DIFFERENT PATHS

6 2 1
                                    


"Baby wake up, your breakfast is ready." I kissed her forehead. She slowly open her eyes at kinusot-kusot ito.

"Good morning, baby." She smiled at me.

Agad ko siyang hinila para bumangon sa kama niya. Pagdating namin sa kusina ay kaagad ko siyang inalalayang umupo.

She's Jolea. I've been in a relationship with her for almost 5 years. Grade 10 ako nang makilala ko siya and we are both live in partners. Yes, pareho na kaming legal sa mga parents namin.

She completes me. Because of her, I laugh, I smile and I dare to dream more than I ever have.

Then, one day, dumating yung araw na halos ikaguho ng mundo ko. She have a heart disease at matagal na pala niyang itinago ito sa 'kin.

Nagalit ako the same time, nalulungkot na halos hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagagalit ako sa kaniya dahil itinago niya sa 'kin 'yong sakit niya.

I'm scared of losing her. I can‘t even imagine my life without her that‘s why I‘m doing anything and continuously asking him to give her more chance to live in this word.

As the day passed by, mas lalong lumala yung sakit niya. Araw-araw akong nagdadasal na sana huwag muna siyang kunin sa 'kin, na sana gagaling siya sa sakit niya. Masyado pa siyang bata para mawala siya sa mundong 'to.

"Baby, kapag mawala man ako sa mundong ito, ipagpatuloy mo pa rin 'yung buhay mo na wala ako." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya ang katagang 'yon.

"Baby please, don't say that okay? Mabubuhay ka pa at makakasama pa kita. So please, 'wag kang sumuko. Ayaw kong mawala ka sa 'kin, hindi ko kakayanin 'yon," sagot ko.

Pinigilan ko ang mga luhang akmang tutulo sa mga mata ko dahil ayaw niyang makita akong umiiyak.

Papunta pa lang ako noon sa hospital nang biglang tumawag sa 'kin si tita at sinabing wala na si Jolea. My heart beats so fast to the point na halos hindi na ako makahinga. Tumakbo ako papasok sa hospital. Ilang beses pa akong nadapa pero agad din akong bumabangon.

Pagdating ko sa hospital, nakita ko na lang yung katawan niyang tinatakpan na ng puting tela. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko habang yakap-yakap ang katawang niyang wala ng bubay.

Hindi ko akalaing bigla na lang mawawala yung babaeng mahal ko. Ang babaeng bumubuo sa araw ko. Ang babaeng nagpapasaya sa 'kin sa tuwing nalulungkot ako.

Simula noong mawala siya, araw-araw na akong nagkulong sa kwarto. Kung lalabas man ako, 'yon ay para uminom nang uminom at sa tuwing nalalasing ako, naiisip ko yung mga alaalang binuo namin ng magkasama at agad na tutulo ang mga luha sa mga mata ko.

Ilang months din ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala na siya. I always hugged my pillow and imagined na siya 'yon.

At dahil sa kagustuhan kong makasama siya, I committed suicide dahil ang buong akala ko makakasama ko ulit siya, makikita ko ulit ang mukha at ang mga ngiting gumuguhit sa labi niya. Akala ko mahahawakan ko na ulit ang mga kamay niya pero mali ako.

Dahil nagpapahinga na siya ngayon sa taas, while me?

I'm in hell.

ONE SHOT AND SHORT STORIESWhere stories live. Discover now