoo.” Seryosong sabi ni papa kay mama.

Kumunot ang noo ko. Anong kailangan kong malaman?

“Hon, please ‘wag muna ngayon. Masasaktan si Heather kapag nalaman n‘ya ‘yong nangyari noon na nagsilbing bangungot para sa kaniya. Ayaw kong makitang malungkot at nasasaktan ulit ang anak natin.” Hindi mapakaling tugon ni mama.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis akong pumasok sa loob ng bahay. Pareho silang nagulat nang makita nila ako.

“Anong kailangan kong malaman, ma, pa?” Kalmadong tanong ko.

Napahilamos si papa sa mukha niya habang si mama naman ay nakatingin lang sa ‘kin na parang wala lang ang nangyari.

“Anak, wala naman.” Ngumiti sa ‘kin si mama.

“Ma please, sabihin niyo na sa ‘kin ang totoo!” Inis na sagot ko.

Tumingin si mama kay papa bago humarap sa ‘kin. May pinakita siya sa ‘king litrato at nagulat ako na siya ang nasa litrato na ‘yon.

“Anak...” Huminga si mama nang malalim. “Siya si Terrence, ang boyfriend mo.”

Nagulat ako sa narinig ko. Kaya pala parang pamilyar siya sa ‘kin. Pero mas lalo akong nagulat sa huling sinabi ni mama.

“Pinatay mo siya anak dahil sa isang maling akala. Pinatay mo siya dahil ang akala mo ay niloloko ka niya."

Hindi ako nakasagot. Parang nabingi ako sa sinabi ni mama. No, this can't be.

“Nakita mo siyang may kasamang babae noon na akala mo kabit niya pero ang totoo ang babaeng yon ang kinuha niya para ayusin ang reception ng kasal niyo.” Dagdag ni mama.

My tears started to fall from my eyes. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

“Pero bakit ‘di niyo agad sinabi sa ‘kin? Bakit patuloy niyo itong tinago sa ‘kin ma, pa?” Umiiyak na tanong ko.

“Dahil ayaw naming makikita kang nasasaktan at nahihirapan. Tinangka mong magpakasaga sa sasakyan and with that nagka amnesia ka kaya nag-usap kami ng papa mo na hangga‘t maaari ay itago muna namin sa ‘yo ang totoo.”

Walang salita na kahit anong lumabas mula sa bibig ko. I cried hard. Bakit kailangang mangyari sa ‘kin ‘to? Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Kaagad akong tumayo at lumabas ng bahay. Narinig ko pang tinawag ako nila mama at papa pero hindi ko ‘yon pinansin. Kailangan ko siyang hanapin.

Nakita ko siyang malungkot na nakaupo sa ilalim ng puno. Nang makita niya ako ay agad ding nabuo ang ngiti sa labi niya. He‘s so happy to see me.

“Pwede ka ng magpahinga West. Pwede mo ng lisanin ang lugar na ‘to.” I look at him with teary eyes.

“W-Why? Pinapalayas mo na ba agad ako?” Takang tanong niya.

“West, I‘m sorry.” Tuluyan na akong humagulgol sa harapan niya.

“Hey, what happened? Is their something wrong?” He asked.

“Nahanap ko na ang pumatay sa ‘yo, West.” Napangiti siya nang marinig niya ‘yong sinabi ko.

“Talaga? Sino?” He seem so excited.

“Ako. I am the one who killed you, West.”

Nawala ang excited sa mukha niya at napalitan ng gulat.

I was speechless when he move closer to me and hug me tight. Inaasahan kong magagalit siya sa ‘kin.

“Bakit mo ako niyakap? Diba dapat magalit ka sa ‘kin?” Naiiyak na tanong ko.

“Una pa lang napatawad na kita, Heather.”

Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Kung hinayaan ko lang sana siya mag explain noon edi sana kasama ko pa rin siya ngayon.

“Masaya akong nakilala kita at masaya ako sa lahat ng pinagsamahan natin. Alagaan mo ang sarili mo.” Naramdaman kong hinahagod niya ‘yong buhok ko. “At sana sa kabilang buhay natin, gusto kong ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko.”

Napahagulgol ako.

“Gusto kong ikaw pa rin ang lalaking mamahalin ko sa kabilang buhay ko West. Mahal na mahal kita.”

And with that, we finally bid our hardest “good bye” to each other.

ONE SHOT AND SHORT STORIESWhere stories live. Discover now