First day of school: Sabay kami ni Ate Janz pumasok, siyempre iisa lang naman yung nagustuhan naming school.
"Oy! Umayos ka! Wag mo ng dadalhin dito yung mga kalokohan mo ng high school. Dahil...." Ang sabi ni Ate sa akin.
"Ooops! Wait, ako na magpapatuloy. (Dahil vice president ako ng Student Council, president ng english club, top natcher sa lahat ng academics, mvp sa volleyball, blah, blah, blah) Okay kana? Mga linya mo rin e! Hahahaha, sige. Gotta go! (Sabay alis)" Ang banat ko agad sa kanya. Baka kasi mag sermon nanaman :)
"Oy! Sandali" Ang hirit ni Ate kaso naka alis na ako.
Si Ate Janz kasi masyadong ma-vocal, kasi raw ganto siya, ganyan, blah, blah. Parati nalang niya inuulit sakin na ganun siya. Oo na, di naman ako papalag e. Alam kong mas matalino siya kesa sakin.
At classroom:
Pagpasok ng classroom, typical na ingay. Parang high school lang din. Tapos pinagkaiba lang yung blackboard naging white na, tas yung upuan, plastic na at yung sahig... As usual, tiles.
Biglang nawala yung mga iniisip ko ng biglang tumunog yung bell. Ang una naming professor ay nagpakilala na si Ms. Anne Santos.
"Okay class, Im Ms. Anne Santos, graduated at DLSU-St. Benilde College. Took up BS Psychology. Ahm! 22 years of age. And Im continue my studies here in UST, taking up Masters in Psychology. And Im your contemporary instructor in Psyche101"
Ah, Si Ms. Anne, kahawig siya ni Karylle ng Showtime kaso medyo maliit, siguro mga 4'8" lang. Heels lang talaga ang nagdala. Pero first impression parang mabait naman siya. Parang di nagbibigay ng 2.50 below grade.
Next bell: Pumasok naman ang isang matandang lalaki. Si Mr. Arman Castillo. He already finished his masteral and doctoral degree in different university. Kaya pala matanda na siya. At sumunod na yung iba pang professors.
Last bell: Nang matapos ang klase, hindi muna ako umuwi. Siyempre first day, uumayin ko muna yung sarili ko sa school. Kung saan saan ako napadpad sa laki ng school namin. Cathedral palang, ang laki na!
Pag uwi ko ng bahay,
"Oh, andiyan kana pala. Kakauwi niyo lang?" Ang sabi ng yaya naming matanda na."Di ya! Papasok palang. Nagtanggal na nga ng uniform e" Ang pabiro kong sagot.
"Hahahaha, loko ka talagang bata ka :)" Malakas na tawa at pabirong sagot lang ang nasabi ni yaya.
"Hahaha, lol." Pang asar na sinagot ko.
"Kumain kana, nakahanda na diyan yung merienda mo. Nasan nga pala ang Ate mo? Bat di mo kasama? Ang aga naman ng uwi mo? Kamusta unang araw sa school? Masaya ba?" Ang tanong sakin ni yaya.
"(on my mind: Interview lvl 999) Akyat na po ako!" Naiirita na pagsagot sa kanya
"Di ka na ba kakain?" Ang pangungulit na tanong ni yaya.
"Mamaya nalang ho!" Sigaw ko mula sa taas.
Nakatulog ako sa kwarto at hindi na ako nakakain ng hapunan. Tuloy tuloy yung tulog ko marahil napagod ako sa unang araw sa kolehiyo.
Napaaga ang gising ko mga bandang alas otso ng umaga. At pagbaba ko ng kwarto,
"Anak, kain kana ng breakfast." Ang sabi kaagad ni mama
"Osige ma" Ang tugon ko agad sa kanya
Natapos ang agahan, umalis na si mama, paalis na rin si Ate Janz. Di pa rin ako nakabihis.
"Oy, baka may balak kang magbihis? Naghihintay ako sayo o! Kung pwede lang mag commute e. Bilisan mo na diyan" Ang high blood na sermon ni Ate.
"Una kana! Excited ka e." Medyo mataas na boses kong sagot.
"Yari ka kay mama mamaya, mga sagutan mo ah!" Pananakot niya sa akin
"E kung manahimik ka muna, pano ko makakapag ayos kung salita ka ng salita?" Ang tugon ko sa pananakot niya.
"Dun lang ako sa may kotse ah! Bilisan mo, di aalis si Kuya Thomas kapag di ka pa nakakasakay" Mahinahon na pagsabi ni Ate
"Oo!" Iritadong pagsagot sa kanya.
Nang matapos ako sa aking pag aayos sa sarili. Pumunta na ako sa sasakyan;
"Ang tagal mo naman, long gown?" Bungad sa akin ni Atr pag sakay ko.
"Naka long gown? May nakita kang nakagown? Yan tayo eh. Mema sermon ka lang!" Pang asar kong sagot sa kanya.
"Yan ka nanaman sa mga sagutan mo ah! Puro ka ganyan, kulang ka naman sa brain brain" Pang lalait sakin ni Ate.
"Say whut!? Nobody even care about that!" Badtrip na sagot ko sa kanya.
"K!" Ang maikiling sagot ni Ate.
Pag dating sa campus, pinauna ko ng bumaba si Ate. Ayokong sumabay sa kanya sa pagpasok ng campus. Nang makalayo na siya, tsaka lang ako bumaba.
"Nah! Late na ako sa una kong klase" Bulong ko sa sarili ko.
Pagpasok ng room:
"Mr. Velasquez!" Mataas na boses ang bumungad sakin sa pagpasok ko ng room mula sa likuran.
Si Mam Toreros pala, ang Basic Algebra prof namin. Terror daw talaga to, palibahasa daw matanda na at byuda. :)
"Mr. Velasquez, you're already late!" Halos sumisigaw na boses ni Mam.
"I know Mam, sorry for that. It will never be happen again" Medyo balagbag na sagutan.
"Next time, don't get inside of the classroom when you already late! Is that clear? No more question, sit down!" Sermon ni Mam sakin.
"Ge!" Badtrip na sagot. Pero napaisip ako na, di pa naman siya nagdidiscuss pero yung attitude niya, feeling midterm agad!
"Okay, you may take your sit" Nagmodulate na boses ni Mam.
She discussed about her grading system, projects, assignments, Exams, and attendance.
"Okay class, dahil wala pa namang regular classes. Early dismissal tayo ngayon. Okay, goodbye class" Ang mahinahon na pagsasalita ng professor namin.
Pagkaalis ni Mam Toreros, biglang nag ingay ang buong klase. Samantalang ako nagbabasa ng Mangga series. Nang biglang may tumamang papel sa ulo ko.
"Shit!" Ang badtrip kong reaksiyon.
"I'm so sorry kuya, we didnt meant it." Salita ng isang mahinahon na babae.
"Next time, act like a normal college student" Nakayukong sagot sa sinabi niya.
Pagharap ko! Isang babae na masasabi ko talagang maganda. Si Jade Aquino - magandang babae na maliit, katamtaman lang ang puti at talagang masasabi kong diwata. :') pero kahit na almost perfect siya.
"Ah, its okay. Apology accepeted." Mahinahon na sagot ko.
"Sorry ulit :)" Ang paghingi niya ulit ng dispensa.
Nung unang araw ng pasukan siya agad ang nakainitan ko ng ulo dahil nga sa crumpled paper. Pero nung araw na yun ay naki-sit in lang pala siya dahil napaaga ang pasok niya at ang mga kaibigan niya ay nasa section namin.

BINABASA MO ANG
Unconditionally
Short StoryThis story is fully fiction. Anything that can be the same in reality such as place, things, event, known person, etc. is not what I meant. Its just coincidence. Hope you'll be like it. 'bal