Chapter 3

48 0 0
                                    

Natapos ang unang sem, siyempre nagkaroon ng mga kaibigan, nagkaroon ng mga kaaway. At higit sa lahat natututong umibig sa isang tao na hindi ko pa gaanong kilala.

Vacant time in the afternoon,

"Jeje, ligawan mo na kasi" Ang sabi ni Micah -- friend of mine.

"Ligawan ko? E hindi pa nga kami magkakilala." Ang mabilis kong sagot sa kanya.

"T O R P E" Ang sabay sabay na sinigaw ng barkada. :)

"Para naman kayong ewan, ano ko? Stranger na biglang lilitaw at manliligaw sa kanya. Di kaya masampal ako ng maaga nun" Ang paliwanag ko sa kanilang lahat.

Nang tumunog ang bell, kanya-kanyang takbo sa corridor. Nag uunahan sa pag takbo hanggang sa.......

"Ouch! Ohmy, my books and projects. Dont you know that this is a school not a play ground. I M M A T U R E!!!!" Ang galit na galit na boses ang narinig ko.

"Miss, sorry! We're on rush kasi." Ang mahinahon kong salita, habang sabay kaming inaayos yung gamit niya sa sahig.

Habang inaayos ko yung gamit ko yung mga tropa ko. Biglang sabi....

"Ayiee! Ooookaaay, gotta go. Mukhang nakakasagabal kami sa lovestory niyo e " Ang sabi ni bryant sa akin.

"Anong ako? Tulungan niyo nalang kami dito." Habang nakayuko parin na nag aayos.

Nang maayos na ang kanyang gamit, tumayo na kami at biglang sinabi niya...

"Salamat :)"

Nagulat ako at hindi makasalita ng maayos dahil si Jade pala yun. Shit!

"A, e, so..oorry!" Nah! Ano pala? Nabubulol na salita.

"Okay lang" Sabay lakad na paalis.

"Aaaa! E, osige. Ingaaat k.a!" Bulol parin yung sagot ko.

Habang naglalakad siya palayo, ang mata ko ay hinahatid siya. Sabay biglang may bumatok sakin.

"Oy! Ang pantasya mo tantanan mo na, dahil patay na tayo kay Mam Torreros!" Sabi ni Bryant sakin.

Sabay alis na sila, pero ako naglalakad na nakatingin sa likod. Natapos ang isa't kalahating oras na para akong lutang. At nagbell na pala ng hindi ko nararamdaman.

"Huy, anong nangyari sayo? Guise, anong nangyari dito?" Ang sabi ni Micah.

"Ayaaan! Pagusapan na yan! Pano, nagkita sila ng kanyang D I W A T A" Ang pang aasar ni Bryant sakin.

"Hoy!!" Sabay sampal sakin ni Micah.

"Pta! Aray! Ano ba yun?" Ang mataas na boses at badtrip na sagot.

"Kanina pa kaya kita kinakausap -,-" Ang paliwanag ni Micah.

"Sorry na, mapapatawad mo pa ba ako. HAHAHAHAHAHA!!" Ang pabiro kong sagot sa kanya.

"E loko pala to e! Banatan ko kaya to?" Ang medyo ganster na sagot ni Micah.

Si Micah Hernandez, unang kong nakilala sa UST. Masyadong madaldal kasi kaya nakilala ko agad siya. Tsaka siya naman ang unang nag aapproach. Mabait, brainy rin, tas medyo boyish pero may pagka-kikay rin minsan.

Natapos ang buong klase namin na parang wala akong natutunan. Dahil sa kakaisip kay Jade. Pauwi na sana ako, nang biglang may kumalabit sakin.

"Kuya, sayo yata ito?" Ang mahinahon na tanong na nagmumula sa aking likuran. Pag harap ko. Hala? Si Jade pala. Inaabot yung handkerchief ko.

"Ah! E, oo sakin yan. Saan mo nakita? Kanina ko pa yan hinahanap e." Ang mahaba kong sagot kay Jade.

"Ahm, nakuha ko siya nung inaayos natin yung gamit ko. Napasama ata :) Okay, gotta go." Ang paliwanag niya sakin. Sabay alis.

Natapos ang araw kong iyon na puro siya ang nasaisip ko.

UnconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon