6 - Binibining Marikit

2.6K 156 140
                                    

Jema

Saturday, 6am. Kahit na tatlong oras lang yata ang tulog ko ay nagising pa rin akong may malaking ngiti sa labi. Sa katunayan nyan, nakatulog ako ng naka smile ng todo, haha.

Paulit ulit kong inalala lahat ng nangyari sa pagkikita uli namin ni Stranger. Hindi ko nga alam kung pano ko napigilan ang sarili ko na humiyaw sa tuwa pagdating sa bahay kanina. Nahiya lang ako sa dalawa kong kapatid at baka magising sa ingay ko.

Himbing na himbing ang dalawang panget pagkauwi ko. Ang sabi nila hintayin nila ako e. Hay, simpleng pangako lang yan ha, hindi pa tinupad.

It really hurts, charing.

May 3 hours pa ako to prepare. I checked the calling card from Valerie baka kasi panaginip lang ang lahat. Pero totoo dahil nasa wallet ko pa ito. I put it on my side table para matawagan ko sya mamaya.

But, I still can't decide kung pupunta ba ako. Baka prank lang ito at saka baka hindi ko kayanin ang trabahong iaalok nila sakin. Kung related sa auction ang job offer, nakupo, I cannot. I don't have any idea kung pano ito. Baka mapahiya tayo, ayoko ah.

Puro baka, try mo muna Jessica ah.

I need to consult my sisters. Correct, kailangan ng tatlong ulo sa mga usaping ganito.

Pumunta na ako agad sa room nila Ate Jovi and Mafe pagkatapos ko sa banyo. Aba, nakatalukbong pa rin ng kumot ang mga ito. Himbing na himbing samantalang may mga trabaho sila today. Ako lang ang naka off pag weekend.

I took my phone out and played my loudest alarm. Inilapit ko pa ito sa pagitan ng ulo nila para rinig na rinig. They both jumped and woke up simultaneously. Di mo maipinta ang mga mukha nila sa sobrang gulat.

"Hahaha. Hahaha." di ko napigilan ang tumawa.

"Jessica!!!!" sabi agad ni Ate Jovi pagkakita sa akin.

"Stop it!!" Mafe said.

"Ang arte, English ka pa dyan Mafe. Gising na kayo aba. Hindi tayo mayaman para afford ng matulog buong maghapon. Work mode on naaaaaa." malakas na sabi ko.

Isang unan ang dumapo sa mukha. What the? Raratrat na naman sana bunganga ko pero isang unan pa ang humalik sa mukha ko. Waaaahhh, gigil nila ako.

Agad ko itong pinulot sa sahig bago tumalon sa kama at hinataw sila ng unan na dala ko.

"Aray, aray. Ang aga aga nananakit ka na." sabi ni Mafe na panay salag sa hampas ko.

Si ate Jovi naman ay agad nakaiwas pero nahulog naman sya mula sa kama.

"Araykupo, Jessica. Ano ka ba naman? Kita mong natutulog pa kami e. Ano bang problema mo? May emergency ba ha?" iika ika na tanong nya.

Umupo uli sya sa kama. Tumigil naman na kami ni Mafe sa wrestling namin.

"Yessss. This is between life and life. I need help." sabi ko ng seryoso.

"OMG. Kelan pa naging life and life? May topak ang Ate Jema." sabi ni Mafe.

"Omsim Ading. Natuluyan na, tsk and tsk." Ate Jovi said.

"Mga sis!!!! You won't believe what happened to me last night, waahhhhhhhhh. I kennet. Mababaliw ako." sobrang excited na sigaw ko.

Sabay naman silang napatingin sa akin na akala mo ay nababaliw na ako.

Lukaret ka na nga e, Jessica.

"Ate, sampalin mo nga yan. Ang ingay, mygad." inis na sabi ni Mafe.

"Ading, huwag naman sampal. Busalan muna natin ang bibig para tumigil." sagot ni ate Jovi.

STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon