PINATAY KO SIYA DAHIL SA MALING AKALA

11 2 3
                                    


"Baby please, give another chance. Papatunayan ko sa'yo na nagbago na ako," he said while kneeling in front of me.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung pagbibigyan ko ba siya ng isa pang pagkakataon o hindi na. It's so hard to me to decide to this kind of decision.

"Please, just this once. I promise na kapag gumawa pa ulit ako ng kasalanan, ako na mismo ang lalayo," he added.

Palalampasin ko na lang ba 'yong ginawa niyang panluluko sa 'kin o bibigyan ko pa siya ng isa pang pagkakataon? Pero gaya ng sinabi niya, siya na raw mismo ang aalis kapag gumawa pa ulit siya ng mga bagay na ikakasakit ko.

"Okay, binibigyan na kita ng isa pang pagkakataon at kapag niluko mo pa ulit ako, malalagot ka sa 'kin." Dali-dali siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you, baby. Thank you so much." Tumango na lamang ako.

Day passed by, nakikita kong nagbago na talaga siya. Palagi niya akong sinasama kung saan man siya magpunta mapatunayan niya lang sa 'kin na hindi na siya nambabae.

Araw-araw niya ring pinaparamdam sa 'kin kung gaano niya ako ka-mahal. Napangiti na lang ako dahil hindi nasayang ang isang pagkakataong ibinigay ko sa kaniya.

Today is our 4th anniversary kaya naman pumunta ako sa apartment niya para i-sopresa siya. Bago 'yon, dumaan muna ako sa cake shop para bumili.

Pagkatapos kong bumili ay agad akong lumabas. Habang naghihintay ng masasakyang jeep ay naagaw ng atensyon ko ang lalaki at babaeng sobrang pamilyar sa 'kin. Bigla ko na lang naramdamang ang luhang tumulo sa magkabilang mata ko.

Nakita ko ang boyfriend ko na kasama ang matalik kong kaibigan. Sobrang sakit. Ang sakit-sakit dahil buong akala ko tuluyan na siyang nagbago ngunit hindi pa pala, manloloko pa rin pala siya.

Now I know, if they do it once, they'll do it again.

Mabilis kong pinahiran ang mga luha ko at agad pumara ng masasakyang jeep papunta sa apartment niya.

Pagdating ko sa apartment niya ay nilapag ko muna ang cake sa lamesa at humanap ng kutsilyo.

"Humanda ka sa 'kin mamaya," bulong ko.

Naramdaman kong bumukas ang pintuan kaya agad kong itinago ang kutsilyo sa likuran ko.

"Ohh baby, nandito kana pala," gulat na sabi niya.

"Bakit kasama mo si Ashley kanina?" Mahinahong tanong ko.

"Wala 'yon, baby," sagot naman niya at umupo sa sofa.

Agad kong inilabas ang kutsilyo at tinutok ito sa kaniya. Nagulat siya at naistatwa sa kinauupuan niya. Ngumisi ako sa kaniya dahilan para mas lalo siyang matakot.

"B-Baby, what are you doing? Hindi maganda 'yan kaya ibaba mo 'yan," kinakabahang sambit niya habang takot na takot na nakatingin sa 'kin.

"Sabihin mo sa 'kin ang totoo o papatayin kita?" Galit na sambit ko.

"B-Baby, let me ex---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at mabilis ko siyang sinaksak ng dalawang beses. Nakita ko ang dahan-dahang pag-agos ng dugo galing sa bibig niya.

Nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko ng marealize ko ang ginawa ko sa kaniya. Dahan-dahan kong tinakpan ang bibig ko ng dalawa kong kamay habang nanginginig ang buo kong katawan. Ramdam ko rin mga luhang walang katapusang pagtulo mula sa mga mata ko.

"B-Baby, i-i'm so sorry. H-Hindi ko sinasadya." Nanginginig kong hinawakan ang mukha niya habang namimilipit siya sakit.

May inabot siya sa 'king maliit na kahon at may naglalaman itong singsing. Mas lalong tumulo ang mga luha ko nang ngumiti siya sa 'kin.

"I l-love you, baby." Huling katagang sinabi niya at kasabay nun ay ang dahan-dahang pagpikit ng mga mata niya. Mabilis ko siyang niyakap habang humahagulgol.

Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha sa bulsa ko, nakita ko sa screen ng cellphone ko na si Ashley 'yong nag-message.

"Hoy, nagpasama pala kanina sa 'kin 'yong boyfriend mo para bumili ng singsing hindi niya kasi alam kung paano pumili eh hahahaha kaya sinamahan ko na lang. Ano kamusta ang proposal? Sinagot mo na ba siya? Congrats! Magkaka-asawa na ang best friend ko!"

Hinayaan ko na lamang ang mga luhang patuloy sa pagtulo mula sa mga mata ko habang yakap-yakap ang katawan ng boyfriend ko na ngayon ay malamig na.

"Sorry." Paulit-ulit na salitang binitawan ko.

ONE SHOT AND SHORT STORIESWhere stories live. Discover now