Jema.
After 10 months, wala na talagang sign na magpapakita pa sa akin or magkikita pa kami ni Stranger.
Or ni Deanna Wong.
Yun ang sabi nya na pangalan nya, di ba?
It hurts because I waited for the moment that we will see each other again. Umasa ako. Hindi naman nya kasalanan ito, ako ang dapat sigurong batukan para matauhan na.
I've been to that place where we met several times since my birthday pero wala ni anino nya doon. Para syang bula na biglang naglaho.
Tatambay lang ako doon, titingin sa mga tao na papasok hanggang uuwi na talunan.
Ipinakita ko pa ang picture nya sa lahat ng staff doon, nagbabakasakali na nakita nila uli sya. But sad to say, nobody have seen her.
Baka nagkayayaan one time lang sila ng friends nya doon sa lugar na iyon tapos hindi na naulit. Yun din ang sabi nila Mafe at Ate Jovi sa akin.
I was so sad talaga. Kahit anong gawin ng mga kapatid ko para mapasaya ako ay walang epekto pa rin.
They know how I feel and understand me naman kaya hinahayaan na lang nila ako.
Isang gabi na nasa sala na kami at nanonood ng movie, bigla akong napaiyak.
Sabay na tumingin sa akin ang dalawa kong kapatid.
"Ano ba yan Ate, movie lang yan. Hindi dapat iniiyakan bagkus ninanamnam lang." Mafe said.
"Ano daw? Oy Mafe, kung ano ano sinasabi mo dyan. Hayaan mo si Jessica umiyak. If she wants to cry, give her tissue or give your shoulder where she can cry." sabi ni Ate Jovi.
Wahhhh. Naiiyak ako pero gusto kong matawa sa kanila.
"Mygad Ate Jovi, panong hahayaan ko umiyak eh hindi naman drama ang pinapanood natin ngayon. Comedy, as in nakakatawa ito. C-O-M-E-D-Y!! So, bakit iiyak?" inis na sagot ni Mafe.
Batukan ko nga sya.
Pak.
Slight lang naman hehe.
"Aray ko naman." sabi nya.
Buti nga lol.
"Aba naman, Mafe. Kailan pa nagkaroon ng batas na bawal umiyak pag comedy ang pinapanood, ha?" gigil na tanong ko.
"NGAYON!!!" sabay na sagot nila.
Nagkatinginan kaming tatlo tas wala na.
Para kaming mga tanga na humagalpak ng tawa. Pero kahit ganito kami ay masaya naman. Idinadaan na lang sa tawa ang mga problema.
Pinunasan ko na lang ang mga luha ko na nag uumapaw charot.
"Naku may pinagdadaanan na naman ang Ading ko. Mafe, kuha ka ng wine sa cabinet. We need to talk para mailabas ni Jessica ang nasa dibdib nya." Ate Jovi said.
Agad namang tumalima si Mafe. Kung wine talaga ang ipinapakuha sa kanya mabilis pa sa alas kuatro kung sumunod, amp.
Umayos ako ng upo habang hininaan ni Ate Jovi ang volume ng tv. Nasa music channel na ito dahil tapos na rin yung movie. Background na lang namin ito.
"Ayan, tamang tama na ang light at music para sa drama mo este para sa serious talk natin." ate Jovi said.
"Thank you." sabi ko na nakangiti pa rin.
Dumating na din si Mafe with the wine bottle, cork remover and three glasses. Inayos nya ito sa table.
"Wala bang ice bucket man lang?" I asked.
BINABASA MO ANG
STRANGER
RomanceJema Galanza is constantly dreaming about a particular individual that she already called her "STRANGER". This person has awaken her hidden emotions and sensations to the point that Jema's two sisters, Jovi and Mafe, thought she is nutty as a fruit...