5 - Abot Langit

2.6K 154 64
                                    

Jema.

"What's going on here?" a voice said.

Natigil kami sa pagtawa ni Val dahil sa pumasok na tao. Sabay pa kaming napatingin dito. Nakatayo sa may pintuan ang isang matangkad na lalake.

Mestizo ito, may lahing Espanyol ang mukha. Matangos ang ilong. Katamtaman ang katawan. Naka salamin. Parang professor ang dating. He is wearing a suit, mamahalin.

"Hello, sir.  Hmmmn, bakit po kayo nandito?" tanong ni Val sa bagong dating.

"I'm the one asking you, Val. Ano ang meron dito? Besides, this is my office." sagot nito.

"Nothing, sir. Sorry, I forgot that this is your office nga pala." tarantang sabi ni Val.

Ay naloko na itong si Val, hindi nya alam ang susunod na gagawin. Boss nya din ba ang mamang ito?

"So, why are you both here?" the man asked again.

"I'm just conducting an interview with this woman." sagot ni Val sabay turo sa akin.

Woman?

May pangalan ako, Val. Jessica Galanza. Saka bakit need pa ituro eh ako lang naman ang woman dito. Mamaya manuno pa ito, nakupo.

"At this time? We are having a big event and you're here with an applicant. That's very strange but I think I know whose idea this is. Deanna's instructions, right?" he said while eyeing me.

Napaupo ako ng diretso at naging seryoso. Sino ba ang lalakeng ito? Kainis naman kung tumingin sa akin, para na akong hinuhubaran. Well, feeling ko lang naman.

Bakit kasi nag ga-gate crash bigla? Naputol tuloy ang usapan namin ni Val. Ay office nya nga pala ito, hahaha.

"No, sir. It's not her idea. Mine only. Anyway, alis na po kami kasi tapos na ang interview. Halika na Ms. Galanza." yaya ni Val sa akin.

Tumayo na rin ako para sumunod sa kanya pero humarang sa harap ko ang lalake.

"If in case they won't hire you, I have a special position for you here, Miss." he said as he winked at me trying to be cute.

Oh no, another macho who thinks he can get all the women he wants by using his damn charm.

Wag ako, hmmp. Pero ang guapo nya sa totoo lang kaso waley, hindi ako attracted e. Sorry na lang sya. Charot.

"Sir, off limits po tayo sa kanya ha. Actually hired na si Ms. Jema kanina pa. She will be working for boss Deanna." Val answered.

What? Anong hired na ako? Ang gulo ng dalawang ito kanina pa. Hindi naman ako nag aapply talaga ng trabaho tas ngayon hired na daw, anyare?

As far as I know e employed pa naman ako. Period.

Happy ka ba naman doon sa current job mo?

Ah eh. Ih oh. Uh. I don't really know, to be honest.

Hinila na ako ni Val palabas ng room na iyon bago pa makapagsalita si mamang ewan.

"Sino po ba yun madam?" tanong ko habang naglalakad na kami pabalik sa aming pinanggalingan.

"Heh, don't call me madam. Val na nga lang." sagot nya.

"Okay po madam este Val." sabi ko.

"Si boss Edward yun, pinsan ni boss Deanna." sagot nya.

"Ahhhhh, kaya pala they have an uncanny resemblance. Akala ko nga kapatid ni Deanna ito e. Siguro sobrang close nilang dalawa kasi mukhang dito rin sya nakatira." wala sa loob na sabi ko.

STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon