Jema.
"Treat ko ito ha. Pero ang inaalala ko, baka hindi ka na naman makakain sa pupuntahan natin." sabi ko kay Deanna.
Kasalukuyan kaming nasa labas ngayon with boss D at siempre hindi mawawala ang dalawa kong panget na kapatid, hahaha.
Kasasahod ko lang at dahil naipangako ko na manlilibre ako sa kanila, tutuparin ko ito para mas swertehin pa. Ang sarap kasi sa feeling na gawin ang isang bagay na naipangako mo na.
If you're wondering bakit kasama namin ang boss ko, aba she insisted on dropping me by in our house kanina kasi coding yung sasakyan ko today. Nahiya naman akong hindi siya imbitahin sa loob.
Narinig niya ang kantyaw sa akin ni Mafe na manlibre kaya niyaya ko na rin siya. I thought she will decline but I was wrong, game itong pumayag.
Akalain nyo yun, gutom na rin daw siya. Kaya I have to warn her na sa tabi tabi lang kami pupunta baka mag expect ito ng bongga.
"Jema, what do you mean hindi na naman ako makakakain? Kailan nangyari ito?" Deanna asked.
"Ha eh, remember, nung nasa gotohan tayo? You didn't even touched the food there. Baka kako hindi mo lang type yung place." I replied.
"Ahhh, that one. Sorry kasi uminom tayo noon di ba. I don't usually eat too much pag nakainom. Usually coffee lang para bumaba ang kalasingan. So please, don't ever think that it's because of the place." she explained while walking beside me.
Huminto ako at tinignan siya. Mentally, I have to take note of that para hindi ko makalimutan.
Deanna Wong doesn't eat much pag nakainom.
Masarap palang kainuman si boss D dahil hindi mahilig sa pulutan. Hahaha.
Napangiti ako kaya tumaas ang kilay niya sa akin.
"Did I say something wrong?" she asked.
"Oh nothing. So, you like food pala basta wag lang pag nakainom?" I repeated what she said.
"Yup, that's me. Besides, cowboy ito. Kahit saan mo ako dalhin ay okay lang sa akin basta kasama kita." she replied.
Ano daw? Tinignan ko uli siya pero hindi na siya nakatingin sa akin. Ayoko namang mag bingi bingihan at baka ma-turn off sa akin.
Ah basta, narinig ko yun at kinilig ako.
I'm glad pag may new information akong nalalaman about her. I want to know more about my boss, about Stranger. Gusto kong i-memorize ang isang Deanna Wong, charot.
"I understand now but don't expect a fine dining restaurant ha. Doon lang tayo sa karinderya sa kanto. Nothing fancy, lutong bahay, sakto lang sa bulsa pero masarap naman at higit sa lahat ay malinis." sabi ko habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.
"Hindi lang yun Ate Jema, may libreng sabaw pa sa karinderya ni Aling Tasing na pampagana kumain. Yun ang panalo doon. Dapat makahigop si ate Deans ng sabaw." singit ni Mafe na nakikinig pala sa amin kahit na nasa unahan sila.
"Talaga? Sige I'll try that Mafe." sagot ni Deanna.
"At yung mga special sauce slash condiments niya na hindi natin alam ang mga ingredients dahil secret daw. Sarap nakawin ng recipe niya sa totoo lang." ate Jovi said.
"Pwede nating pasukin ang kusina niya pag nalingat si Aling Tasing ate Jovi. Sigurado akong nandoon ang pinakatago tago nyang recipe. You distract her and I'll take the chance mamaya." sagot ni bunso.
"Ay gusto ko yan Ading." sabi ni ate at nag apir pa ang dalawa.
Nakupo. Dito pa talaga nag usap ng kalokohan ang dalawa. Nakakahiya kay Deanna baka akalain eh gawain nila talaga ang magninok ng mga bagay bagay. She is listening to them though, I think she's amused pa sa kalokohan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
STRANGER
RomanceJema Galanza is constantly dreaming about a particular individual that she already called her "STRANGER". This person has awaken her hidden emotions and sensations to the point that Jema's two sisters, Jovi and Mafe, thought she is nutty as a fruit...