Chapter 10

14 0 0
                                    

Matapos ang nangyari kahapon. Nagising ako ng tanghali dahil sobrang pagod na ako sa mga nangyari ng mga nakalipas na araw.

Pagbaba ko ng hagdan, andun yung mga classmates ni Ate.

"Sir, dun nalang po tayo sa may kitchen banda kumain" ang sabi ni manang.

"Osige po, pero nasan si mama?"

"Umalis na po sir" Sabay alis si manang para maghanda ng kakainin ko.

Matapos kong kumain, naligo na agad ako. Sobrang naiinitan na kasi ako, di ako nakapag half bath kahapon ng gabi.

Habang nasa restroom ako, iniisip ko pa rin yung nangyari kahapon. Bakit biglaan yung paglipat ni Micah ng school? Bakit parang umiiwas na siya samin ni Jade? At bakit parang magkagalit sila ni Jade? Maraming pumapasok sa isip ko kung ano ang totoong nangyayari kay Micah. Di na kasi siya nagkwekwento samin ni Bry.

Si Jade? Bakit parang nag iiba rin yung kilos? Di na siya nag goodmorning, goodevening text sakin. Galit ba sila sakin? Ano kaya nagawa kong kasalanan sa kanila?

Natapos akong maligo at nagbihis. Pagbaba ko ulit andun parin yung mga classmates ni Ate, may ginagawa ata sila para sa school.

Palabas na ako ng bahay ng biglang.....

"Jeje!!" Ang tawag sakin ni Ate at pinalapit niya ako sa kanila.

"Oh?"

"I want you to meet Clarrise" sabay abot ng kamay. Si Clarrise, bestfriend ni Ate.

"Oh, hi :)" sabay abot ng kamay. Akmang aalis na ako ng biglang hinawakan ni ate yung kamay ko.

"Saan ka pupunta? Dito ka muna :)"

"Lalabas ako!"

"Maglalaro ka nanamang ng basketball?"

"Oo, ano naman?" Medyo pasungit na pasabi

"Bawal ka daw lumabas sabi ni Mama"

"Bawaaal!! Akong bahala kay Mama, tetext ko nalang. Sige, alis na ako" sabay labas na agad ng pinto.

Naiwan si Ate sa bahay kasama mga classmates niya.

"Bes, sorry di ko siya napa-stay dito" ang sabi ni ate kay clarrise

"Hindi bes, okay lang yun :)"

"Nako!!! Di na maghuhugas ng kamay yan si Clarrise. Kinikilig na yan!! HAHAHAAH" Ang sabat ng isa pa nilang classmate.

"Hala? Grabe kayo guise"

"Okay tama na yan, baka magkapikunan. Ay, bes samahan mo nga ako sa taas may kukunin lang ako" Ang sabi ni Ate

Umakyat sila sa kwarto ni ate, at hinanap yung gitara niya.

"Bes, ano ba yung hinahanap mo?" Ang tanong ni clarrise

"Yung gitara ko bes. Jamming sana tayo, sa baba. Wait lang bes, dito ka muna. Tatanong ko lang kay manang" sabay alis na si ate.

Halos ilang minuto rin si ate sa baba, may binili pala siya sa labas para sa merienda. Habang si clarrise mag isa lang sa taas, paikot ikot. Hanggang sa nakita niyang nakauwang yung pinto ng kwarto ko. Pumasok siya tiningnan niya yung buong kwarto ko.

"Ang lamig naman dito sa kwarto niya, kakapatay lang siguro ng aircon. Sabagay may kaya naman sila. Tas ang bango pa, amoy na amoy ko yung pabango niya. Hindi talaga siya nagbabago ng pabango"

UnconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon