7- Sa Isang Sulyap Mo

2.2K 160 114
                                    

Jema.

Nakarating naman ako agad sa address na binigay ni Valerie. Mga 830 nasa harap na ako ng malaking gate, medyo natatandaan ko ito kagabi. Nakita ako ng guardiya at nilapitan ako kaya binuksan ko na ang bintana ng sasakyan.

"Good morning po sa inyo ma'am. Maaari po bang malaman ang pangalan ninyo at kung ano po ang purpose of your visit?" masayang bati ng guard.

May hawak sya na record book at ball pen. Inililista nya yata ang plate number ng sasakyan ko dahil tinitignan nya ito.

"Good morning din po Kuya. I'm Jessica Galanza. May appointment po ako ng 9 am kay Ms. Deanna Wong." sagot ko habang nakangiti.

"Jessica Galanza. Parang nakatimbre na po yata ang name ninyo pero double check ko din. Wait lang po ma'am ha at i-verify ko muna sa loob." magalang na sabi nya.

"No problem." I replied.

He went inside his booth and called someone I think. I can hear voices e. Naka fully roll down kasi ang window ng car ko. Medyo pawis na ako kaya need na ng air. Kanina pa actually nakabukas ito habang nasa biyahe. No choice e, kahit alam kong mag aamoy tambutso ako.

Hindi na kasi gumagana ang aircon ng aking mustang. Charot.

Magre retouch na lang ako mamaya kung may time pa. I checked my time, 840 na agad agad. Bakit ang bilis ng oras? Omg, sana naman papasukin na ako agad ni Kuya guard.

Iginala ko ang aking mga mata sa harapan ko. Para namang isang mini subdivision itong bahay nya. Nakakalula sa sobrang laki at lawak ng property.

May malaking bahay tapos may mga buildings sa tabi nito. Guests or private rooms perhaps or maybe offices.

Yayamanin ang future boss mo.

At may mga guardya pa talaga. Takaw mata nga naman sa mga magnanakaw pag ganito kagarbo ang property. Dapat lang na may security. Mahihirapan makapasok ang mga masasamang loob dito kung sakaling balak nilang mag akyat bahay.

Then I saw the cctv. Medyo ngumiti ako dito. Kumaway kaya ako? Charot. Wala naman sigurong naka monitor sa screen noh. Then I saw some more, it's everywhere.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Magtago na kayo.

Natigil ang pagbibilang ko when the guard called me.

"Ma'am, patingin na lang po ng ID ha." sabi nya.

Agad kong kinuha sa wallet ang aking driver's license at iniabot ito sa kanya. Tinignan nya ito sabay tingin uli sa akin. Checking maybe the picture and me.

Napansin nya yata na nakakunot na ang noo ko. Kasi naman, tumatakbo ang oras huhuhu.

"Sorry po pero standard procedure lang talaga na i-check namin ang lahat ng taong pumapasok dito." he explained.

"Okay lang Kuya, ano ka ba. Trabaho nyo yan kaya walang problema sa akin." magiliw na sagot ko.

"Yan ang gusto ko sa inyo ma'am eh. Maganda na nga, mabait pa." sabi nya.

Shocks. Magkakasundo yata kami ni Kuya. Napaka honest jusko. Charot.

Aba nagkaroon ka agad ng Kuya, Jessica?

"Okay na po ma'am. Hanap na lang po kayo ng parking sa bandang kanan pagliko nyo sa may fountain. Good luck po ma'am sa interview ninyo." sabi nya pagkabalik ng ID ko.

"Thank you so much po. Sana ay mag dilang anghel nga kayo." I replied as I moved forward my car.

Ngumiti naman si Kuya at kumaway pa bago binuksan ang gate para sa akin.

STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon